Jake Cuenca wants to take a break after doing four films this year

Jake Cuenca on his love for acting: “Kaya ko rin naman ginawa ang mga ginawa ko dahil nandoon ako sa punto ng career ko na kaya kong gawin ang lahat. Confident ako sa abilidad ko sa acting. At kaya ko rin naman tinanggap lahat, dahil alam kong kaya kong gawin at kaya kong gawin na mabuti.”


Posibleng magpahinga muna si Jake Cuenca sa paggawa ng pelikula dahil nagkasunud-sunod ang ginawa niya ngayong taon.

Naipalabas na ang Tuhog, Lihis, at Status: It’s Complicated.

Bago matapos ang Nobyembre ay ipalalabas naman ang When The Love Is Gone.

Aminado ang Kapamilya actor na nakakaramdam na siya ng pagod sa kagustuhan niyang gawin lahat hangga’t makakayanan niya.

Saad niya, “Oo, medyo. May time na ang dami kong ginawa.

"Pero mahal ko naman ang ginagawa ko.

“Kaya ko rin naman ginawa ang mga ginawa ko dahil nandoon ako sa punto ng career ko na kaya kong gawin ang lahat.

“Confident ako sa abilidad ko sa acting.

"At kaya ko rin naman tinanggap lahat, dahil alam kong kaya kong gawin at kaya kong gawin na mabuti.

“And so far, so good.

"Sa lahat ng movies ko, from Tuhog to Lihis, to this [Status: It’s Complicated]...

"And, hopefully, sa When the Love Is Gone, magaganda yung feedback.

“Natutuwa ako at mas confident ako.

"Actually, after lumabas ng movie, mas naging confident ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa block screening ng Status: It’s Complicated noong nakaraang linggo.



OVEREXPOSURE. Hindi naman daw nag-aalala si Jake na masabihang overexposed na siya.

Bukod kasi sa mga pelikula niya ay regular din siyang napapanood sa ABS-CBN primetime series na Maria Mercedes.

Sabi niya, “Iba-iba naman ang ginagawa ko, at hindi ko naman ibinibenta ang personalidad ko.

"Ang ibinibenta ko, acting ko.

“At tiningnan ninyo naman ang mga pelikula ko, hindi naman ako ang palaging bida.

“Sa When The Love Is Gone, pelikula nina Cristine Reyes at Gabby Concepcion yun, supporting ako doon.

“Hindi ako pihikan na, kailangan, ako ang palaging nasa limelight.

“Ang importante lang sa akin, maganda ang pelikula, maganda ang role.

“But definitely, after When The Love Is Gone, magpapahinga naman ako. Kailangan ko rin naman ng pahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, after giving so much emotions to the movie, you get tired, exhausted. May days na ganoon.

"Pero sabi ko nga, mahal ko ang ginagawa ko.”



MOST DARING. Ang nagawa niya sa Lihis ang masasabing batayan ng pagiging “daring” na puwedeng gawin ng isang aktor.

Gumanap siya rito bilang gay lover ni Joem Bascon, kung saan nagkaroon sila ng sex scenes at nude scenes.

Mayroon pa ba siyang gustong gawin?

Sabi ni Jake, “Well, bawat role naman iba-iba.

“Napakasuwerte ko lang na maraming oportunidad na dumarating sa akin.

“Masarap ang feeling na nakakatrabaho ko lahat ng production outfit, nakakatrabaho ko mga artista.

“I don’t know... ako naman, kilala naman ako ng mga tao, at kilala naman ako ng mga nakakatrabaho ko na mahilig akong manggulat.

“For me, yung Lihis, ultimate siguro sa perspective ng ibang tao.

"But for me, it’s just one of the movies that I made.

“For me, it’s not the ultimate, not the best yet—and the best has yet to come.”

Sa palagay ba ni Jake, naabot na niya ang goal niya sa pagiging artista?

Tugon niya, “Hindi pa, alam ko marami pa kong maibubuga.

"Pero, in terms of success, it’s been a great year.

“Sobrang successful ng taon and, when I look back, I think it’s the best year.”



DIRECTING AND PRODUCING. Ang isa raw sa gustong gawin ni Jake ngayon ay ang makapagdirek at magprodyus ng pelikula.

Sabi ng 26-year-old actor, “Parang nakikita ko naman ang sarili ko na ito talaga ang industriya para sa akin.

“Inilagay ako ng Diyos dito for a reason, and I think that reason is to make the industry better.

“Kapag bata ka, ang mga pinapangarap mo, sumikat, magkapera.

“Pero habang tumatanda ako, mas lumalaki ang scope.

"Mas nagiging malinaw ang perspective ko kung ano ang gusto ko at bakit ako inilagay rito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya sisimulan ang kagustuhan niyang makapagdirek at mag-produce?

Sabi niya, “Aral, aral… I think, from my experience of being here for a while, I could.

“Kasi minsan, yung directing, the good thing is kapag marami kang ginawang pelikula, marami kang nakikilala.

“Pero ang sa akin naman, hindi naman parang kay Dingdong [Dantes]... kung paano ginagawa ni Dingdong na mainstream agad.

“Siyempre, gusto kong magsimula...

"Parang career ko lang ‘yan, nagsimula ako sa pinakamababa hanggang sa umangat agad.

“Kung producing or directing man, I want to do indie first.

"Then, kapag natuto ka na, puwede ka nang sumugal sa mainstream, little by little.”

Kailan niya planong gawin ito?

“Soon, soon,” sambit niya.

“Pero ang directing naman, parang college ‘yan na anytime puwede mong gawin.

“Hindi tulad ng acting na may panahon, kasi may transition.

"At saka, hindi naman ako nagmamadali.

“Hindi ko papasukin hangga’t hindi ako sigurado na kaya kong pasukin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN