Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla face new plunder charges

Nahaharap na naman sa panibagong kaso ng plunder ang mga mambabatas na sina (mula kaliwa) Senator Ramon Revilla Jr., Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile. Ito ay kaugnay pa rin ng pagkakasangkot nila diumano sa P10 billion pork-barrel scam.


May bagong kinakaharap na kasong plunder sina Senator Juan Ponce Enrile, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Sa pagkakataong ito, ang nagsampa ng kaso laban sa kanila ay ang Field Investigation Office (FIO) ng Office of the Ombudsman.

Ayon sa ulat ng PhilStar.com ngayong araw, November 19, ito ay hiwalay sa kasong plunder na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) noong September.

Inirekomenda ng field investigators ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong graft ang tatlong senador, kasama ang ilang empleyado ng gobyerno at mga opisyal na namumuno sa non-government organizations (NGOs) na sangkot sa multi-billion PDAF scam.

Ito ay kaugnay pa rin sa pagkakasangkot nila sa P10 billion pork-barrel scam.

Ayon sa whistleblower na si Benhur Luy, tumanggap diumano ang tatlong senador ng kickback dahil sa pagpondo nila sa bogus NGOs ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles mula sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa affidavit na isinumite ni Luy, nakatanggap diumano si Senator Revilla ng P224.5 million.

Si Senator Enrile naman daw ay nakatanggap ng P172.8 million.

Habang si Senator Estrada naman ay tumanggap diumano ng P183.79 million.

Ayon pa sa Office of the Ombudsman, may iba pang mga opisyales ng gobyerno, na hindi nila pinangalanan, na nahaharap sa “administrative charges of serious dishonesty, grave misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of the service.”

Tungkol naman sa kasong administratibo na maaring kaharapin nina Senador Enrile, Estrada, at Revilla, ire-refer daw nila ito para sa karampatang aksyon sa Senate Ethics Committee, na may jurisdiction sa mga miyembro ng Senado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN