Imelda Marcos’s former secretary convicted in art heist; PCGG statement: “New York has seen justice done today.”

Imelda Marcos’s former New York-based secretary Vilma Bautista (inset) is found guilty by the Manhattan Supreme Court on Monday, November 18, of conspiracy, tax fraud, and offering of false instrument for filing.

This is in relation to Vilma Bautista’s $43-million transaction involving a 1899 Claude Monet painting that she sold to a London art gallery.

The valuable artwork is believed to be part of the Marcos family'


Hinatulan ng guilty sa kasong conspiracy ang dating secretary ni Imelda Romuldez Marcos dahil sa pagbenta nito ng valuable artwork, na itinuturing na pagmamay-ari ng gobyerno ng Pilipinas at nagkakahalaga ng $43 million.

Si Vilma Bautista, 75, ay nahatulan ding guilty sa kasong tax fraud at paggamit ng pekeng dokumento na nagbigay umano sa kanya ng awtoridad na maibenta ang isang Claude Monet painting.

Naparusahan siya ng pagkakakulong mula walo hanggang dalampu’t limang taon.

Lumabas ang hatol ng Manhattan Supreme Court laban kay Vilma noong Lunes, November 18.

Ayon sa ulat ng New York Times website noong Martes, November 19, ang naturang Claude Monet masterpiece ay isa lang sa mga valuable artwork na binili ni Imelda noong panahon ng panunungkulan ng asawa nitong Philippine President Ferdinand Edralin Marcos (1965-1986).

Ngunit biglang naglaho ang mga ito noong mapatalsik sa puwesto si Presidente Marcos noong February 25, 1986, ng Edsa People Power Revolution.



PAINTING SOLD THRU BLACK MARKET. Ayon sa impormasyong nakalap ng prosecution, ang akusado, na si Vilma Bautista, ay nagsilbing unofficial, New York-based secretary ng dating Philippine First Lady Imelda Marcos, mula early 1970s hanggang 1986.

Bagamat hindi inakusahan si Vilma ng pagnanakaw, nagpakita ng ebidensiya ang prosekusyon na itinago ng akusado ang Claude Monet painting—at tatlo pang artworks—sa tinitirhan niyang apartment sa East 44th Street, Manhattan, New York.

Ayon pa rin sa New York Times, July 2009 nang magsimulang magkaroon ng problemang pinansiyal si Vilma. Dala nito, inatasan niya ang dalawang pamangkin na maghanap ng private collector na papayag na bilhin ang naturang artwork.

Patunay nito ang mga nakalap ng prosecution na lampas isang dosenang palitan ng email messages sa pagitan ni Vilma at dalawa niyang pamangkin na sina Chaiyot Jansen Navalaksana at Pongsak Navalaksana.

Lumabas din sa pagsisiyasat ng prosecution na September 2010 nang maganap ang $43-million transaction sa pagitan ni Vilma at contacts nito sa black market.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang 1899 Claude Monet painting—na kilala sa tawag na “Le Bassin aux Nymphéas” o “Japanese Footbridge Over the Water-Lily Pond at Giverny”—ay inilipat mula kay Vilma papunta sa isang Panamanian company.

Mula sa Panamanian company ay ipinadala ito sa isang London art gallery, ang Hazlitt, Gooden & Fox, na pumayag na bilhin ang naturang painting.

Pagkatapos ay ibinenta naman ng Hazlitt, Gooden & Fox ang Claude Monet painting sa isang art collector na nagngangalang Alan Howard, na isang hedge-fund manager sa Switzerland.

Naisakatuparan ang naturang $43-million transaction, bagamat kahina-hinala kung paanong nagkaroon si Vilma ng ganoon kahalagang artwork.

Saad ni Ted Starishevsky, isa sa mga prosecutors, ukol dito: “Everyone held their noses and closed their eyes because it was in their shared financial interest to do so."



FAKE DOCUMENT. Ang tanging pinanghahawakang katibayan ni Vilma ay isang authorized certificate, na pirmado diumano ni Imelda noong 1991, na nagbibigay permiso sa akusado na ibenta ang Claude Monet painting.

Kinuwestiyon ito ng prosekusyon, at saka iprinisinta sa korte ang notaryo o legal representative na pumirma ng authorization certificate.

Ayon sa sinumpaang salaysay ng notaryo, hindi kasama si Imelda nang pirmahan niya ang authorization certificate.

Pumayag lang daw siyang pirmahan ito dahil sa pakiusap ng isa sa mga babaeng kapatid ni Vilma.

TAX FRAUD. Ayon naman kay Manhattan District Attorney Cyrus Vance Jr., nakatulong sa pagresolba ng kaso ang ginawang pagsisiyasat ng prosecution sa finances at tax returns ni Vilma.

Napag-alaman na noong September 2010 ay nagdeposito ang London Gallery na Hazlitt, Gooden & Fox ng halagang $28 million sa bank account ni Vilma.

Kaugnay nito, nakasuhan si Vilma ng tax fraud dahil hindi niya idineklara sa kanyang state tax return na mayroon siyang $28 million sa banko.

At ang buwis na binayaran ni Vilma noong Abril 2011 ay nagkakahalaga lang ng $80.



MARCOS’S ILL-GOTTEN WEALTH. Samantala, nagdiwang ang Philippine Commission on Good Governance (PCGG) kaugnay ng guilty verdict ng Manhattan Supreme Court laban kay Vilma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Vilma ay itinuturing na confidante ng dating Philippine First Lady Imelda Marcos.

Si Imelda, 85, naman ay isa sa miyembro ng pamilya Marcos na sinasabing nagnakaw diumano ng bilyun-bilyong piso mula sa kaban ng bayan, noong panahon ng panunungkulan ng kanyang asawa.

May paniwala rin ang maraming Pilipino na ginamit ni Imelda ang yamang ito sa pagtustos ng kanyang marangyang pamumuhay.

Bukod sa pamoso ito sa mundo sa pagkakaroon ng massive shoe collection, usap-usapan din na hilig ng dating Philippine First Lady ang bumili ng mamahaling alahas, real estate, at artwork.

Kaugnay nito, ang PCGG, na isang special anti-corruption agency na itinatag noong panahon ni President Corazon Aquino, ay naatasang hanapin ang humigit-kumulang sampung bilyong dolyar na yamang ninakaw diumano ng pamilya Marcos mula sa gobyerno.

“New York has seen justice done today,” saad ng opisyal na pahayag ng tanggapan ng PCGG, hinggil sa na-recover na valuable artwork, na itinuturing na pag-aari ng gobyerno ng Pilipinas.

ROLE OF PCGG. Ayon pa sa PCGG, sila ang nagbigay ng ilan sa matinding testimoniya at ebidensiya na ginamit ng Manhattan prosecution laban kay Vilma Bautista.

Taong 2010 raw nang mag-umpisang magkaroon ng komunikasyon sa pagitan ng PCGG at mga awtoridad ng New York.

Kinontak daw ng New York authorities ang PCGG matapos mapag-alaman ng una ang tungkol sa kahina-hinalang Claude Monet painting na ibinenta ni Vilma, noong Setyembre ng taong iyon.

Bukod dito ay napag-alaman daw kasi ng New York authorities na may tatlo pang paintings na sinusubukang ibenta ang dating secretary ni Imelda.

Ang tatlong artworks na natukoy ay ang “L’Eglise et La Seine a Vetheuil" na obra rin ng pintor na si Claude Monet, ang "Langland Bay" na obra ni Alfred Sisley, at ang "Le Cypres de Djenan Sidi Said” na obra ni Albert Marquet.

Kinumpirma naman ng PCGG na matagal na nilang hinahanap ang mga naturang “missing paintings,” na itinuturing na bahagi ng “ill-gotten gains” ng pamilya Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na pahayag ni PCGG Chairman Andres Bautista ukol dito: “We will now be working to recover the proceeds and assets which were confiscated from Ms Bautista and which we assert are owned by the [Philippine] republic.”


Samantala, tumangging magbigay ng pahayag si Imelda hinggil sa kinasasangkutang kaso ng dati niyang secretary na si Vilma.

Sa abs-cbnnews.com, may maiksing pahayag si Filedelfo Diaz, na kumakatawan bilang chief-of-staff ni Imelda, na kasalukuyang Ilocos Norte representative sa Kongreso:

"Ma’am did not deny that [Bautista] was once her assistant.

"She made no further statement on the case in New York."

Sa kasalukuyan, mahigit isang bilyong piso ang halaga ng assets, na pinaniniwalaang ninakaw ng pamilya Marcos, ang na-recover na ng PCGG.



IMELDA’S PREVIOUS FEDERAL CASE IN NY. Matatandaan na noong October 1988 ay kinasuhan si Imelda ng federal fraud, racketeering, at obstruction of justice sa korte ng Estados Unidos.

Kaugnay ito ng mahigit $140 million na ipinuslit ng dating First Lady at ipinambili ng mga mamahaling alahas, corporate stock, valuable artworks at apat na gusali sa Manhattan, New York, noong early 1980s.

Pinaniniwalaan ng prosecution na ang perang ito ay galing sa yamang ninakaw ng pamilya Marcos mula sa kaban ng gobyerno ng Pilipinas.

Ayon sa ulat ng Los Angeles Times website, petsa July 3, 1990, ang mga nabanggit na kaso ay isinampa laban kay Imelda, dating Presidente Marcos, at walo pa nilang kasabwat, sa Manhattan Federal Court.

Ang mga miyembro ng PCGG, noong panahon ng panunungkulan (1986-1992) ng namayapang Presidente Corazon Aquino, ang nakipagtulungan sa prosekusyon kaugnay ng mga kaso laban kay Imelda at dating Presidente Marcos.

Bago pa naresolba ang kaso, pumanaw si dating Presidente Marcos dahil sa sakit na lupus noong September 28, 1989.

Napawalang-sala naman si Imelda ng Manhattan Federal Court noong July 2, 1990.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN