Ryan Agoncillo explains why he chose GMA over TV5; his new game show will be pitted against wife Judy Ann Santos’s show

"Sa ngayon, dahil sa respeto ko sa Dabarkads na araw-araw din ang show, na dito rin sa GMA ang palabas, hindi ko tinanggap yung araw-araw na show sa TV5. Although at that time, hindi ako officially Kapatid, Kapuso o Kapamilya. Dabarkads ako talaga," says Ryan Agoncillo about his decision to turn down TV5’s offer after his show Talentandong Pinoy ended last August.


“So ngayon, I’m a Kapuso with Picture! Picture!

“It’s my first time to be back in GMA for a long time.

“The last time I was here officially as a Kapuso, hindi pa uso yung salitang Kapuso.

“Ang tagline pa lang namin nun, ‘Where you belong.’”

Ito ang masayang pahayag ni Ryan Agoncillo tungkol sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Network para sa kauna-unahan niyang game show na Picture! Picture!

Matatandaang nagsimula ang hosting career ni Ryan sa GMA, kung saan naging parte siya ng mga News and Public Affairs program, tulad ng Mornings @ GMA (1998-1999) at Unang Hirit (1999-2001).

CHOOSING THE RIGHT SHOW. Sa kabila nito, marami ang nagtatanong kung bakit mas pinili ni Ryan na pumirma ng kontrata sa GMA kaysa manatili sa TV5, kung saan siya ang host ng isang reality show mula noong 2008 hanggang 2013.

Sagot niya, “To be honest, this [Picture! Picture!] was offered to me before Talentadong Pinoy ended [last August 18].

“Hindi na namin itinuloy ang usapan bilang respeto sa Talentadong Pinoy.

“We wanted to focus and finish that show with a bang.

“You guys were there also. Medyo nagkaroon ng konting tampuhan.

“Towards the end of the season, we gained momentum. We finished with a bang.

“And then, after that, na-dengue ako kaya na-delay din yung usapan [with GMA],” saad ni Ryan sa press conference ng Picture! Picture! kagabi, November 18.

Inamin ni Ryan na nakatanggap siya ng TV offers mula sa tatlong major networks nang matapos ang kontrata niya bilang host ng Talentadong Pinoy.

Gusto raw sana siyang kunin ng TV5 na mag-host ng daily show na Let’s Ask Pilipinas.

Ngunit tinanggihan niya ito bilang respeto sa daily noontime show na kasalukuyang kinabibilangan niya, ang Eat Bulaga!, na isang blocktimer sa GMA.

Paliwanag ni Ryan: “This is what happened. When my contract ended in August, the following week, I was right away called to the office of Ma’am Wilma [Galvante, TV5 Entertainment Division Head] and there was a formal offer for Let’s Ask Pilipinas, which is a daily game show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When we studied it, it wouldn’t have been a good thing for me kasi araw-araw din akong nasa Eat Bulaga!

“Bago ang lahat, for the past five years, the show has shown its loyalty to me.

“And ako rin, yung kapit ko sa dabarkads, medyo matindi na.

“And in deference ko dun kaya di ko tinanggap ang Let’s Ask Pilipinas.

“Although at that time, hindi ako officially Kapatid, Kapuso, o Kapamilya. Dabarkads ako talaga.

“And then, yun na, mayroon din offer from ABS-CBN, meron din offer from GMA.

“This [Picture! Picture!] is the show that I picked dahil natuwa ako sa konsepto.”



NOT AN EXCLUSIVE KAPUSO ARTIST. Sa pakikipag-usap ni Ryan sa GMA, binigyan siya ng option na maging exclusive Kapuso artist.

Ngunit mas pinili niya na per project basis muna ang kanyang kontrata sa GMA, para mas may kalayaan siyang mamili kung anong proyekto ang kanyang gagawin.

Medyo bantulot na paliwanag ni Ryan tungkol dito, “Kasi ganito ‘yan. First and foremost, I’m a host. Next, I’m a father. Nagda-dabble tayo sa pag-aartista.

“Pag ako pumirma bilang buong Kapuso, may mga demands ang pagiging Kapuso na siyempre kailangan ko ibigay.

“On one hand, masarap kasi puno ang schedule mo, masarap magtrabaho, e.

"Masarap yung puno yung schedule, masarap yung puno ang bulsa.

“Pero sana di masamain ng tao ang sasabihin ko na, this time, at this point in my career, I chose family.

“Kasi may mga demands.

"Ayoko na in the end, ‘Ay naku! Nag-iinarte ‘to! Kaya ganito, kesyo ganyan.’”

Ang pinupunto ng 34-year-old host ay hindi pa niya kaya sa ngayon ang gumawa ng teleserye, dahil sa long working hours na kaakibat nito.

Kaya bagamat ang orihinal niyang plano ay maging exclusive Kapuso artist, pinili niyang mag-concentrate muna sa game show na in-offer ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “I would love to do a soap, but the time constraints, the demands.

“If I signed on for a soap, may mga patakaran, and I have to respect yung mga patakaran. Hindi natin puwede ibahin ‘yan.

“That’s why I chose na, ‘Teka muna, isa-isa muna, para walang expectations. Lahat fulfilled. Para di tayo nagkakasukatan in the end.’”

JUDY ANN UNDERSTANDS. Ayon pa kay Ryan, sang-ayon daw ang asawa niyang si Judy Ann Santos sa kanyang desisyong huwag munang tumanggap ng trabahong makakasagasa sa oras niya para sa kanilang pamilya.

“Suwerte ako dahil naiintindihan ng asawa ko na ganun ang desisyon ko.

"Actually, ganun din yung takbo ng isip namin pareho.

“We want to provide for our family really well.

“But we want to be with the family that you provide for.

“So, this time, I choose family.”

Ganunpaman, hindi inaalis ni Ryan ang posibilidad na magbabalik siya bilang co-host ng daily morning show na Unang Hirit.

“Maraming mga plano. Yun nga lang, due to time constraints, kailangan isa-isahin.

“Merong planong bumalik sa news and public affairs. That’s one thing that excited me also.

“I hope the talks with GMA will push through sa pagbabalik sa News kasi dun ako nag-umpisa.

“Nineteen years old ako nung una akong tumira ng Unang Hirit.

“Ngayon, kung babalik ako sa Unang Hirit, or I get a chance to do News and Public Affairs, I think I will bring in a different perspective.

“So, that’s what excites me being a Kapuso.”



RIVALRY WITH JUDY ANN. Samantala, handa nang makipagbanggaan si Ryan kay Judy Ann, gawa ng parehong timeslot ng kani-kanilang game show sa magkaibang TV networks.

Ang kauna-unahang game show ni Ryan Agoncillo sa GMA, ang Picture! Picture!, ay makakatapat ng programa ni Judy Ann sa ABS-CBN na Bet on Your Baby tuwing Sabado ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit bilang mga batikang artista sa industriya, nilinaw ni Ryan na naiintindihan nila ni Judy Ann na walang personalan pagdating sa trabaho.

Sabi niya, “When we talked about it, it wasn’t really an issue.

“Pinag-usapan lang namin kung puwedeng pakiusapan yung mga boss namin na ‘wag ibangga.

“[But] it’s beyond my decision.

“And then kung magkatapat man yung dulo ng show, klaro naman ang intensiyon sa amin.

“We work for our family and for our audience.

“It might be a unique proposition also.”

Maging ang panganay nilang anak na si Yohan, 9, ay inusisa rin ang tungkol dito.

“My daughter asked me the same question.

"Sabi ni Yohan, ‘Daddy, puwede ilipat mo na lang ng Sunday yung show mo? I don’t want to buy two TVs.’ Yun ang reaction niya.

“I had to explain, ‘You know, Mommy and Daddy have to work for different stations and we work with totally different audiences.’

“So, let’s see.

"If it’s not the first time, it’s one of the rare times na ang mag-asawa, magkasama sa telebisyon in any part of the world.

“I kinda like it. Nagbabatian kami sa show.

"I watch her show, and I bet you she’s gonna watch this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN