Jake Cuenca maintains friendship with "rival" Sam Milby

Jake Cuenca on loveteam with Jessy Mendiola: “Feeling ko, tinatanggap siya ng tao, kasi pareho naming in-embody ang character namin. At nagpapasalamat kami kasi palaging nagti-trend yung show, pinag-uusapan. At mararamdaman mo rin kapag lumabas ka, alam nila ang nangyari sa teleserye mo."


Inamin ni Jake Cuenca na noong una ay may kaba pa sila ni Jessy Mendiola na baka hindi tanggapin o mag-click ang bagong tandem nila sa ABS-CBN primetime series Maria Mercedes.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong una, hindi namin alam.

“Natakot pa kami kung tatanggapin ba ‘to ng tao, magugustuhan ba nila ‘to? Hindi namin alam.

“Pero sa totoo lang, feeling ko, nagwo-work, kasi pareho kaming grabe kung magtrabaho.

“Kaya palagi kong sinasabi, at sabi nila, may advantage ako kay Sam [Milby].

"Kasi, palagi kaming magkasama [ni Jessy] sa set."

Si Sam Milby ang isa pang masugid na manliligaw ni Jessy.

Patuloy ni Jake, “Hindi ko pinagsasamantala yun, kasi pareho kaming seryosong magtrabaho.

“Feeling ko, tinatanggap siya ng tao, kasi pareho naming in-embody ang character namin.

“At nagpapasalamat kami kasi palaging nagti-trend yung show, pinag-uusapan.

“At mararamdaman mo rin kapag lumabas ka, alam nila ang nangyari sa teleserye mo.

"So, ibig sabihin, okay kami.”


IN COMPETITION. Bukas din si Jake tungkol sa nararamdaman niya kay Jessy.

Pero bukod sa kanya, mayroon pang ibang mga nanliligaw sa dalaga. At isa na nga rito si Sam.

Wala bang insidente na napaaway na siya dahil dito?

Sagot ni Jake, “Hindi, kasi kahapon, nagkita pa kami ni Sam, kuwentuhan pa kami.

“Pero hindi na namin pinag-uusapan yung kamusta ang panliligaw kay Jessy—yung mga tanong na hindi na kailangan itanong.

“Aside from that, wala.

"Malinaw kami na magkaibigan kami.

"At kung sinuman ang piliin ni Jessy, yun ang nararapat para sa kanya. Yun ang makakapagpasaya.

"At tulad ng sinabi ko, hindi man ako mapili, masaya na rin ako para kay Jessy dahil gusto ko naman na maging masaya siya.

“Pagdating sa kanya, may the best man win.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN