Aquino administration launches website that will monitor foreign financial aid

Inilunsad ng Aquino administration ang website na Foreign Aid Transparency Hub—o FAitH—na ang layunin ay maipakita ang “transparency” sa lahat ng gustong makaalam ng aktuwal na halaga ng donasyon, anong klaseng serbisyo, sa anong bansa ito galing, at saan ito napupunta.


Inilunsad ng pamahalaan ngayong araw, November 18, ang isang website na tututok at mag-a-update sa lahat ng mga donasyong natanggap ng Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa—in cash or in kind.

Pinangalanan itong Foreign Aid Transparency Hub—o FAitH.

Ang layunin nito ay maipakita ang “transparency” sa lahat ng mga gustong malaman ang aktuwal na halaga ng donasyon, anong klaseng serbisyo, sa anong bansa galing, at saan ito napupunta.

Bago ito, sinabi na rin ng Commission On Audit (COA) na pamamahalaan nila ang tamang pag-o-audit sa mga tulong na natanggap at matatanggap pa lang ng bansa para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Ito ay alinsunod na rin sa panawagan ng mamamayang Pilipino na bantayan ang mga donasyon dahil sa pangambang hindi ito makakarating sa talagang nangangailangan.

Read: Financial aid for Yolanda victims now at P5.4 billion; Philippine government assures proper audit



GOOD GOVERNANCE. Sa official statement na inilabas ng Malacañang, sinabi ni President Benigno “Noynoy” Aquino III:

“Throughout my presidency, we have always made it a point to abide by the pillars of good governance: transparency, accountability, and integrity.

“It is in light of this that we are launching ‘FAiTH,’ which stands for Foreign Aid Transparency Hub. This can be accessed through http://www.gov.ph/faith.”

Paliwanag pa ni PNoy tungkol sa bagong website:

“FAiTH is an online portal of information on calamity aid and assistance, whether in cash or in kind, received by the Philippines from nations and multilateral organizations, as well as those coursed through our embassies abroad.

“Not only will FAiTH contain detailed information on the help that has been given to us from our friends and partners abroad; it will also track how these donations are used, if assistance is to be coursed through government agencies.

“And I take this opportunity to invite—and to encourage—international and local non-government organizations and groups to use FAiTH, and stand with us in this effort to maximize the transparency and efficiency of our collective efforts.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE ARE HERE ONLY TO SERVE YOU. Sinabi pa ng Pangulo na ang paglunsad ng naturang website ay hindi lamang upang ipakita ang mapupuntahan ng mga donasyon.

Ito raw ay upang maipakita rin sa international community ang ating kasiyahan sa kanilang pagkalinga at pakikiisa sa mga biktima ng bagyo.

“This is only one aspect of our government’s response to Typhoon Yolanda," sabi ng Presidente.

“While helping our people recover from the tragedy and rebuilding destroyed communities and infrastructure are our foremost priorities, we also know that it is important to reinforce the relationship we have with our people and with the international community.

“We will do this by ensuring that the aid and assistance pledged for Filipinos will be used only to benefit Filipinos.

“Ultimately, FAiTH is more than a hub of information: it is an expression of appreciation for the kindness of those who stand in solidarity with our countrymen, and it is a continuation of our promise to the Filipino people: we are here only to serve you.”

Kasalukuyang nasa Leyte si PNoy upang personal na pangasiwaan ang relief operations doon.

Tumulak ang Pangulo mula Maynila papuntang Visayas kahapon, November 17.

Una nitong pinuntahan ang Guiuan, Eastern Samar—ang lugar kung saan unang nag-landfall ang bagyong Yolanda.



TRANSPARENCY AND ACCOUNTABILITY. Ayon naman sa Department of Budget and Management (DBM), ginawa ng Aquino administration ang paglulunsad ng FAiTH dahil sa panawagan ng mamamayang Pilipino na i-monitor ang galaw ng mga donasyon.

Dala na rin ng pinakahuling iskandalo sa gobyerno—ang maanomalyang paggamit ng pork barrel ng mga mambabatas—hindi na madaling mapaniwala ang Pinoy sa mga kilos-gobyerno.

Ayon kay Undersecretary at Chief Information Officer Richard Moya: “There’s an urgent call now for us to monitor the movement of foreign aid funds for Yolanda so they will go exactly where they’re supposed to: to the survivors of the typhoon for whom recovery will be a long and arduous process, and to the communities that need to be rehabilitated as quickly and efficiently as possible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“FAiTH is the Aquino administration’s pioneering response to this growing need for transparency and accountability in the management of humanitarian donations.”

Ang monitoring team ng FAiTH ay magmumula raw sa kinatawan ng mga ahensiya ng gobyerno na naatasang mangasiwa sa relief and rehabilitation efforts sa mga nasalanta ng kalamidad.

Kabilang dito ang Department of Foreign Affairs, DBM, Department of Finance (DOF), Commission on Audit (COA), DSWD...

National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Presidential Management Staff (PMS), at ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) sa ilalim ng Office of the President.

Ang Department of Foreign Affairs naman daw ang nangungunang ahensiya sa pagbibigay ng datos tungkol sa mga donasyong ilalathala sa website.

NO HARD CASH. Sabi ni Undersecretary Moya, kailangang maintindihan ng publiko na hindi hard cash ang natatanggap ng PNoy government mula sa donor countries:

“Counter to what most people think, foreign aid isn’t given to the Philippine government in hard cash.

“Instead, these arrive in the form of pledges, which are released to aid groups or their corresponding organizations in the Philippines, such as USAID and Red Cross.

“In cases like this, FAiTH doesn’t monitor these funds; instead, it tracks foreign aid that is coursed through Philippine government agencies.”

Dagdag naman ni DBM Secretary Florencio “Butch” Abad, "greater transparency and accountability" ang layunin ng mga gobyerno ng Pilipinas at ng mga bansang nagbibigay ng tulong:

“We believe that other humanitarian organizations and civil society groups want the very same things that this Administration is working for: greater transparency and accountability in the use of funds, especially those that are meant to bring relief and urgent assistance to the victims of calamities.

“Working together, the Philippine government and the global community can accomplish much toward rebuilding the communities damaged by Yolanda and restoring normalcy to the lives of those who were affected by the typhoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“While the Philippines is certainly no stranger to calamity, Super Typhoon Yolanda exceeded expectations around the world in the most unfortunate way possible.

“The Aquino administration and the Filipino people are very grateful for the generosity of the international community in response to the devastation left by Yolanda, as well as for the continuing selflessness of all our relief and rescue workers, including those from government, citizens’ groups, and various aid organizations.”

RECENT FAiTH TALLY. Sa huling datos na nakatala sa FAiTH, may kabuuang P11,654,775,900 bilyon na ang halagang nalikom ng Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa.

Halos kalahati dito, o P5,764,678,900 bilyon, ang cash donations.

Ang in-kind donations naman ay umabot na sa P5,890,097,000 bilyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN