Charee Pineda on kontrabida role in Akin Pa Rin Ang Bukas: “This time, natutuwa ako na may nagagalit sa akin!”

Charee Pineda on politicians getting a lot of flak amidst typhoon Yolanda relief controversies: “Hindi kasi maiwasan naman talaga na merong masabi sa mga pulitiko sa ganitong situation... Siguro gawin na lang natin yung way natin kung paano tayo makakatulong din.”


Masaya si Charee Pineda na marami ang pumupuri sa pagganap niya bilang kontrabida sa GMA primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Kuwento ni Charee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Natutuwa nga po ako kasi... siguro mga ilang days na, maraming lumalapit sa akin.

“At sinasabi na ngayon daw, naniniwala na sila na kontrabida na talaga ako—nagsisimula na silang magalit sa akin.

“Tapos, sabi ko, ‘Wow!’

“Yung feeling, sobrang overwhelming yung feeling kasi pinaghirapan mo.

“Tapos, may mga nakaka-appreciate sa iyo at pinupuri ka, at may nagagalit na sa iyo.

“This time, natutuwa ako na may nagagalit sa akin!” tawa pa ng aktres.


ROLE PREPARATIONS. Bilang si Agatha sa Akin Pa Rin Ang Bukas, lagi raw pinaghahandaan ni Charee ang bawat taping day nila.

“Ako kasi, never na nag-relax ako sa trabaho. Parati kong tsina-challenge yung sarili ko

“So siguro, itong sa pagbabalik ni Lovelia [Lovi Poe], e...

"Siguro mas kailangan na mas ayusin ko o mas maibigay ko yung hinihingi sa akin, na mas makapag-deliver pa.

“Sa transformation, yes, nag-short hair na. Kasi matagal na panahon na naka-hair extensions po ako, ilang panahon na, ilang weeks na.”

Si Lovi ay magpapagupit na rin for her role sa kanilang drama series.

“Si Lovi, nag-uusap nga kami kanina, kasi matagal na panahon palang black hair siya.

“Tapos, sabi niya na ibahin naman.”


POLITICS AND BEING KONTRABIDA. Bilang konsehala sa second district ng Valenzuela City, paano ang pakikitungo ni Charee sa kanyang constituents?

Biro pa ng PEP, dahil sa salbaheng papel niya sa Akin Pa Rin Ang Bukas ay baka hindi na siya iboto sa susunod na eleksyon?

Sagot ni Charee, “Hindi naman siguro.

"Kasi pag umiikot ako sa Valenzuela, lahat sila natutuwa, e, na kontrabida, ganyan-ganyan.

“Tapos, sinasabi nila ‘O, nanonood kami, konsehala!’

“Sasabihin ko, ‘Naku, sorry, ha? Sorry, kontrabida,’ ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi naman nila, ‘Ang galing nga, e.’

“Kasi ibang-ibang role naman daw.”

Hindi ba mahirap ihiwalay ang pagiging kontrabida sa pagiging pulitiko?

“Hindi naman siguro, dahil nasanay na at matagal na rin naman akong nag-aartista kaya hindi na rin ako nahihirapan.

“Kasi, nasanay na ako na kapag nandito ako, ibang tao ako.

"Pero pagdating sa totoong buhay, ako talaga ito.

“Kaya hindi na ako nahihirapan na minsan nadadala or kung ano man.”

Bilang pulitiko, ano ang masasabi ni Charee sa bumabatikos sa gobyerno dahil sa mga kaganapan na hatid ng bagyong Yolanda?

“Oo nga, e. Kaya lang, hindi kasi maiwasan naman talaga na merong masabi sa mga pulitiko sa ganitong situation.

“Kaya lang, for me, kasi parang... siguro gawin na lang natin yung way natin kung paano tayo makakatulong din.

“At yung local government din naman doon sa mga na-affect ng bagyo, e, mga biktima rin naman sila, e.

“Kaya siguro yung mga nandoon, talaga rin namang hindi natin maasahan na makapag-deliver sila, dahil sila rin mismo mga biktima.”

Bilang isang artista at isang kontrabida naman, mayroon daw iniidolo si Charee.

Sabi niya, “Gusto ko si Angelica Panganiban.”

Kontrabida ba si Angelica?

“Hindi, hindi. Pero pag may mga roles siya na maldita, kayang-kaya niya.

“Tapos, pag may roles na mabait, kaya niya rin kaya medyo siya yung inaano ko.

“Dito naman sa GMA, gusto ko si Glaiza de Castro, kasi ganoon din.

“Si Glaiza kasi napanood ko, katulad nga ng sinasabi ko, dati noong mag-i-start pa lang itong Akin Pa Rin Ang Bukas...

“Dahil nga nasanay ako na ang roles ko puro mga mababait, nanood ako ng mga iba’t ibang mga shows sa both networks.

“Tapos, napanood ko si Glaiza, ang galing niya!

"Kasi minsan nakatayo lang siya, pero feel mo yung galing niya.

“Napanood ko yung sa kanila ni Marian [Rivera], yung Temptation of Wife.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



EXCLUSIVELY DATING. Wala raw lovelife si Charee ngayon.

“Kasi kakagaling ko lang din sa relationship, e, pero open naman ako sa...

“Hindi ko kinu-close yung sarili ko sa panibagong relationship.

"Pero, as of now, wala pa.

“Pero may dine-date ako, pero he’s not from showbiz.”

Exclusively dating daw sila ng non-showbiz guy na ito.

Nilinaw rin ni Charee ang balitang niligawan daw siya ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

“Kasi noong SK [Sangguniang Kabataan] pa lang ako, nali-link na kami, kaya lang siguro.

“Dahil iisa lang kami ng partido, e, under ako sa kanila, kaya siguro namamali,” sabi ni Charee.

Ayaw ba niya ng karelasyong pulitiko o artista?

Sagot niya, “Hindi naman sa ayaw.

"Sa artista lang, wala pa lang siguro na parang nagustuhan talaga.”

Naging boyfriend ni Charee ang Kapamilya actor na si Jason Abalos, at magkaibigan pa rin daw sila hanggang ngayon.

“Mabait si Jason,” sambit ng aktres.

“Mabait siya talaga at talagang kapag nagkikita kami, talagang nangangamusta nang nangangamusta yun, at maayos kausap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN