PEPtalk. Dormitoryo stars Enzo Pineda, Joyce Ching, and Ruru Madrid play "Truth or Talent"

The cast of Dormitoryo (left to right) Enzo Pineda, Joyce Ching, and Ruru Madrid showed their "hidden talent" in the latest episode of #DormitoryonPEPtalk!


Matapos ang matinding laglagan nina Joyce Ching, Enzo Pineda, at Ruru Madrid sa mga naunang episode ng #DormitoryoonPEPtalk, walang humpay pa rin ang kanilang bukingan.

Kung sa unang dalawang bahagi ng panayam ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Associate Editor Rommel Llanes ay nakipagtakutan at nakipagtsikahan ang tatlong stars ng Dormitoryo, sa pangatlo at huling bahagi ay napasabak naman ang tatlong Kapuso artists sa PEPtalk mini-game na may titulong "Truth or Talent."

Magpapaikot ng marker pen si Rommel, at kung sino kina Joyce, Enzo, at Ruru ang matapatan ng pen cap o malapit sa pagkakatutok nito ay mamimili sa "Truth" (sasagot sa tanong) o "Talent" (magpapakita ng talent na hindi pa alam ng fans sa kanila).

Unang sumalang si Ruru at ang pinili niya ay "Truth."

Pinaalalahanan muna ni Joyce si Ruru, “Truth, ibig sabihin totoo yung isasagot, a!”

Agad namang tinanong ni Rommel si Ruru kung sino ang madalas niyang nakaka-text ngayon bukod sa kanyang mga kamag-anak at managers.

Sagot ni Ruru, “Special someone? Siguro si Ano... Baka magulat ka, e—Marian Rivera.”

Paliwanag ng young actor, madalas daw niya talagang nakaka-text si Marian matapos ang pelikula nilang My Lady Boss kung saan gumanap siyang nakababatang kapatid nito.

Lahad niya, “Lagi po kami magka-text… Kasi po si Ate Yan, parang naging ate ko na talaga.

“Talagang ateng-ate na ang dating.

“Lagi po siyang ano... Kunyari pag pupunta siya ng Sunday All Stars [sasabihin niya], ‘Ru, ano kitakits tayo diyan.’ Punta siya dito.

“’Tapos, ‘Kamusta ka na?’

“Paminsan kinakamusta ko siya, sasagot siya, tapos lagi pa yun, ‘Mwah!’"

Bigla namang humirit si Enzo at sinabing, “Pa’no si Julia [Barretto]?”

Crush kasi ni Ruru ang dalagitang Kapamilya talent.

Pabiro namang sumagot si Ruru sa pambubuko ni Enzo: “Sino… Julie Ann Santos?”

Pero kumambiyo naman kaagad si Ruru, sabay sabing, “Wala, hindi ko pa nakaka-text yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin naman daw niya tatanggihan ang pagkakataon na maka-text ang dalagitang pamangkin ni Gretchen Barretto kung makilala niya at makuha ang number nito.

“If ever? Siyempre naman! Sino ba namang hindi ite-text yun?”

Ano naman kaya ang napili nina Joyce at Enzo? Truth o Talent? Ano naman kaya ang ibubuking nila sa isa’t isa? Panoorin ang ikatlo at huling bahagi ng #DormitoryoonPEPtalk!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN