Cristine Reyes avoids news about Yolanda devastation; still traumatized by typhoon Ondoy

“Hindi ako makapaniwala na ganung klaseng pagsubok ang darating sa bansa natin,” says Cristine Reyes about her initial reaction upon seeing videos of the effect of super typhoon Yolanda in the country.


Sadya umanong hindi muna nanonood si Cristine Reyes ng anumang balita tungkol sa trahedyang idinulot ng super typhoon Yolanda.

Sa press conference na inihanda para sa kanya bilang bagong cast member ng ABS-CBN primetime series Honesto, kanina, November 18, sinabi ni Cristine na umabot ng limang araw bago siya nakapanood ng mga video na nagpapakita ng sinapit ng mga lugar na nasalanta ng bagyo.

“Sinadya kong hindi manood dahil alam niyo namang traumatized pa rin ako hanggang ngayon,” sabi ng Kapamilya actress.

Matatandaang isa si Cristine sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy noong 2009.

Ang kanyang dating bahay sa Provident Village, Marikina City, pati na ang kanilang mga ari-arian, ay nalubog sa matinding baha na dulot ni Ondoy.

Read: Cristine Reyes strives to forget trauma and earn back assets lost to typhoon Ondoy

Nang mapanood na raw ni Cristine ang mga ulat tungkol sa mga biktima ng bagyong Yolanda, hindi na niya napigilan ang maging emosyunal.

Aniya, “Hindi ako makapaniwala na ganung klaseng pagsubok ang darating sa bansa natin.

“Kasi usually, napapanood natin ‘yon sa ibang bansa, na ganung kalakas.”

Dahil din sa mga balita, naisip din daw ng young actress na magpunta sa mga lugar na napinsala ng bagyo.

“Gusto kong pumunta kasi umiiyak talaga ako noong nasa bahay ako nang mapanood ko siya.

“But, sabi ng kaibigan ko, not a good time to go there.”

Nang tanungin kung may maibabahagi siyang words of encouragement para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, napigilan si Cristine.

Marahil ay naalala niya ang nakaraang karanasan, kaya sambit niya, “Wala akong masabi.

“Siyempre, wala namang tayong ibang matatakbuhan kundi yung Nasa Itaas lang.

“Hindi naman Niya tayo pababayaan.”

Dagdag pa niya, “Actually, ingat akong magsalita about it kasi alam kong masyadong sensitive.”

Ngunit katulad ng mga kapwa niya artista, tumutulong si Cristine sa kanyang kaibigan na nagsasagawa ng relief operations para sa mga biktima ng bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN