Ted Failon apologizes to weathermen for comment on storm surge

PAG-ASA says it is "deeply saddened" by Ted Failon’s comments inferring that the group lost one of its own personnel because even the group, like the public, was unaware of the power of a storm surge.

The president of weather forecasters, Ramon Agustin, said in an official statement: “It is the general rule in PAGASA that personnel on duty should not leave or abandon their posts at all cost if a locality is under threat from a tropical c


Humingi ng paumanhin ang ABS-CBN news anchor na si Ted Failon sa Philippine Weathermen Employees Association (PWEA) na nasaktan sa kanyang komento tungkol sa insidente ng storm surge na dulot ng super typhoon Yolanda sa Tacloban.

Sa kanyang radio program sa dzMM, ang Failon Ngayon, kaninang umaga, November 20, ipinaliwanag ni Ted ang kanyang binitawang salita kahapon, November 19.

Nabanggit kasi ni Ted na kulang ang kaalaman ng mga tao tungkol sa “storm surge,” na naging sanhi ng pagkamatay ng libu-libong katao sa Samar at Leyte.

Ang storm surge, ayon sa nws.noaa.gov, ay "abnormal rise of water generated by a storm, over and above the predicted astronomical tide."

Sabi pa ni Ted, kahit mismong empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) ay naging biktima ng naturang storm surge.

Si Ted ay nasa Tacloban bago pa man dumating ang bagyong Yolanda sa bansa.

Nanatili siya rito, ilang araw matapos dumaan ang bagyo sa ilang lugar sa Visayas, upang mag-ulat para sa ABS-CBN News.

Hindi naging maganda ang dating ng sinabi ni Ted sa weather forecasters na kasapi sa PWEA.

Sa isang official statement na inilabas ng PWEA, sa pamamagitan ng kanilang presidente na si Ramon Agustin, inihayag nila ang kanilang pagkadismaya sa sinabi ni Ted.

“The PWEA honestly respects the opinion of Mr. Ted Failon aired early this morning [November 19] that most PAGASA people are not aware of what a storm surge is.

“According to Mr. Failon, this is because one PAGASA personnel died as a victim of a storm surge herself.

“However, we are deeply saddened by this comment.

“Please allow us to inform our kababayans that our colleague suffered the onslaught of Yolanda because she was on duty at the weather station.

“It is the general rule in PAGASA that personnel on duty should not leave or abandon their posts at all cost if a locality is under threat from a tropical cyclone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Our lady colleague died not in the comfort of her own home but rather died while in the service of our country.”

Ayon kay Agustin, ang namatay nilang miyembro ay si Salvacion Avestruz.

Huli siyang nakita ng iba pang weather forecasters sa PAGASA Tacloban station.

Sinusubukan daw isalba ni Avestruz ang microbarograph ng kanilang tanggapan, bago siya naanod ng rumaragasang alon mula sa dagat, dahil sa storm surge na dulot ng super typhoon Yolanda.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang mga labi ng PAGASA weather forecaster.



OUT OF CONTEXT. Paliwanag naman ni Ted, iba ang naging interpretasyon sa kanyang naging pahayag ng ilang mga tagapakinig, pati na ng mga taga-PWEA.

Aniya “Ang aking sinabi, ultimo taga-PAGASA ay nabiktima ng storm surge sa kasagsagan ng Yolanda.

“Sa aking pananaw, nung aking tinatalakay ang isyu na ito, it’s that, ultimo ang taga-PAGASA, hindi po alam kung ga’no kalaki ang panganib na paparating na hatid ng super typhoon na ito…

“Bagamat, siyempre, ating ginagalang din ang katapatan sa tungkulin ng mga taga-PAGASA na hindi inaabandona ang kanilang mga post.”

Nang makausap ni Ted si Agustin sa telepono kanina, humingi ng paumanhin ang broadcaster sa kanya at sa mga taga-PWEA.

Sabi ng TV and radio anchor, “Kung saka-sakali po na hindi ho sa tamang konteksto ang pagtanggap ng iba sa mga miyembro ninyo, o ibang kababayan natin sa aking naging pahayag, ako ay humihingi ng paumanhin.

“Kasi sa ngayon, naiintindihan ko na maraming tao rin ang sensitive sa mga issues ngayon, at talagang kinakailangan ng pag-iingat sa ating mga binabanggit.

“Kaya po ngayon pa lang, akin na pong nililiwanag na ang konteksto ng aking pahayag kahapon, ay no offense lalo na sa pamilya ng namatayan.”

Sa huli, sinabi ni Ted na ang kanyang mga nasabi ay upang ipaalam sa kinauukulan ang kahalagahan ng paglilinaw sa publiko ng mga gagamiting weather warning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa niya, “Ang aking take lang talaga dito, ‘yon lang punto na, after this calamity o yung delubyong ito, pagkaisahan nga natin o pagtulung-tulungan yung tamang babala na dapat ibigay sa bayan sa panahon na may paparating ng ganitong bagyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN