Senator JV Ejercito on the abolition of pork barrel: “Kaya namin na mabuhay kahit wala ang PDAF.”

Senator JV Ejercito on tragedies and calamities: "Unfortunately, sometimes, it also brings out the worst... The ugly side of politics sometimes shows kapag may ganitong sitwasyon na sana, ideally, kapag ganitong may tragedy o kalamidad, sana i-set aside na natin ang political colors."


“Kaya namin na mabuhay kahit wala ang PDAF.”

Ito ang pahayag ni Senator JV Ejercito tungkol sa desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang Priority Development Assistance Fund (PDAF)—o mas kilala sa tawag na pork barrel.

Kahapon, November 19, ay napagdesisyunan ng Supreme Court na i-abolish ang PDAF dahil “unconstitutional” daw ito.

Read: Supreme Court abolishes pork barrel fund; Senate eyes unused 2013 PDAF as supplemental budget to boost disaster relief ops

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Senator Ejercito tungkol dito.

Saad ng first-term senator, “Kung ‘yan ang desisyon ng Korte Suprema, kinakailangan tayong sumunod.

“I guess, kaya namin na mabuhay kahit wala ang PDAF.

“Ang inaalala ko lang, yung mga distrito na nakikinabang, lalung-lalo na yung social services, scholarships, yung legal assistance…

“Sana lang, magkaroon ng mekanismo na huwag maputol ito.

“Hindi na yung mga legislator ang mag-a-administer o mag-supervise.”

Sang-ayon naman si Senator Ejercito sa suhestiyon ni Senate President Franklin Drilon na gamitin ang natitirang pondo ng PDAF sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda at iba pang sakuna.

Nagkakahalaga ng P14.5 billion ang natitirang PDAF na hindi pa nari-release ng Department of Budget and Management (DBM) para sa taong ito.

Sabi ni Senator Ejercito, “Yun ang akin, tutal nandiyan na ang pondong ‘yan.

“Hindi naman siguro ito mamasamain ng ating mga kababayan, kung ang pondong ito ay ibibigay na lang natin sa lahat ng mga biktima ni Yolanda.

“Lalo na sa mga probinsiya na tinamaan ng super typhoon, the five provinces… isama na natin ang Bohol.”

Ang Bohol ay tinamaan ng malakas na lindol ilang linggo bago manalasa ng bagyong Yolanda sa mga karatig-probinsiya.

Patuloy pa ng dating alkalde ng San Juan, “Palagay ko, kung mga P100 billion lang, palagay ko, ito ang kailangan natin sa rehabilitation efforts.

“Yung P25 billion na alloted for PDAF, since unconstitutional ito, sana yung pondo, ilaan na lang sa rehabilitation efforts.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang half-brother ni Senator Ejercito na si Senator Jinggoy Estrada ang isa sa tatlong senador—ang dalawa pa ay sina Senator Juan Ponce Enrile at Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.—na kinasauhan ng plunder dahil sa pagkakasangkot nila diumano sa pork barrel scam.



INTERNATIONAL MEDIA. Nagbigay rin ng pahayag si Senator Ejercito tungkol sa international media na nag-cover ng resulta ng pananalasa ng super typhoon Yolanda/Haiyan sa Pilipinas.

Saad niya, “Ang foreign media, minsan, maybe exaggerated at times.

“Para siguro mas maganda ang kanilang presentation, ang kanilang balita.

“Pero more often, they would report what they see. Wala silang biased.

“Kumbaga, pagpunta nila dito, wala silang political inclinations, wala silang pinapanigan.

“Kung ano ang nakikita nila, yun lamang ang ire-report nila.”

Dagdag niya, “Malaking bagay yung outpouring of support and aid from the different countries, halos buong mundo.

“Kung wala ang report ng international news agencies, hindi ganoon karami ang tutulong sa atin.

“Kahit in-exaggerate nila ang report, nakatulong nang malaki para sa atin.

“In fact, sabi nga nila, talagang bilyun-bilyon na ang natatanggap natin.

“We have to thank the international news agencies for the awareness about what happened to the Philippines.”



CONCERT FOR EARTHQUAKE AND TYPHOON VICTIMS. Sa November 30, Sabado, ay itatanghal sa Fil-Oil Flying V Arena, San Juan City, ang Aftershock: A Night of Music and Giving.

Isa itong fundraising concert, na proyekto ni Senator Ejercito, upang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng lindol sa Bohol.

Ngunit dahil nangyari nga ang pananalasa ni Yolanda, kasama na rin sa beneficiaries ng fundraiser ang mga biktima ng bagyo sa ilang lalawigan sa Kabisayaan.

Ang concert ay sa pakikipagtulungan ng Oplan Kaagapay of the Junior Chamber International Philippines (JCIP) at JCI San Juan Pinaglabanan.

Performers sa Aftershock ang mga Boholano na sina Cesar Montano, Luke Mejares, at Noel Cabangon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang naman sa mga bandang pumayag mag-perform nang libre ay ang Alamid, True Faith, Shamrock, Mojofly, Orient Pearl, at Nexxus.

Prayoridad daw ng project na ito ni Senator Ejercito ang magbigay ng construction materials para sa pagtatayo ng bahay ng mga kababayan nating nawalan ng tahanan dahil kay Yolanda.

Ayon pa sa senador, malawak ang karanasan niya sa pagtulong sa mga biktima ng natural calamities, lalo na raw noong siya pa ang alkalde ng San Juan City.

Saad niya, “Noong time na ‘yon, oposisyon ako.

"Kumbaga, given na hindi susuportahan ng national government.”

Si Senator Ejercito ay nasa ilalim ng partidong Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), kung saan ang ama niyang si dating President at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada ang presidente.

Nanungkulan siya bilang mayor ng San Juan mula 2001 hanggang 2010.

Sa panahong iyon, ang Presidente ng Pilipinas ay si Gloria Macapagal-Arroyo, na kabilang naman sa Lakas-KAMPI-CMD.

Patuloy ni Senator Ejercito, “Nagpapasalamat naman ako na kapag ganitong klaseng kalamidad, maraming tumutulong.

“Nagugulat ako, big corporations, like San Miguel, Unilab… yung ibang korporasyon, hindi naman namin kilala.

“Lahat ng tulong, dumarating na lang.

“I think, in a calamity or tragedy like this, it brings out the best, na kapag may nangyaring ganitong sakuna, bukal yung pagtulong.

“Yung mga hindi mo ini-expect, hindi mo kilala, tumutulong.”


POLITICS AND CALAMITIES. Ngunit sabi rin ni Senator JV, “Unfortunately, sometimes, it also brings out the worst...

“The ugly side of politics sometimes shows kapag may ganitong sitwasyon na sana, ideally, kapag ganitong may tragedy o kalamidad, sana i-set aside na natin ang political colors."

Ikinuwento pa nito ang pagsasama nila ng isang Leyte politician na identified sa oposisyon: “Si Congressman Martin Romualdez, nagkakasama kami prior to this tragedy.

“Twice a month, umiikot kami sa mga iba-ibang bundok.

“Yung grupo namin, tumulong naman sa kanya nung nangyari yung Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpadala kami ng mga trapal, ngayon yung relief items.

“Saka ikinuwento rin niya, siyempre yung nalulungkot siya.

“Identified siya sa oposisyon, na minsan, hindi maganda yung treatment sa kanila.”

Si Congressman Romualdez ay nasa ilalim ng Lakas-CMD, na partido rin ni dating Pangulong Arroyo.

Bukod dito, si Romualdez ay pamangkin ni dating Unang Ginang at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Romualdez-Marcos, asawa ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Marcos ang pinaghihinalaang utak diumano sa pagpaslang kay Senator Ninoy Aquino, ama ni President Noynoy Aquino, noong August 21, 1983.

Ito ngayon ang ginagamit ng ilan sa oposisyon—tulad ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez, na kabilang din sa Romualdez-Marcos political clan—upang idiin na hindi sila tinutulungan ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

Bagay na pinabulaanan ng PNoy administration, partikular na si Budget Secretary Butch Abad, na nagsabing ang tulong ay pupunta kung saan ito kailangan. Dahil ang Tacloban, Leyte, ay tinatayang pinaka-nasalanta ng super typhoon Yolanda, dito umano ang tutok ng tulong.

Malinaw naman sa local at international media reports—na bagamat nagsabing maraming dapat pang gawin ng administrasyon nang mas mabilis pa sa Tacloban—ito nga ang siyudad na tinututukan ng relief at rehabilitation work ng gobyerno.

Pagpapatuloy ni Senator Ejercito, “Ako naman, kahit ako’y nasa oposisyon, ayoko naman na magbatikos sa Pangulo ngayon, although maraming shortcomings.

“Pero during times like this, we should be united.

“We should take the lead. Lahat kami susunod.

“Sana kalimutan na ang pulitika, kalimutan na ang political colors.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN