“Hugs for the Philippines” video goes viral

Sikat na sikat ngayon ang YouTube video na "Philippines Typhoon Relief - Hugs," kung saan tinumbasan ng promoters ang bawat yakap sa kanila ng $5. Ang malilikom nilang pera ay idu-donate sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda/Haiyan sa Pilipinas.


Sa loob lamang ng tatlong araw ay umabot na sa libu-libong views ang isang YouYube video na may titulong "Philippines Typhoon Relief—Hugs."


Mula nang mai-post ang nasabing video noong November 17, 2013, mayroon na itong 31,211 views, as of 10:21 p.m. ng November 20.

Ang YouTube ay isang video-sharing website, kung saan ang isang member o subscriber ay maaaring mag-upload ng videos.

Sa channel ng member ay makakapaglagay siya ng kanyang description, mga videos na in-upload niya, mga miyembro kung kanino siya naka-subscribe, mga miyembro na kinaibigan niya, at sarili niyang section kung saan maaaring mag-iwan ng comments ang ibang subscribers.



HUGS FOR THE PHILIPPINES. Ang pangalan ng account na nag-post ng "Philippines Typhoon Relief—Hugs" video ay GiveLiveInspire.

Sa Facebook, patuloy ang pagsi-share ng nasabing video.

Pero ano nga ba ang pambihira sa nasabing video, na 4 minutes and 15 seconds ang haba?

Sa ibaba ng video ay agaw-pansin ang maiksing deskripsiyon nito—ang magbigay ng kamalayan sa mga tao kung paano makakatulong sa mga nasalanta ng super-typhoon Haiyan (na may local name na Yolanda) sa Pilipinas.

Narito ang nilalaman ng description:

“As many of you may know, a typhoon recently hit the Philippines, taking the lives of thousands of innocent people.

“We wanted to help with the Philippines Typhoon Relief as well as spread awareness about it.

“So we decided to stand on the streets of San Francisco for 1 hour and for every hug that we got, we would donate $1 (we ended up making it $5) in hopes that it would spread more awareness about the relief effort. Along the way, we also received donations from huggers tallying the total donation to $335.”



THE VIDEO. Sa simula ng video ay ipinakita ang dalawang lalaki—na parehong Asian ang features—sa isang mataong lugar sa San Francisco, California.

May hawak silang banner na gawa mula sa cardboard box, at may mga nakasulat na “Hugs for the Philippines,” “Typhoon Haiyan Relief,” at “1 hug = we donate $1.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagpapatuloy ng video, ipinakita ang sunud-sunod na pagtanggap ng dalawang lalaki ng mga yakap mula sa mga estranghero: iba’t ibang lahi, bata, matanda, babae, at lalaki.

Makikita sa video na habang yumayakap, may ilan na nag-aabot ng pera sa dalawang lalaki.

Sa gitnang bahagi ng video, sinabi ng isang may hawak sa banner: “So far, we have 36 hugs… so that’s 36 dollars we’re donating.

“And actually, a couple of people gave us money… $8 so we got $44, we’re gonna donate so far.”

Nagpatuloy pa ang video at ipinakita ang pagyakap ng iba pang mga tao sa dalawang lalaki.

Sa bandang dulo ng video, nagsalita muli ang lalaki at sinabing sa halip na $1 ang kada yakap, itataas nila ito ng $5 kada yakap.

“So we’ve got a total of 62 hugs, also got $25 in donation, which we’ll be donating to the Red Cross for Philippines… so it’s a very successful day."

Umabot sa $335 ang nalikom na pera na tinatayang P15,000 ang katumbas.

“If you guys watch this video, click on the link,” na ang tinutukoy ay ang link sa Philippine Red Cross.

Pagpapatuloy pa ng lalaki: “Any donation will be good for the Philippines. We really encourage you to spread this awareness to everybody.”

“AVERAGE GUYS.” Sa nasabing account na GiveLiveInspire, ito ang tanging description: “Hi! We’re just your average guys trying to help out. Join us by subscribing.”

Mayroong 325 subscribers ang nasabing channel na sumali sa YouYube noong August 20, 2013.

Walang ibang pagkakakilanlan o mga pangalan ng mga nagmamay-ari ng account, bukod sa pagkakaroon ng apat na videos.

Sa unang video, na ipinost noong August 20, 2013, may titulo ito na "A Helping Hand – Helping the Homeless," kung saan dalawang lalaki ang namimigay ng tinapay sa mga taong walang tirahan at nasa mga bangketa.

Sa simula ng video, nag-flash ang mga salita na tila nagpapahayag kung ano ang naging inspirasyon ng mga gumawa ng account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon dito: “Inspired by other videos, we decided to walk the streets of San Francisco and give a little to the homeless. We hope to inspire you to do the same.”

Ang video ay mayroon nang 20,052 views as of November 20.

Ganito rin ang konsepto ng pangalawang video na ipinost lamang noong November 4, 2013. Mayroon na itong 1,300 views sa kasalukuyan.

Ang ika-apat na video naman ay nagpapakita ng step-by-step online donation ng nalikom na $335 sa Philippine Red Cross website, marahil ay bilang pruweba na rin na inilagak ang donasyon sa pinaglaanan nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN