Mayor Alfred Romualdez claims Secretary Mar Roxas working to unseat him inorder to take over Tacloban; Roxas vehemently denies allegation

Incumbent Tacloban City Mayor Alfred Romualdez (in photo) is spreading the word that DILG Secretary Mar Roxas asked to surrender his position, allegedly to allow Mar to take over the leadership of the province. Mar vigorously denies this.

Secretary Roxas reminds Mayor Romualdez that, on Day 1, the mayor was the one that made the call, "We want the national government to take over, please declare martial law," because the mayor was powerless before the bre


Nais diumano ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel "Mar" Roxas II na paalisin sa puwesto si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at ilipat sa kanya ang pamamahala ng naturang probinsiya.

Ito ang alegasyon ng kampo ni Mayor Romualdez.

Ayon sa ulat ng Inquirer.net ngayong araw, November 18, inatasan diumano ni Secretary Roxas si Mayor Romualdez na magsulat ng formal request kay President Benigno "Noynoy" Aquino III, upang ipaalam na hindi na niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin bilang alkalde ng Tacloban.

Hinihikayat din umano ni Secretary Roxas ang Tacloban City Council na magpasa ng resolusyon, na nagsasabing ipinauubaya na ni Romualdez kay Roxas ang pamumuno ng kanilang lugar.

Sabi pa ni Romualdez na tumanggi raw ang karamihan sa mga miyembro ng Tacloban City Council sa gustong mangyari ni Secretary Roxas.

Saad ni Atty. Alex Avisado, legal counsel ni Mayor Romualdez: “He wants the City Council of Tacloban also to pass a resolution to the same effect, but no one wants to do it.

"Only one member of the council came when they were called.”

Ang Tacloban ang isa sa mga lugar sa Central Visayas na nagtamo ng pinakamatinding pinsala dahil sa tropical cyclone Yolanda.



PARTISAN POLITICS? Kaugnay nito, tila nahahaluan din ng pamumulitika ang relief at rehabilitation efforts sa Tacloban City.

Maugong ang usap-usapang tila sinasadya ng national government na ipitin ang pagdagsa ng tulong sa Tacloban, na kilalang balwarte ni dating Philippine First Lady Imelda Romualdez-Marcos, na asawa naman ng namayapang Presidente Ferdinand Marcos.

Si Marcos ang siyang pinaghihinalaang utak diumano sa pagpaslang sa ama ni PNoy, ang namayapang senador na si Ninoy Aquino, noong August 21, 1983.

Pahayag pa ni Atty. Avisado hinggil sa isyu, hindi tinugunan ng National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang panawagan ni Mayor Romualdez na mabigyan ng emergency relief assistance ang Tacloban, pagkatapos manalasa ang bagyong Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“On Day 2 of Typhoon Yolanda aftermath, the mayor requested the NDRRMC to deploy two Marine battalions to help immediately establish peace and order and rescue/relief operations.

“Unfortunately, this plea for help was unheeded by the national government.”

Isang linggo pa raw ang lumipas bago nagpadala ang pamahalan ng Bureau of Fire Protection at MMDA personnel, na siyang naatasang magbalik ng peace and order sa Tacloban.

Ito ay taliwas daw sa partikular na kahilingan ni Mayor Romualdez na nangangailangan ng karagdagang kapulisan ang Tacloban.

Sa kadahilanang 25 out of 280 police officers lang ang nagsipagbalik-trabaho pagkatapos ng bagyong Yolanda.



CRITICISM AGAINST ROXAS. Sa hiwalay na ulat ng Manila Bulletin noong Linggo, November 17, binatikos ni Buhay party-list Representative Lito Atienza ang diumano’y panggigipit ni Secretary Roxas kay Mayor Romualdez kaugnay ng additional police officers na request ng huli.

Sabi niya, “Hindi na kailangang gamitan pa ng pamumulitika.

“Para bang minamarkahan niya si Mayor Romualdez na hindi kakampi, kaya pinahihirapan. Foul naman ito.

“Bubuwelta ito kay Secretary Roxas dahil nasa kanya ang pagkukulang.

“Tulungan niya ang buong region at tulungan niya ang lahat, whether Romualdez ang pangalan o hindi.”



NOT TRUE. Mariin namang pinabulaanan ni Secretary Roxas ang mga alegasyon ni Mayor Romualdez.

Sabi niya, “That’s not true. Sila ang may gusto niyan since Day 1."

Ipinaalala pa ni Secretary Roxas na si Mayor Romualdez umano ang mismong nagsabing "we want the national government to take over, please declare martial law," dahil sa kawalan ng peace and order sa Tacloban.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN