Mikael Daez on Adarna lead star Kylie Padilla: "She’s very determined, she wants to prove something."

Mikael Daez on former talent management company, Mercator: "They were a big part of my growth, my first two years. Of course, we all move on, we grow out into new opportunities. But I will never, ever forget what we’ve gone though."


Marami nang pagbabago ngayon sa career ni Mikael Daez matapos ang morning serye niyang With A Smile.

Bukod sa mapapanood siya gabi-gabi sa “Midnight Snack” segment ng Saksi, isa rin si Mikael sa bida ng bagong primetime serye ng GMA na Adarna.

Ano ang pakiramdam na nalipat siya sa primetime pagkatapos lumabas sa isang morningserye?

“Nakakatuwa!” bulalas niya.

Ang Adarna raw ang first primetime series niya kung saan bida talaga siya.

Mas gusto ba niya na primetime ang show niya?

“I don’t discriminate,” sagot ni Mikael.

“Iba yung feeling kasi, yung ipinapakita, iba yung style sa work.

"Iba yung mga pinapalabas for primetime, for morning.

“So, iba yung style ng EP [executive producer], ng director.

"So, ako, natutuwa ako, parang bagong experience lagi.

“Hindi naman sa gusto ko yung primetime o gusto ko yung morning, all of them have their pros and cons din, so ayun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa presscon ng Adarna last week, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.



LOVE TRIANGLES. Sa Adarna ay dalawa ang karibal ni Mikael kay Kylie Padilla bilang si Ada—sina Benjamin Alves at Geoff Eigenmann.

Hindi ba siya nanibago dahil sa With A Smile, isa lang ang karibal niya kay Andrea Torres—si Christian Bautista?

Tugon ni Mikael, “I don’t think nagiging mahirap pag mas marami.

"I don’t think nagiging mas madali pag mas konti.

“Actually, sa tingin ko nga dito, magkakatulungan lahat ng mga actors dito, so I’m really excited.

“I really think na magiging okey ang show na ito.”

Kumusta namang katrabaho si Kylie?

“Lagi kong sinasabi, I know she’s a fighter and she’s a sister in BVM, kay Tita Betchay Vidanes.

“And she’s very determined, she wants to prove something. Alam na alam ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ako, alam ninyo naman, lagi akong natutuwa sa mga ganyan.

“Sabi ko dati kay Andrea, iyon ang pinakagusto ko—she works hard, she’s so passionate and determined to do well.

“Nakikita ko yun kay Kylie.

"And, sa tingin ko, when everybody wants to do well, when a team wants to do well, lalabas yun sa produkto.

“So, kahit papaano, kahit mahirap, kahit siyempre may pagkakamali pa rin…

“Pero makikita ng mga tao yung emosyon at yung determinasyon na mapaganda yung proyekto.”


ON BENJAMIN ALVES. Kumusta naman ang pagtatrabaho nila ni Benjamin Alves, na dati niyang kasamahan sa Mercator Artist & Model Management?

Sabi ni Mikael, “Also, Ben actually, very intense ‘yan, very, very intense.

“I’ve known that even I was in Mercator pa, so he brings very good intensity to the work environment."

Wala naman daw awkwardness sa pagitan nila ni Benjamin.

Sabi ni Mikael, “No, none at all!

"Those guys are my brothers, Jonas [Gaffud] was my mother for a very long time.

“So they were a big part of my growth, my first two years.

"Of course, we all move on, we grow out into new opportunities.

“But I will never, ever forget what we’ve gone though.”

COSTUME. Sa naunang interview ng PEP kay Mikael, sinabi niyang palagi siyang topless sa Adarna bilang isang warrior ang kanyang role.

Pero hindi naman daw pala

“Akala ko talaga, akala ko talaga!

“Pero in fairness, nung nakita ko yung costume ko, sobra akong na-excite.

"At ang ganda onscreen pag may ilaw, sa picture.”

Mabigat ba ang costume niya bilang taong-ibon?

Sabi niya, “Okay lang. Natakot ako, akala ko sobrang bigat, pero parang backpack lang kasi.

“Di ba, mahilig akong mag-laptop at mag-camera? So, parang ganoon lang.”

May mga eksenang lilipad siya sa Adarna, pero hindi na raw siya nag-prepare para rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, e, harness lang yun, e.

“So, kailangan, magamay ko lang yung paggamit ng harness nang maayos.”

Dagdag pa niya “Excited talaga ako dito sa show na ito.”

Wala raw siyang fear of heights kung sakaling aerial at lumilipad ang eksena.

“Kung mahuhulog ako, takot ako.

"Pero kung hindi naman mahuhulog, hindi—basta safe.”

Kung magiging ibon siya, ano ang pipiliin niya?

“Blue eagle!” at tumawa si Mikael.

Blue Eagles ang tawag sa men’s collegiate basketball team ng Ateneo de Manila University, kung saan nag-graduate si Mikael ng kursong Business Management.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN