Coach Freddie Roach is confident Manny Pacquiao all set for upcoming fight with Brandon Rios

Malaking luwag sa dibdib para kay coach Freddie Roach na handang-handa na raw si Manny Pacquiao sa nalalapit niyang laban sa American boxer na si Brandon Rios sa Macau, ngayong November 24, Linggo.


Nakakahinga na nang maluwag si coach Freddie Roach dahil naniniwala siyang handa na ang Filipino boxing champ na si Manny "Pacman" Pacquiao sa napipinto nitong laban sa American contender na si Brandon Rios, ulat ng www.spin.ph.

Ang pagtutuos nina Pacquiao at Rios ay gaganapin sa The Venetian Macao sa Macau, China, ngayong November 24, Linggo ng umaga.

Paglalabanan nila ang WBO International Welterweight title.

Nag-alala kasi si Roach na baka nabahala si Pacquiao matapos ng tensiyong naganap sa pagitan ni Roach at ng dalawang coaches ni Rios, na sina Robert Garcia at Alex Ariza.

Nangyari ang insidente sa makeshift gym sa Macau, November 20, Miyerkules ng umaga.

Si Ariza ay dating conditioning coach ni Pacquiao noon pang 2008 ngunit napatalsik ito noong 2012.

Lumipat na ito sa kampo ni Rios, na makakatapat ngayon ni Manny.

Wala naman si Pacquiao sa lugar nang maganap ang insidente, at nang kalaunan, nang mamataan ito ay tumatawa-tawa pa.

"I’m happy now. My biggest concern is bothering him (Pacquiao). As long as it didn’t bother him, it’s okay,” ani Roach.

(For the complete report, read spin.ph: Roach relieved to know Pacman not bothered by pre-fight scuffle with Rios’ men)



HEATED EXCHANGE. Noong umaga ng Miyerkules, ang sagutan ng mga coaches ay nauwi sa pisikalan, matapos umanong sabihan ni Roach ang kampo ni Rios na lisanin na ang makeshift gym dahil toka naman ng kampo ni Pacquiao para mag-training.

Sa mga oras na iyon ay kinakapanayam pa ng media si Garcia sa gym tungkol sa training ni Rios.

Lumapit si Roach sa media at kay Garcia para sabihing kailangan na nilang umalis.

Dito umano nagsimula ang sagutan sa pagitan nina Roach at Garcia.

Mas uminit umano ang sitwasyon nang pumasok sa eksena si Ariza at sinigawan si Roach na umalis sa gym.

Pagkatapos pa ng ilang palitan ng maaanghang na salita ay sinipa ni Ariza sa dibdib si Roach, na naging hudyat para lalong uminit ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang kampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inawat sila ng mga taong nasa paligid nila.

(For the complete report, read spin.ph: Freddie Roach scuffles with Rios’ trainer, axed Pacquiao conditioning coach Ariza)

Nakunan din ng video ang nasabing tensiyon at naka-post sa YouTube.

Makikita sa video na si Rios ay nasa running machine at hindi na nakisali pa sa insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN