Secretary Mar Roxas on Mayor Alfred Romualdez’s allegation: "Kalokohan."

“Walang naging usapan na takeover ng DILG o national government sa Tacloban City Hall. This is absolute nonsense and there was a roomful of people in the command center at the city who can attest to this,” saad ng official statement ni Secretary Mar Roxas sa alegasyon ni Mayor Alfred Romualdez na gustong mag-take over ang DILG sa Tacloban City.


Nilinaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel “Mar” Roxas II na hindi ite-take over ng kanyang ahensiya ang Tacloban City.

Isa ang Tacloban sa mga pinakamatinding sinalanta ng super typhoon Yolanda noong November 8, Biyernes.

Matatandaang noong November 18, Lunes, lumabas ang balitang pinapagawa raw ng sulat si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ni Secretary Roxas, para sabihin na ang DILG na ang mamamahala sa Tacloban City.

Read: Mayor Alfred Romualdez claims Secretary Mar Roxas working to unseat him in order to take over Tacloban; Roxas vehemently denies allegation

Sa isang press statement, na lumabas na rin sa ibang news websites, mariing pinabulaanan ni Secretary Roxas ang alegasyon ni Mayor Romualdez.

Sabi niya, "Kalokohan. Nothing of that sort transpired. They better be careful in spreading lies.

“Walang naging usapan na takeover ng DILG o national government sa Tacloban city hall.

“This is absolute nonsense and there was a roomful of people in the command center at the city who can attest to this.”

Dagdag pa ng kalihim, nagkaroon siya ng pakikipagpulong, kasama si Mayor Romualdez at si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, para ayusin ang iba pang isyu sa relief distribution sa Tacloban.

POLITICALLY MOTIVATED? Sa panayam ng radyo dzBB kay Mayor Romualdez noong November 18, sinabi ng alkalde na gusto raw ni Secretary Roxas na sulatan niya si PNoy.

Sa sulat, sasabihin daw ni Romualdez na hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin bilang alkalde ng Tacloban, dahil sa matinding pinsala ng siyudad pagkatapos ng bagyong Yolanda.

Pinayuhan naman daw si Romualdez ng kanyang mga abogado na huwag gawin ang sulat dahil maaaring gamitin ito laban sa kanya at sabihing nagbitiw siya sa tungkulin.

Ayon sa legal counsel ni Mayor Romualdez, na si Atty. Alex Avisado, nais daw ni Roxas na gumawa rin ng sulat ang Tacloban City Council na nagsasabing ipinauubaya na ni Romualdez ang Tacloban sa pamumuno ng DILG secretary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hiwalay na panayam ni Romualdez sa 24 Oras noon ding November 18, sinabi niya, “Kasi sinasabi niya [Roxas], lahat halos ng mga functions ng government, hindi ko nagagawa.

“Sabi ko, hindi totoo yun. Nagagawa ko.

“Pagkatapos, sabi niya sa akin, ’Isulat mo na lang na lahat di mo nagagawa para tumulong kami. Kami ang papasok.’”

Ayon pa kay Mayor Romualdez, tila may halong pulitika ang ginagawa sa kanya.

Si Romualdez ay pamangkin ni Ilocos Norte Representative at dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos, asawa ng namayapang Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Marcos ang siyang pinaghihinalaang utak diumano sa pagpaslang sa ama ni President Noynoy Aquino, ang namayapang senador na si Ninoy Aquino, noong August 21, 1983.

Si Roxas naman ay kabilang sa gabinete ni Pangulong Aquino.

Bukod sa pagiging kalihim ng DILG, si Roxas din ang vice chairman for preparedness ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ngunit sinasabi na ng ilang political observers na ginagawang dahilan ng oposisyon ang isyu ng pagpakapatay kay Ninoy upang siraan pa si PNoy ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN