Pokwang hopes to provide comic relief amid Yolanda’s devastation

Pokwang on "It Girl of Comedy" title: “Hindi ko nga maintindihan yung title na yun, e. Pasensiya na! Basta ako, ang masasabi ko lang, kahit anong title pa ang ibigay sa amin… Kung anuman ’yan, tao ang nagbibigay sa ’yo at sila rin ang babawi. Okey lang. Kalma lang ako… saya lang."


Nakibahagi sa ginanap na benefit show ni Vice Ganda noong November 15, Biyernes, sa Laffline Comedy Bar, ang komedyanang si Pokwang.

Ang benefit show ni Vice ay para makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Read: Vice Ganda asks Pinoys to keep up relief efforts for typhoon victims: “Hindi pa tayo dapat huminto.”

Nakapakaganda raw kasi ng hangarin ng show ni Vice, kaya agad-agad ay tumango si Pokwang para mag-perform.

Kuwento ng Kapamilya comedienne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Actually, parang a day before lang ng show, tumawag siya sa akin.

“Sabi niya, ’Mamang! Baka naman puwede ka?’

“O, e, nagkataon naman na na-move yung schedule ko ng Monday.

“So, sabi ko, ‘Why not? At kung makakatulong naman sa mga kababayan natin, bakit hindi?’

“Ang sarap nga ng mga ganitong ano, di ba? Ganitong paminsan-minsan, may ganito kaming mga komedyante.

“Hindi lang kami puro baliw-baliwan. Mayroon din po kaming mga puso para sa mga nangangailangan.”

Nais ba niyang pumunta sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda para iabot nang personal ang kanyang tulong?

Sagot ni Pokwang, "Actually, gusto ko sanang pumunta doon.

“Sana makakuha ako kahit isang araw na free, why not? Ayusin natin nang bonggang-bongga.

“Marami pa namang pagkakataon na makapunta ako doon.

“Since tapos na yung mga shooting-shooting, doon tayo sa bakanteng schedule ko.

“Dubbing-dubbing na kami for the movie," pagtukoy ni Pokwang sa pelikula niyang Call Center Girl.



POKWANG’S MOVIE. Sa November 27 na ang showing ng Call Center Girl, na iprinodyus ng Star Cinema at Skylight Films.

Kinakabahan ba siya sa magiging resulta sa takilya ng pelikula niya, lalo na ngayong may pinagdadaanan pang kalamidad ang bansa?

Sagot ni Pokwang, "Actually, ipinapasa-Diyos na lang natin ang lahat.

“Kasi, alam mo, sobrang napakasaya ng movie. Ang saya-saya ng pelikula.

“So, eto sana yung kahit magbigay ng konting sandaling ngiti sa mga tao, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa kabila ng pinagdadaanan natin ngayon, naiintindihan naman po namin ’yan."

Dagdag pa niya, "Meron naman. Ano, kampante?

“Oo, natural lang yun [na kabahan].

“At siyempre, kapag nakikita mo yung suporta ng mga kaibigan mo, mahal mo sa buhay, nakakawala ng kaba.

“Siguradung-sigurado naman kami na ang pelikulang ’to, magbibigay ng saya.

"Tawa lang, hapi-hapi lang."

Todo-todo na raw ang pagpu-promote ni Pokwang ng kanyang pelikula ngayong linggo.

Saad niya, "Maiintindihan naman siguro ng tao, ng mga kababayan natin.

“Ang hangarin lang naman natin sa industriya ay magbigay saya.

“Yun naman ang papel natin sa buhay, lalo kaming mga komedyante."

"IT GIRL OF COMEDY." Ano naman ang masasabi niya sa bago niyang title na "It Girl of Comedy"?

Natatawang sabi ni Pokwang, “Hindi ko nga maintindihan yung title na yun, e. Pasensiya na!

“Basta ako, ang masasabi ko lang, kahit anong title pa ang ibigay sa amin…

“Di ba, si Vice Ganda, ‘Phenomenal Star at Unkabogable’?

“Kung anuman ’yan, tao ang nagbibigay sa ’yo at sila rin ang babawi.

“Okey lang. Kalma lang ako… saya lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN