Malacañang being deliberately discredited? Photos of relief goods with PNoy and Binay’s names and faces on them go viral on the Net

Ilan lamang ang mga ito sa mga larawang kumakalat ngayon sa Internet, kung saan makikita ang mga larawan at logo nina President Noynoy Aquino at Vice President Jejomar Binay sa relief goods na ipinamamahagi sa mga nasalanta ng bagyo.

Nagsabi na ang dalawang top officials na wala silang kagagawan ito.


Nagiging isyu ngayon ang paglalagay diumano ng mga pangalan ng ilang pulitiko sa relief goods na ipinamamahagi sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Ang ibang larawan ng mga ito ay naiparating pa nga sa iReport section ng website ng international cable news channel na CNN.

Ang mga report at artikulo sa section ay mula sa mga ordinaryong mamamayang nagbabahagi ng kanilang mga karanasan.

Kabilang sa mga larawang patuloy na ipinu-post at nire-repost sa social media, partikular na sa Instagram, ay ang larawan ng instant noodles, na ang pakete ay may yellow ribbon, na isa sa mga simbulo associated with Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

May kumalat ding larawan ng bottled water at sardinas, kung saan nakalagay ang pangalan ni PNoy at ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Mar Roxas.

Mayroon din daw relief goods mula kay Vice-President Jejomar Binay, kung saan nakalagay ang pangalan nito.

Binatikos din ng netizens ang larawan ng isang army truck na may tarpaulin ng mukha ng bise-presidente at logo ng kanyang opisina.

May dilaw at asul din na tsinelas, na may nakalagay na pangalan ng brodkaster na si Korina Sanchez, ang asawa ni DILG Secretary Roxas.

Ang dilaw at asul ay kulay ng Partido Liberal, kung saan kasalukuyang tumatayong chairman si Pangulong Aquino.

Ang "Tsinelas Campaign" ay isang popular segment sa show ni Korina na Rated K sa ABS-CBN.

Sigaw ng netizens, hindi na raw pinatawad ang kalamidad sa pamumulitika ng ilang mga pulitiko at kilalang personalidad.



YELLOW RIBBON. Sa Pilipinas, nakilala ang yellow ribbon sa kantang "Tie a Yellow Ribbon Round the Ole Oak Tree," na unang naging kanta para sa isang homecoming noong panahon ng Vietnam War. Pinasikat ito ni Tony Orlando ng grupong Dawn.

Ayon sa wikipedia, nanggaling naman ang yellow ribbon sa isang tradisyon sa Amerika bandang 19th century pa, kung saan nagtatali sa buhok ng yellow ribbon ang kababaihan upang ipaalam na sila ay may hinihintay na kasintahan o asawa na nasa army.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ng pelikula ang action star na si John Wayne na pinamagatang "She Wore a Yellow Ribbon," na idinirehe ni John Ford noong 1949.

Noong 1970s, muling pinasikat ng American sports columnist na si Pete Hamill ang yellow ribbon nang magsulat ito ng kuwento tungkol sa isang ex-convict, na nag-aabang ng dilaw na panyo, galing sa kanyang kasintahan, na inaasahan niyang nakasabit sa mga oak tree sa madaraanang roadside.

Sa Pilipinas naman, naging simbulo ang yellow ribbon nang magbabalik na sa Pilipinas ang ama ni PNoy, si Benigno "Ninoy" Aquino, noong August 21, 1983, mula sa forced exile nito sa Amerika.

Hiniling ni Ninoy bilang pruweba nang pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino ang pagsabit ng yellow ribbons sa tabing-daanan, na ginawa naman ng mga mamamayan.

Ngunit kalalapag pa lang ni Ninoy sa tarmac dito sa Maynila, ina-assassinate na siya. Ang presidente noon ay si Ferdinand Edralin Marcos.

MALACAÑANG DENIES ANY ROLE. Sa ulat ng Pilipinas News ng TV5 kagabi, November 18, itinanggi ng Malacañang na kagagawan nila ang paglalagay ng yellow ribbon sa relief goods.

Sinabi rin nilang "recycled" ng mga di kilalang tao ang larawan ng yellow ribbon at ni PNoy na makikita sa mga pakete ng instant noodles.

Dahil dito, tinanggal na raw ng CNN website ang naturang litrato.

Ngunit nang i-check ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang CNN website ngayong 9:20 ng umaga, nandun pa ang naturang post.

Itinanggi naman ng kampo ni Vice-President Binay na may sticker ng Office of the Vice President (OVP) ang relief goods na ipinamimigay nito.

Sa isang official statement, sinabi ng opisina ni Binay na maaaring may isang masugig na tagasuporta na naglagay ng sticker na "OVP" sa kaniyang sariling mga donasyon.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, na tumatayo ring senior political adviser ni PNoy:

"We welcome constructive criticisms and suggestions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"All the others we will ignore because we really have no more time for those things."

Itinanggi rin ni Secretary Abad na namumulitika sila sa pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo.

Ilang pulitiko kasi ang nagrereklamano dahil sagana raw ang tulong sa mga kaalyado ng Pangulo.

Depensa ni Secretary Abad: “There is absolutely no truth to that, you know.

"The policy is we go to where the reliefs are needed most.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN