Model-actor Edward Mendez on Vicki Belo: "I’m happy kung saan ako sa buhay niya."

Edward Mendez on why he and Dra. Vicki Belo can’t be lovers: "Wala, e. Kanya-kanya. Sa amin, yun talaga yung positioning namin sa place ng buhay namin sa isa’t isa. My position sa buhay niya is being there as a really good friend."


Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edward Mendez sa garage sale ni Dra. Vicki Belo, sa tapat ng Belo Medical Clinic sa Greenbelt Residence, noong Sabado, November 16.

Isinigawa ang bazaar upang makalikom ng pera para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Visayas. (View gallery here)

Ayon kay Edward, malapit na kaibigan siya ni Vicki at ng pamilya nito, kaya todo-suporta siya sa charity event ng cosmetic surgeon.

THE REAL SCORE. Aware si Edward na madalas bigyan ng kulay ang samahan nila ni Vicki.

Pahayag ng 29-year-old model-actor, “Nali-link ako kay Doktora kasi matagal na akong ano, e, close sa family nila. Ten years ago pa.”

Ikinuwento ni Edward kung paano siya naging malapit sa duktora at sa pamilya nito.

“Well, before, madalas ako dun sa clinic because nagpapa-treatment ako.

“Nung unang visit ko, nagkaroon ako ng breakout, nag-a-adjust yung skin ko.

"So, you know, naghahanap ako ng pinakamagaling na dermatologist.

“So, si Vicky yung nakita ko, kasi she was all over the newspapers, TV ads.

“So, yun, pabalik-balik ako.

"And then, nakilala ko yung si Cristalle, tapos si Quark, and then, yun.

“Since then, I’ve been very close to them. I consider them as my second family.

“Atom, yeah, he’s very close to me also. Madalas pa kaming magkasama nun lumabas.”

Si Atom Henares ang dating asawa ni Dra. Vicki at ama ng mga anak niyang sina Quark at Cristalle.

PLATONIC RELATIONSHIP. Paglilinaw ni Edward, walang namamagitan sa kanila ni Vicki.

“Wala. But, you know, Vicki, she’s very beautiful.

"Lahat ng tao mai-in love talaga sa kanya, kasi sobrang maano siya, e. Kind-hearted na tao, tsaka very generous.

“Like, nakita niyo nga yung ginawa niya dito.

"I mean, it took her a lot of effort and time to get this organized. Sobrang pagod na pagod na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero for a good cause talaga, it puts a smile on her face.

"Sobrang ano, nakaka-inspire tingnan.”

Kung lumalabas man daw sila ni Dra. Vicki ay wala itong mas malalim na kahulugan.

Sabi ni Edward, “Date, as in wholesome. We go out to dinner.

"Magkakasama din madalas... si Cristalle, yung family.

“But mostly, now, because of her schedule, madalas ako sa kanila sa bahay nila, lunch—family lunch, tapos family dinner.”

May balak ba siyang ligawan si Vicki?

Tugon ni Edward. “Well, I think I’m happy where I stand.

“I’m happy kung saan ako sa buhay niya.

"I think it’s a very healthy relationship, the friendship.

“And not just being friends, almost being like family.

"And I consider her as one of my best friends.”

Paano niya ilalarawan ang relasyon nila?

Sabi ng Kung Fu Divas actor, “I don’t know...

"Mutually, we have a love for each other. We care for each other, like I care for my family.

“So, yun yung kulay ng pagmamahalan namin sa isa’t isa.

"So, I don’t think magbabago yun.

"I think, you know, it’s healthy and masaya ako.”

Ilang taon na nga ba ang “relasyon” nila ni Vicki?

“Ten years na. Hanggang dun lang kami.

“Best friends lang talaga—platonic.

"Maybe in our past lives nga..."

Ang ibig sabihin ni Edward ay maaaring nagkaroon sila ng ugnayan noong nakaraang buhay nila.

WHY CAN’T IT BE? Kung pareho naman silang single at available, bakit nga ba hindi na lang maging sila?

Sagot ni Edward, “Wala, e. Kanya-kanya.

"Sa amin, yun talaga yung positioning namin sa place ng buhay namin sa isa’t isa.

"My position sa buhay niya is being there as a really good friend.”

Kung sakali bang maging sila ay ipaaalam nila ito sa publiko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, yeah, I’m open naman, e.

“Tsaka, she’s in showbiz and I’m in showbiz, lalabas naman yun—kung mangyayari yun.

“Pero kung talagang mangyayari yun, nangyari na sana long time ago pa.

“Kasi, we’ve know each other for a long time.

"I mean, I’ve known her before Hayden, basically.”

Si Hayden Kho Jr. ang ex-boyfriend ni Vicki, bagamat may balitang nagkabalikan na naman daw ang dalawa.

Masasabi niya bang may physical attraction sa pagitan nila ni Vicki?

Sabi ni Edward, “Vicki is a very beautiful person, like I said.

"A lot of people are attracted to her.

“But, of course, I don’t wanna go beyond that boundary.

"Kasi ayokong masira rin yung pagsasama namin. We’re best friends.

“At saka, I’ve been there for her, you know, kasama yung iba niyang close friends, when she was going through a lot of turmoil with her past relationship.

“So, pag may kailangan siya, a shoulder to lean on, nandun kami.”

Siya ba ang dahilan kaya nakapag-move on si Vicki mula kay Hayden?

"Hindi naman," sambit niya.

“You know, Hayden... she’ll always love Hayden.

"But of course, what’s best, dapat yun yung mangyari.

“But I’m not the reason nag-move on siya.

"I don’t even know kung she moved on na or not.

“I never asked that question. It’s such a personal thing.

"I respect her ano, e, personal space.”

Siya ba ay single or dating?

Sagot ni Edward, “Well, right now, I’m ano, enjoying my bachelor life.

"So, work na muna siguro.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN