Justin Bieber, Jessica Sanchez, Darren Criss, Nichkhun help raise money for Yolanda victims

Kabilang sina (L-R) Darren Criss, Jessica Sanchez, Nichkhun, at Justin Bieber sa napakaraming international celebrities na tumutulong upang makalikom ng halaga para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda/Haiyan sa Pilipinas.


Patuloy ang pagdating ng tulong sa Pilipinas mula sa ibang bansa para sa mga kababayan nating naging biktima ng super typhoon Yolanda (international name: Haiyan).

Bukod dito, ilang international celebrities na rin ang gumawa ng sarili nilang pagkilos upang kahit papaano ay makatulong sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyo.

JUSTIN BIEBER. Isa na rito ang Canadian pop superstar na si Justin Bieber, na kahit may sariling mga kontrobersiyang hinaharap, ay may naisip na paraan upang makapaghatid ng tulong sa Pilipinas.

Ayon sa TMZ, ang obsession ni Justin sa street art ang kanyang ginamit upang makalikom ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Haiyan.

Kasama ang kanyang kaibigan na si Milk Tyson, ipapa-auction ni Justin ang spray cans na ginamit nila sa kanilang street art.

Nag-pose pa si Justin sa ginawa niyang street art na “Pray 4 Philippines.”

Ang spray cans ay may kasamang autograph ng teen pop star.

Ang makukuha nilang pera mula sa auction ay ido-donate ni Justin sa isang soon-to-be-named Philippine typhoon relief group.

Gusto raw ni Justin na makatulong sa mga Pinoy na naging biktima ng matinding kalamidad.

Nakapag-concert na si Justin sa Pilipinas noong May 2011.



DARREN CRISS. Kasama rin sa mga tumutulong ang American-Irish-Filipino Glee star na si Darren Criss.

Hinikayat ni Criss ang kanyang followers sa Twitter na mag-donate ng $25, bawat isa, sa United Nations World Food Programme, na siyang mamamahala ng fund emergency meals para sa survivors ng bagyong Yolanda.

Maaaring kunan ng larawan ng donors ang kanilang transaction, at i-email ito sa dcnotalone@gmail.com.

Bilang kapalit nito, magpapadala si Darren ng autographed postcard na may message na: “You’re not alone.”

Ang pangalan ng donors ay ipi-print sa postcard.

Nabanggit ni Darren sa kanyang official website na ang pamilya at ibang kamag-anak niya sa Pilipinas ay taga-Cebu, isa sa mga probinsiyang tinamaan nang husto ng bagyong Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang ina, na tubong-Cebu, ay nag-migrate sa US noong ‘70s.

Sabi niya, "I have always been proud of my Filipino heritage, as well as lucky enough to feel the tremendous support of the Filipino community, throughout my life as an artist.

“I hope people would pass on this plea for donations. People are in need now.”

Ikinatuwa ni Darren na mabilis siyang nakakuha ng 150 donations, wala pang isang oras pagkatapos niyang mag-tweet noong November 15.

Nakilala si Darren dahil sa kanyang role bilang openly gay student na si Blaine Anderson sa hit musical TV series na Glee.

Dalawang beses nang nakarating ng Pilipinas si Darren.

Ang huli ay noong December 2011 nang magkaroon siya ng shows sa Ayala malls.

JESSICA SANCHEZ. Ang Filipino-Mexican-American American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez ay nag-organize naman ng isang video online concert sa Stageit.com noong November 15.

Ang Stageit.com ay isang online venue kunsaan nagpe-perform nang live, interactively, ang musical artists.

Mapapanood ang kanilang performance sa laptops, tablets, o smart phones.

Ginawang fundraising event ni Jessica ang kanyang online concert.

Ang bawat online viewer ay hiningan ng $10 bilang “admission ticket” upang makalikom ng pondo para sa rescue and medical mission sa Pilipinas.

Idadaan ni Jessica ang kanyang donasyon sa Philippine Red Cross.

NICHKHUN. Ang K-pop superstar namang si Nichkhun, miyembro ng idol group na 2PM, ay humingi ng donasyon sa pamamagitan ng UNICEF, kung saan isa siyang active member.

Isang video message ang inilabas ni Nichkhun upang ipaabot ang kanyang panawagan sa mga nais tumulong sa mga Pilipinong biktima ng bagyo:

"Hi, this Nichkhun from 2PM.

"As you know, the Philippines was hit by the super typhoon Haiyan and thousands of children and their families are suffering, so we need your help right now...

"Let’s help our neighbors together. Thank you."

Inanyayahan niya ang lahat na bisitahin ang website na www.unicef.or.th upang doon magbigay ng pledges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nichkhun ay Thai-Chinese, ngunit sumikat sa South Korea bilang miyembro ng K-pop group na 2PM.

Halos kasabay na dumating sa Pilipinas ni Nichkhun ang super typhoon na si Yolanda noong November 7.

Bumisita sa ikatlong beses ang Thai-Chinese K-pop idol para sa Bench, kung saan isa siya sa mga international endorsers.

Bukod sa kanyang fan meet, nagpa-auction din si Nichkhun at ang Bench ng mga damit na may pirma niya upang makatulong sa mga biktima ng bagyo.

Nagbigay rin ng donasyon ang singer sa mga biktima ng lindol noon sa Bohol.



SIMPLE PLAN. Nakiisa rin ang French-Canadian pop-punk band na Simple Plan—na ilang beses nang nag-perform sa ating bansa—sa pagtulong sa mga biktima ng typhoon Yolanda.

Sa kanilang huling concert tour, nagbigay sila ng special donation na nagkakahalaga ng $10,000 sa Canadian Red Cross.

Ito ang mensahe ng Simple Plan para sa mga Pinoy:

“The band hopes that their modest contribution will inspire other artists and people to donate and invites their fans to join them and pledge money to come to the aid of the victims of this horrible tragedy.

“To all our Filipino fans and friends that are dealing with this disastrous situation, we are sending you all of our love and our best wishes of hope, courage and strength in these difficult times.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN