Supreme Court abolishes pork barrel fund; Senate eyes unused 2013 PDAF as supplemental budget to boost disaster relief ops

Senate President Franklin Drilon (in yellow) proposes to use the remaining 2013 PDAF for calamity aid thus: "There are unutilized funds, so I would propose that we already pass a supplemental budget to the extent of at least P14.5 billion, which will be used by government for relief and rehabilitation of provinces ravaged by Yolanda, by the earthquake, para po may magamit ang ating pamahalaan."

Inset photos (clockwise from left): House Speaker Sonny Belmo


Idineklara ng Supreme Court na “unconstitutional” ang Priority Development Assistance Fund (PDAF), o mas kilala bilang pork barrel.

Sa ulat ng The Philippine Star ngayong araw, November 19, ang resulta ng botohan sa mataas na korte ay 14-0, pabor sa inihaing petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng PDAF.

Ito ay ayon sa inilibas na desisyon ng Supreme Court, na binasa ni Supreme Court spokesperson Theodore Te sa isang press conference ngayong araw, November 19.

“The court hereby declares as unconstitutional the entire 2013 PDAF article [and] all legal provisions of past and present congressional pork barrel law, such as previous PDAF articles, various insertions unrelated to the power of congressional oversight.”

Nag-abstain si Associate Justice Presbytero Velasco Jr. sa naganap na botohan dahil sa conflict of interest, sanhi ng kaugnayan niya kay Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco, na kanyang anak.

Noong September 10, nag-isyu na ang Supreme Court ng temporary restraining order laban sa pag-release ng Department of Budget Management ng natitirang PDAF para sa taong ito.

Ang PDAF ang pinagkukunan ng discretionary funds ng mga mambabatas.

Ang bawat senador ay may budget na nagkakahalaga ng P200 million kada taon, habang ang bawat kongresista ay mayroong P70 million kada taon.

Ngunit base sa inilabas na ruling ng Supreme Court, itinuturing nang labag sa batas ang probisyong nagpapahintulot sa mga mambabatas na magdesisyon kung anu-anong proyekto ang bibigyan ng pondo mula sa PDAF.

Inutusan din ng Supreme Court na ibalik ng mga mambabatas ang natitirang PDAF budget ngayong taon sa national treasury.

Kasabay nito ay napagdesiyunan ng Supreme Court na ang Malampaya fund ay maaari lang gamitin sa mga energy-related government projects.

Tinanggalan din ng kapangyarihan ang presidente na gamitin ang naturang pondo sa ibang paraan liban sa nabanggit.

Ayon pa sa Supreme Court, ang pag-release ng Presidential Social Fund para sa infrastructure projects ay walang konstitusyunal na basehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang resulta ng botohan ukol dito ay 13-0.

Sa ngayon, tumangging magkomento si Presidente Benigno "Noynoy" Aquino III, sa kadahilanang hindi pa siya nakakatanggap ng kopya ng desisyon ng Supreme Court.

Maiksing pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Herminio Coloma Jr. ukol dito: “Hihintayin po ng ating Tanggapan ng Pangulo ang desisyon na ’yan para pag-aralan kung ano ang implikasyon.”



AGREE, DISAGREE, NO COMMENT. Iba-iba ang reaksiyon ng mga mambabatas sa naging desisyon ng Supreme Court laban sa PDAF.

Hindi na ito ikinagulat ni Senate President Franklin Drilon, sa kadahilanang 15 out of 24 senators ang nauna nang pumayag na tanggalin ang PDAF sa 2014 budget ng Senado.

Ganunpaman, inihayag niya ang pagsuporta ng Senado sa naging desisyon ng Supreme Court.

Aniya, “We will abide by its decision.

"I believe its decision reinforces the government’s efforts to reform the country’s political system and likewise affirms the Senate’s position that PDAF must be abolished.

“Everybody is stepping in the right direction, as the abolition of PDAF system should be the start of more reforms aimed at curbing corruption and misuse of taxpayers’ money.”

Positibo rin ang reaksiyon ni Senator Bongbong Marcos hinggil sa isyu.

“That it was unanimous was unexpected, but having listened to the arguments made before the SC, the result was not unexpected.

"Personally, I have always thought the PDAF was unconstitutional,” saad ni Senator Marcos, nag-iisang anak na lalaki ng yumaong Presidente Ferdinand Marcos at ng dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Sa hiwalay na ulat ng GMA News website, ikinatuwa naman ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang naging deklarasyon ng Supreme Court tungkol sa PDAF.

Pakiramdam niya ay vindicated siya matapos nang hayagan niyang pagkontra laban sa paggamit ng PDAF.

“On SC striking down the PDAF as unconstitutional, there’s a God, after all.

"I fell ill with chronic fatigue syndrome and have been suffering the ailment for nearly a year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Getting sick over the pork-barrel scandal was well worth it, now that the Supreme Court has validated my position.

“This is a vindication not only for me, but also for the entire Filipino electorate,” pahayag ng senadora.

Taliwas naman ito sa reaksiyon ni Eastern Samar Representative Ben Evardone, na inihalintulad ang deklarasyon ng Supreme Court sa pananalasa ng bagyong Yolanda.

Aniya, ang pagtanggal ng PDAF ng mga mambabatas ay makakaapekto sa mga isinasagawang rehabilitation efforts sa Central Visayas, na matindi ang sinapit na pinsala sanhi ng pananalanta ng bagyong Yolanda.

Saad ni Congressman Evardone sa isang text message na pinadala niya sa GMA News: “The decision of the SC on PDAF is so unfortunate, especially so at this time that we are facing a major crisis brought about by the typhoon.

“Parang bumalik si Yolanda sa decision ng SC.

"It is a big blow to our efforts to raise funds for rehabilitation and reconstruction.

“At the very least, it should have deferred its ruling on the issue considering the situation.”

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si House Speaker Sonny Belmonte, dahil nais daw niyang makakuha muna ng kopya ng desisyon ng Supreme Court upang mapag-aralan ito.

“[I] need to find out what features make it unconstitutional. Surely, not the name,” sabi niya sa ipinadala niyang text message sa GMA News.



PROPOSAL FOR REMAINING PDAF. Pagkatapos ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang paggamit ng pork barrel, nanawagan si Senate President Drilon na gamitin ang natitirang pondo sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda at iba pang sakuna.

Nagkakahalaga ng P14.5 billion ang natitirang PDAF na hindi pa nari-release ng DBM para sa taong ito.

Nakatakda raw makipag-usap si Senate President Drilon kay House Speaker Belmonte sa posibilidad ng pagpasa ng supplemental budget para dito.

“There are unutilized funds, so I would propose that we already pass a supplemental budget to the extent of at least P14.5 billion, which will be used by government for relief and rehabilitation of provinces ravaged by Yolanda, by the earthquake para po may magamit ang ating pamahalaan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hihikayatin din daw ng Senado si PNoy na suportahan ang proposisyon ng Senado.

Saad ni Senate President Drilon, “We urge the President to certify the supplemental budget as urgent, as the funds can be promptly used by the necessary agencies for the relief and rehabilitation of areas struck by these recent disasters, particularly the typhoons Yolanda, Santi, Labuyo, the siege of Zamboanga City, and the 7.2 magnitude earthquake in the Visayas.”

Sa kasalukuyan, sina Senators Bong Revilla, Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile ay humaharap sa kasong plunder dahil diumano sa maanomalyang paggamit ng PDAF.

Ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles naman ang itinuturong utak sa pagtatag ng mga pekeng non-government organizations na tumatanggap ng PDAF mula sa mga kasabwat diumanong mga mambabatas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN