Regine Velasquez denies upstaging Sarah Geronimo at Popstar Princess’s Perfect 10 concert

Regine Velasquez on her closeness to Sarah Geronimo: "Yung mga Popsters, they know how much I love Sarah. I’ve said onstage that I’ll always be there whenever she needs me. Kahit hindi concert, I am always there for her. Parang ang turing ko sa kanya, anak ko na."

This photo of Regine Velasquez, Sarah Geronimo, and Lea Salonga was taken at Sarah’s Perfect 10 concert held on November 15


Pinabulaanan ni Regine Velasquez na na-upstage nila ni Lea Salonga si Sarah Geronimo sa mismong concert ng Popstar Princess na Perfect 10, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, noong November 15, Biyernes.

Ito ay kaugnay ng pambabatikos diumano ng ilang fans ni Sarah dahil sa agaw-eksenang performance nina Regine at Lea sa kanilang production numbers.

Isa kasi sa highlights ng concert ay nang mag-duet sina Sarah at Regine ng “It Will Rain,” na pinasikat ng Fil-Am singer na si Bruno Mars.

Sinundan ito ng hiwalay na duet nina Sarah at Lea ng kantang “For Good” at “Defying Gravity.”

Higit sa lahat, makapigil-hininga ang sabay-sabay na performance nina Lea, Regine, at Sarah para sa isang medley production number.

Kinanta nila ang mga awiting pinasikat ni Barba Streisand, tulad ng “People,” “The Way We Were,” “A Piece of Sky,” “Tell Him,” at “Somewhere.”

Ngunit nang hingan si Regine ng reaksiyon tungkol dito, nilinaw ng Asia’s Songbird na wala siyang intensiyong talbugan ang Popstar Princess sa sarili nitong concert.

SARAH’S MOMENT. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa press launch ng bago niyang album, Hulog Ka Ng Langit, na ginanap sa Livestock Restaurant sa Quezon City, ngayong araw, November 19.

Pahayag ng veteran singer, “You know, kapag concert naman talaga, nangyayari naman talaga yun, kahit sa akin.

“Siyempre, pag guest, e, guest nga, e.

“So, Lea and I are very grateful na binigyan kami ng chance na nagbigay-pugay siya sa amin.

“Kasi alam naming fan siya.”

Maging sa mismong concert ay bukal si Sarah sa pagsasabing malaki ang paghanga niya kina Regine at Lea.

At talaga namang hindi matatawaran ang makasama niyang mag-perform ang dalawang beteranang singers sa isang entablado.

Patuloy na paliwanag ni Regine, imposibleng ma-upstage nila ni Lea si Sarah dahil puro Popsters o fans ng batang singer ang mga nanood sa concert nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Silang lahat ng nanood dun, supporters sila ni Sarah.

“Hindi siya na-upstage. That’s her concert, that’s her moment.

“Kumbaga, binigyan lang kami ng moment.”



BASHERS. Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nakatanggap ng pambabatikos si Regine mula sa isang Twitter follower na nagpakilalang fan ni Sarah.

Bukod sa tinawag siyang “laos” kumpara kay Sarah, pati ang amang maysakit ni Regine, na si Mr. Gerry Velasquez, ay nadamay sa paninira ng naturang basher noon.

Read: The CompanY defends Regine Velasquez: "...if you are constantly attacked online, anonymously, it hurts—no matter who you are"

Kaugnay nito, tinanong si Regine kung paano siya napapayag na mag-guest sa concert ni Sarah, pagkatapos ng paninira ng isang Popster sa kanya.

Sagot ni Regine, “That was never an issue.

“There was never an issue sa fans niya.

“Isang fan lang yun.

“I answered one tweet lang ng isang... hindi ko alam kung fan or baka basher nga lang yun.

“Parang hindi nga daw, e. Parang hindi siya Popster."

"Popsters" ang tawag sa avid fans ni Sarah.

Paliwanag pa ni Regine, walang rason para batikusin siya ng fans ni Sarah dahil alam ng mga ito kung gaano kalapit ang loob niya sa Popstar Princess.

“Yung mga Popsters, they know how much I love Sarah.

“I’ve said onstage that I’ll always be there whenever she needs me.

“Kahit hindi concert, I am always there for her.

“Parang ang turing ko sa kanya, anak ko na,” giit ni Regine.

Kasama pa rin ba siya sa special guests ni Sarah sa repeat concert nito sa SM MOA Arena, Pasay City, sa November 30?

“I’m still there. She asked me, so I’m gonna be there,” sagot ni Regine.

Si Sarah ay nanalo sa singing search na Star For A Night noong 2003, kung saan si Regine ang host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN