Piolo Pascual supports sustainable rebuilding efforts for Yolanda survivors

Mas nais pagtuunan ng pansin ni Piolo Pascual ang "sustainable efforts" sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, imbes na "one time, big time" na paraan ng pagtulong. Sabi ng aktor, "We really wanna be able to help them rebuild their communities."


“Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko.”

Ito ang deklarasyon ng actor-singer na si Piolo Pascual bago niya inawit ang kantang "Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko" ng Apo Hiking Society sa The Art of Joy: Stars of Joy Concert ng Ayala Malls.

Ginanap ang concert sa Glorietta Activity Center, Makati, kahapon, November 19.

Ang nasabing concert ay suporta ng Ayala Malls sa relief and rebuilding efforts para sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Bukod kay Piolo, ang iba pang nag-perform ay sina Martin Nievera, Kuh ledesma, Isabella, at Joanna Ampil.



LIFE GOES ON. Kahit napapalibutan ng ’sangkatutak na guwardiya, nagpaunlak pa rin si Piolo ng maiksing panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang performance.

Tinanong namin siya kung ano ang ibig niyang pakahulugan sa "tuloy pa rin ang Pasko."

Tugon ng Kapamilya actor, “We should not let any calamity or any typhoon or earthquake, you know, dampen the spirit of Christmas.

"Because life goes on, you know.

"We don’t wanna be insensitive, but all the more that we should uplift the spirits of our kababayans, and help them have a better Christmas this year.”

Nagpahayag din ang Kapamilya actor ng kanyang saloobin tungkol sa pinagdadaanang pagsubok ng marami nating mga kababayan sa Kabisayaan.

Aniya, “Even if we say na hindi tayo affected, we are as a nation... so I don’t think we should be selfish to say na hindi tayo dapat maapektuhan. Because whole nation is affected by it.

"So, I think, we should do our part and really extend our help no matter how we can and what we can to help them.”

SUSTAINABLE EFFORTS. Maraming artistang katulad niya ang gumawa ng mga hakbang upang makatulong sa mga biktima.

May iba na naipaalam sa media ang kanilang mga ginawang relief efforts, at mayroon din namang kumikilos lang nang tahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kaso ni Piolo, sa paanong paraan siya tumutulong sa mga biktima ng kalamidad?

Sagot niya, “Basta sa atin, more on sustainable efforts, na hindi yung one time, big time.

"Because we really wanna be able to help them rebuild their communities.

"So, you know, as a family, as a pamilya... also with our foundation, we’re doing our efforts as well.”

Ang tinutukoy ni Piolo na foundation ay ang Hebreo 12:1 Foundation, kung saan isa siya sa board of directors. Itinatag ito noong June 30, 2008.

Ito ay hango sa bersikulo sa Bibliya na Hebrews 12:1, kung saan nakasaad ang mga sumusunod: “Since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let’s throw off everything that hinders and the sin that so easily entangles and let us run with perseverance the race marked out for us."

Taliwas naman sa pagpuri sa mga tulong na ipinaaabot ng ibang mga bansa, organisasyon, at artista—hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa international scene—ay ang pagbatikos sa gobyerno dahil sa mabagal diumanong pamamahagi ng relief goods o tulong sa mga biktima ng bagyo.

Ano ang saloobin niya tungkol dito?

Saad ni Piolo, "Yeah, nakakahiya lang because it only shows what kind of country we have.

"But, you know, we just ought to pray for them, and sana magtulung-tulungan na lang para maayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN