Gladys Reyes disputes claim by Facebook user that Iglesia Ni Cristo refused to shelter non-members during Yolanda onslaught

Ayon sa aktres na si Gladys Reyes, walang katotohanan ang balitang lumabas na tumanggi diumano ang mga taga-Iglesia Ni Cristo sa Iloilo na papasukin sa kanilang simbahan ang mga hindi kasapi ng INC, noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Yolanda.


Ilang oras pagkatapos manalasa ng bagyong Yolanda noong November 9 ay may kumalat na balita tungkol sa pagtanggi diumano ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Balasan, Iloilo, na pasilungin sa kanilang simbahan ang hindi kasapi ng kanilang relihiyon.

Ayon sa post ng isang "Mai Militante" sa Facebook, ikinuwento umano ng “staff” nila na ilang residente ang nakiusap sa mga taga-INC na papasukin sila sa simbahan dahil sa lakas ng hangin at ulan sa labas.

Ngunit hindi raw sila pinapasok dahil hindi sila kasapi ng INC.

Maraming netizens ang nag-react sa isyu at nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa INC.

Marami rin ang nagtanong kung ito ba ay totoo, habang ang iba naman ay nakiusap na huwag munang manghusga hangga’t hindi pa nalalaman ang katotohanan.


“NOT TRUE.” Kaugnay nito, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa actress-TV host na si Gladys Reyes, aktibong miyembro ng INC, sa pamamagitan ng Twitter, noong November 14, Huwebes, upang kunan siya ng pahayag tungkol sa isyu.

Limang araw matapos namin siyang padalhan ng mensahe, sumagot si Gladys ngayong araw, November 19.

Sabi ng aktres: “Not true po. Poser po yung nagpasimula that’s why ayaw ko na lang patulan.”

Dagdag pa niya: “With or without calamity, we have feeding, medical mission thru ‘Kabayan ko Kapatid ko’ helping non INC members.”

Humingi rin ng paumanhin si Gladys kung natagalan ang kanyang sagot dahil daw rindi siya masyadong aktibo sa Twitter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN