Cristine Reyes maintains friendship with ex-boyfriends Derek Ramsay, Rayver Cruz, and Dennis Trillo

“Siguro ang magandang part na lang is mine-maintain ko ang friendship sa lahat,” says Cristine Reyes about breakup with former boyfriends.


Hindi pa rin matapus-tapos ang pang-uusisa ng entertainment press kay Cristine Reyes tungkol sa short-lived romance nila ni Derek Ramsay.

Marami ang nagulat nang tapusin na dalawa ang kanilang relasyon isang buwan matapos sila maging opisyal na magkasintahan.

August 29 nang aminin nina Derek at Cristine ang tungkol sa kanilang dalawa.

September 30 naman nang lumabas ang balitang hiwalay na ang matalik na magkaibigan.

Read: Derek Ramsay and Cristine Reyes split after less than a month

Sa kabila ng pagtatapos ng kanilang relasyon, nanatiling matalik na magkaibigan sina Cristine at Derek.

Gayunman, hindi maiiwasan na may ilang tila hindi naniniwalang posible ito.

Kaya sa muling pagkakataon, pinatotohanan ni Cristine na mabuti pa rin ang relasyon niya kay Derek, nang makausap siya ng media sa press conference ng Honesto, kahapon ng tanghali, November 18.

Saad ng young actress, “To clarify, para maniwala kayo, oo, nakakausap ko [si Derek] almost every day.

“Si Rayver [Cruz] din naman, ganun din.

“Even si Rayver, minsan binibisita ko pa sa bahay nila.”

Ganito rin daw siya sa isa pa niyang naging nobyo, si Dennis Trillo.

Ani Cristine, “Si Dennis kasi, alam naman natin na hindi siya palalabas and all, pero nakakausap ko siya kahit minsan, kumustahan.

“But yung mga kapatid niya, always, lagi kaming may communication.”

Bagamat tuloy pa rin ang komunikasyon sa kanyang mga dating boyfriend, agad naman niyang nilinaw, “Alam mo ‘yon, hindi porke’t nakakausap ko pa ang ex ko, kami, at itinatago ko.

“It’s just that I want to keep the friendship with them.

"Kasi hindi biro yung ilang taon na pinagsamahan namin and yung friendship, bina-value ko ‘yon.”



MAINTAINING FRIENDSHIP. Para kay Cristine, mas mahalaga na manatili pa rin ang pagiging magkaibigan ng dating magkasintahan.

Kahit hindi maganda ang naging rason ng paghihiwalay, sabi ni Cristine, “Siguro ang magandang part na lang is mine-maintain ko ang friendship sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, baligtad akong tao, e.

"Instead of magalit ako dahil nag-break or hindi nag-work ang relationship with your loved one, isipin mo na lang na mas okay na nag-break kayo kaysa magkaroon pa ng lalong mas matinding away or something sa inyong dalawa, which leads to talagang sasama ang loob ninyong dalawa.

"Mas mabuti kung, ‘Ooops, putulin na natin ‘to. Mas maganda yata kung magkaibigan na lang tayo.’"



ZERO LOVELIFE. Sa ngayon, siniguro ni Cristine sa press, “Wala po akong lovelife.”

Nang tanungin kung may nanliligaw sa kanya, hindi tiyak ang naging sagot ni Cristine.

“Hindi na kasi uso ang nanliligaw talaga, na nagpupunta sa bahay.

“Feeling ko, ang ibig sabihin ng entertain is constantly may kausap o may ka-text.

“Pero date, wala. Kung may kausap, oo.

"Kausap lang, like, exchange of messages,” sabi ni Cristine sa huli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN