Rhian Ramos offers fansigns to raise funds for typhoon victims; lashes back at bashers

Hindi napigilan ni Rhian Ramos na sagutin ang ilang bashers niya sa Instagram kaugnay ng isinagawa niyang fansign campaign upang makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.


Iba’t iba ang naging paraan ng local celebrities para makatulong at makalikom ng pondo sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Ilan sa kanila ay nagdaos ng benefit concert, garage sale, online auction, at dinner for a cause.

Pero kakaibang fundraising drive para sa mga biktima ng Yolanda ang pinangasiwaan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Noong November 14, Huwebes, inanunsiyo ni Rhian sa kanyang Instagram account (@whianwamos) ang kanyang "fansigns for a cause" sa halagang P150 bawat isa.

Sa caption ay sinabi niyang: “I’m really sorry.. this is awkward.. but for the sake of the #YolandaPH victims, every little effort counts… (BTW feel free to just donate any amount even if you dont want a fansign.”

Umani ito ng papuri mula sa kanyang followers.

Marami kaagad ang tumugon dito, hindi lang kanyang mga tagahanga sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Maging ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo ay tumugon sa panawagan ni Rhian.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@thatsmytatayryan), nagsabi si Ryan kay Rhian na gusto niya ng fansign, hindi lang para sa kanya kundi para rin sa asawang si Judy Ann Santos at sa mga anak nilang sina Yohan at Lucho.

Ayon pa kay Ryan: “Pa fan sign ako, si judai, yohan at lucho one each, is it ok if i just hand it over to your angels or driver tomorrow morning? J ok lang ba?”

Tugon ni Rhian: “Omg are you kidding!! @thatsmytatayryan id charge people triple if you guys were in the photo!”

Sagot dito ni Ryan: “@whianwamos ill be walking over now in a bit to hand in the payment to whoever is home, but we’re really gonna expect a fan sign from you ah! Haha. And then let us know when you want us to help you out on this, magsabi ka lang daw sabi ni misis para at least makapagpa blower haha J damay damay na sa awkward moment makatulong lang J brilliant idea by the way #naisipmopayun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinabukasan, November 15, nag-post si Rhian ng photo message kung saan nakalagay rito ang kanyang account sa bangko, ang kanyang Viber number, at ang requirements niya para makakuha ng fansigns ang mga magdo-donate.

Sabi ng aktres sa caption: “Sorry for being annoying, I’m gonna be reposting this every so often.. Here’s how you can donate to the victims of #YolandaPh and get a fansign for you/ a friend. (but really, feel free to donate ANY amount if you don’t want a fan sign... You can donate more if you want. God bless).”

Matapos nito, nag-post pa ulit si Rhian ng isa pang photo message.

Idinetalye niya sa naturang post ang mga hakbang kung paano maipapadala ng kanyang followers ang deposit slips at kung ano ang mga gusto nilang maisulat sa kanilang fansigns.

Ani Rhian: “So that more people may take part.. imagine your 150 pesos could be 20 bottles of water or 6 loaves of bread.”



RHIAN’S BASHER. Maraming papuriat paghanga mula sa kanyang mga followers ang tinanggap ni Rhian sa kanyang kakaibang initiative na makalikom ng pondo.

Pero mayroon ding iilan na hindi masaya sa ginawang fundraising ng Genesis star.

Isang Instagram user ang nag-comment ng taliwas sa mga papuri ng iba. May user name itong @dolero_janessa.

Ayon kay @dolero_janessa: “Sana nga i so donate talaga nila yung pera… Sana Hindi ibulsa.”

Kaagad naman siyang sinita ni Rhian: “Sinong magbubulsa? @dolero_janessa”

Ilan sa followers ni Rhian ang dumepensa sa aktres.

Ani @pao_c_h: “@whianwamos some people have no common sense… im sure she did not read your previous posts.”

Sabi naman ni @mydulinggurly: “@dolero_janessa sana din tumulong ka, hndi un puro ka husga at dada wala ka naman nagagawa.”

Marami pang kahalintulad na suporta ang nakuha ni Rhian sa kanyang followers, pero hindi na sumagot ang basher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod na post ni Rhian ay ang photo collage ng kanyang fansigns para sa pamilya ni Ryan.

Aniya: “This is sooo embarrassing but guess who donated first? Ryan dropped by sa bahat last night and bought 4 fansigns for him, Judai, Yohann and Lucho! Haha! Thank you so much for donating @thatsmytatayryan”



THE BASHER STRIKES AGAIN. Muling nag-post si Rhian ng collage ng maraming fansigns na kanyang nagawa.

Inanunsiyo rin ng aktres na mayroon na silang PayPal account.

Aniya: “Just some of the fansigns sent out today. Thank you for all the donations! Now that it’s night time and the banks are closed, you may donate thru PayPal. Please see my previous posts for more info. Saturday will be the last day =)”

Dito sa post na ito ni Rhian, bumalik ang nang-bash sa kanya, na ngayon ay gumamit pa ng wikang Bisaya.

Sabi ni @dolero_janessa: “Nang warta pud ning isa. Some Politics, og mga artista gapariha lang mang wartahay..I hope nga eh donate nyo talaga yan… D ibulsa… Iwan lang.”

Muling idinepensa si Rhian ng iba niyang followers.

Sana raw ay huwag pagdudahan ang intensyon ni Rhian na makatulong dahil nagbuwis naman daw ito ng kanyang "time and efforts to help."

Pero mukhang hindi nakatiis si Rhian sa patutsada ng basher.

Sinagot niya ito ng: “May level ng kapangitan ng ugali, na kahit gaano ka pa kahilig mag Camera360, di naaayos. Wag kang umabot dun ha. @dolero_janessa”

Dito na kinuyog ng followers ni Rhian ang basher na si @dolero_janessa.



PROPER ACCOUNTING. Noong Sabado, November 16, nagtapos ang fansign fund drive ni Rhian.

Pero sinabi ng aktres, sa isa pa niyang post, na puwede pang humabol ang ibang may gusto ng fansign dahil kahit Sabado, may mga bukas pang bangko kung saan may account siya.

Dito nag-comment ang isang follower ni Rhian kung nabasa na ba niya ang isang blog, kung saan pinuna diumano ang kanyang fundraising drive dahil daw ipinadaan nito sa kanyang personal account ang mga donasyong pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot dito ni Rhian: “I will upload a full accounting next week when the country’s situation has improved a little bit. Cleaning my name isn’t really my priority at the moment, as there is still too much work to do. Those who care about brothers and sisters in Visayas should understand this. Thanks.”

May isa pang sumulpot na basher si Rhian na my handle name na @ailonski, pero burado na ang mga komento nito.

Tanging ang mga natira dito ay ang tags kay Rhian mula sa followers ng aktres na nagtatanggol sa kanya.

Isa sa mga nagtanggol kay Rhian ay ang nakatatanda niyang kapatid na si Nadine Howell.

Sabi ni Nadine (@nadinerhowell): “@ailonski you are welcome. And with all due respect, in trying times like this, it is rude to ask someone who is clearly dedicating a lot of time and effort in raising money for something good if he/she has ‘personally donated’ already. Let us not accuse people of doing things only ’for show’ just because they don’t contribute to the cause the same way as you did. Everyone is free to give the way they choose to, right? We should all be supportive of what we can do for our countrymen, whichever way we choose to do so.”

Tugon dito ni Rhian: “Thanks, @nadinerhowell. So @ailonski, why don’t you follow your own advice, be polite, and don’t tell people theyre helping in the wrong way or ask if theyre helping at all. I’d love to not be rude towards you, but what can I say girl.. you get what you give.”

Dagdag pa niya: “And whats the difference of my way of doing it online from when celebs collect cash at events of from selling clothes? What assurance do you have of where the money goes? Nothing. Your just supposed to trust that at times like this, people pull together to help whatever way they can. @ailonski reread your first comment where in you were JUST being “direct.” Cause from what I see, any idiot can read that and know that your implying that the funds wont be going to the right place.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Linggo, November 17, nakipagsagutan pa rin si Rhian sa naturang basher.

Hindi na makikita sa timeline ni Rhian ang comments ni @alionski.

Sabi ni Rhian: “Put words in your mouth? ’If you want to give, get it from your hard earned money. Don’t use this ’initiative’ for show’ You said that. You didn’t say that ’you hope’ my initiative is not for show. Also, because you timing is impeccable, im gonna go ahead and assume that you found this on the classiest site in the world, fashion pulis.. in that case, you probably haven’t seen how I respond to respectable comments…yours not being in that category. Just because youre not a media personality, its not an excuse for you to have no speck of graciousness. I will respond rudely to the rude and kindly to the kind because I treat people with equality. But its time for me to learn from this and to use you as an example of why I should stop replying. Sadly, im wrong about equality. Cause you and I, we’re not equal. @aliosnki”

Sa ngayon, burado na ang lahat ng posts na ito ni Rhian, maliban sa photo collage ng kanyang fansigns para sa pamilya Agoncillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN