Martin Escudero hopes to return to Kapamilya Network: “Lahat naman yata ay dream ang ABS-CBN.”

Martin Escudero on practicing safe sex: “Yung one-night stands kasi, puwedeng mangyari ‘yan kahit saan—sa bar, o maski sa mall, di ba? Nangyayari ‘yang tukso na ‘yan. Ako, dapat talaga laging may condom. Sinabi kasi ‘yan sa seminar namin na kailangan lagi kang may dalang condom sa bag."


Mag-e-expire na ang kontrata ni Martin Escudero sa Kapatid network sa January 2014.

Pero hindi pa malinaw sa ngayon kung ire-renew siya o magre-renew siya.

Sabi ni Martin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko pa rin alam.

“Wala pa ring sinasabi sa amin ang TV5 dahil siguro maaga pa.

“Pero marami na ring kumakausap sa amin, pero wala pa talagang pinal na napag-uusapan.

“Bukas pa naman ang pintuan namin sa kung ano ang puwedeng mangyari.

“Pero may nakakarating sa amin na gusto pa rin ako ng network ko... nasa sa kanila na yun kung gusto pa rin nila akong manatili sa kanila.

“Sa ngayon, masaya ako kung saan man ako, kasi libre akong nakakagawa ng pelikula.

“Kasi sa TV shows, automatic na binibigyan na nila ako dahil nakakontrata nga ako sa kanila.

“Tingnan natin ngayon kung ano pa ang puwedeng mangyari.”



NETWORK TRANSFER. Hindi naman itinanggi ni Martin na kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang makalipat sa ABS-CBN.

“A, oo, lahat naman yata ay dream ang ABS-CBN,” nangingiting pag-amin ng 23-year-old actor.

“Doon din naman ako nag-umpisa.

"Kung kailangan ba nila ako at mapapansin nila ako, di ba?

“Noon, nag-try ako sa Star Circle Quest noong thirteen years old ako sa batch one, pero hanggang top 20 lang ako.

“Then, after that, nag-StarStruck na ako."

Ang Star Circle Quest ang dating artista search ng ABS-CBN.

Ang StarStruck naman ang reality-based artista search ng GMA, kung saan nanalo si Martin bilang Ultimate Loveteam (katuwang ni Kris Bernal) noong Batch 4.

Patuloy niya, "So, kung may chance na makatrabaho ako sa kanila, walang problema sa akin.

“Pero sa ngayon, steady lang ako. May kumukuha pa rin naman sa akin.”



BLESSINGS. Ipinagpapasalamat ni Martin na marami pa ring blessings ang dumarating sa kanya mula nang maging contract artist siya ng TV5.

Sabi niya, “Masayang-masaya kasi matapos ng mga problema, bini-bless pa rin ako ni Lord, at hindi ako pinababayaan ng network ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit wala akong manager ngayon, at magulang ko ang nakikipag-usap, meron pa rin akong projects outside TV5.

“Bukod dito, ginagawa ko pa nga yung Positive na marami ang nagkakagusto kahit on a weekly showing lang kami.”

Gumaganap si Martin bilang isang call center agent na may HIV (Human Immunodeficiency Virus) sa TV5 weekly series na Positive.

Dahil sa serye, maging siya raw ay naging conscious na sa kanyang sex life.

Sabi niya, “Sa simula kasi, na-culture shock ako lalo na’t di naman ako gumagawa ng mature roles, di ba? First time ko yun.

“Pero parang, ‘A, heto na ang tamang oras.’ Dito, nag-mature talaga ako nang todo.

“Parang obligasyon na rin yung ibinigay sa akin kasi mabibigat ang mga eksena, e.

“Tapos, yung sa personal na pananaw ko sa pakikipag-sex, malaki ang naitulong niyan sa akin.

“Ako kasi, hindi ako nakikipag-sex na for fun lang.

“Para sa akin, obligasyon din yun dahil kapakanan ng babae at sarili ko na rin ang nalalagay doon, e.

“Kasi malaking responsibilidad ‘yan, lalo na nagiging liberated na rin ang mga Pinoy—kahit ako ay hindi ako sang-ayon doon.”


SAFE SEX. Hindi naman niya sinisisi ang iba na nahihirapang iwasan ang pakikipag-sex.

Ani Martin, “Ako kasi, iwas din ako sa ganoon, pero siyempre, tao rin lang tayo.

“Ayokong magpaka-ipokrito dahil lalaki naman ako.

"Kung hindi mapipigilan talaga, e, mag-practice ng safe sex.

“Yung one-night stands kasi, puwedeng mangyari ‘yan kahit saan—sa bar, o maski sa mall, di ba?

"Nangyayari ‘yang tukso na ‘yan.

“Ako, dapat talaga laging may condom. Sinabi kasi ‘yan sa seminar namin na kailangan lagi kang may dalang condom sa bag.

“Mahirap na, di ba?” sabi pa niya.

Dahil din sa role niya rito ay mas naging bukas ang pag-iisip ni Martin tungkol sa sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon pa raw sila ng orientation tungkol sa karamdamang ito.

“Ay, oo,” umpisa niyang kuwento.

“Nabuksan ang isip ko sa maraming bagay, lalo na’t bago kami nag-shoot ay nagkaroon muna kami ng seminar tungkol dito.

“Tapos, magkakaroon kami ng events na sasamahan namin, lalo na ngayong December na isi-celebrate ang World AIDS Day.

“Kumbaga, sa akin, ang ituturo ko na lang sa mga kabataan ay yung maging safe lagi.

“Na dapat ay mag-practice sila ng safe sex kung hindi maiwasan at kung maaari ay huwag na munang makipag-sex.

“Importante din lalo na sa mga nagdududa na magpa-test.”


WEEKLY SERIES. Ipinaliwanag ng lead actor sa serye kung bakit weekly lang ito.

Sabi niya, “Ito kasi yung parang ano... yung gusto nilang gayahin yung series sa States.

“Yung isang beses lang ipalabas sa isang linggo, pero buo na ang istorya... parang solid na siya.

“Isang buong kuwento na parang sa tradisyonal na serye, isang buong linggo mo siyang papanoorin, pero heto isang araw lang.

“Sa tingin ko, maganda naman ang pagtanggap ng tao.”



INDIE MOVIE. Kasalukuyan ding ginagawa ni Martin ang indie movie na Mumbai Love under Capestone Productions.

Kasama niya rito si Solenn Heussaff.

Ang Mumbai Love ay isang drama-comedy na pinagtatagpo ang kulturang Indian at Filipino.

Ito ay sa direksiyon ng award-winning Fil-Am independent filmmaker na si Benito Bautista.

Sabi ni Martin, "Tungkol ito sa dalawang magkaibang kultura na pinag-isa dahil sa pag-ibig.

“Yun ang gustong ipakita na kahit hindi nagkakaintindihan sa mga salita, pero dahil nabuo ang pagmamahalan, walang naging hadlang.

“Kaibigan ako rito ng bidang babae, si Solenn, na parang magkakagusto ako sa kanya tapos...

“Basta may twist kasi ang istorya at medyo sikreto pa siya,” bitin niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN