(UPDATED) Ex-PBB Teen housemate Beauty Gonzalez arrested for allegedly helping brother escape from CIDG detention

Nasangkot ang dating PBB housemate na si Beauty Gonzalez sa kasong human trafficking ng kapatid niyang si Michael Ryzan Gonzalez, pagkatapos niyang tangkain diumanong itakas ito mula sa kustodiya ng CIDG sa Calapan, Mindoro.


Inaresto ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition Plus housemate na si Beauty Gonzalez ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kasong “obstruction of justice.”

Nangyari ang pag-aresto kay Beauty—Christine Marie Gonzalez sa totoong buhay—noong Lunes, November 18, sa Calapan, Mindoro.

Ayon sa ulat na nailathala sa website ng Island Sentinel—isang local newspaper na nagbibigay balita mula sa Mindoro, Roblon, Marinduque, NCR, at Region IV—inaresto si Beauty dahil sa pagtangka niya diumanong itakas ang kapatid na si Michael Ryan Gonzalez mula sa kustodiya ng CIDG.

Si Michael Ryan ay inaresto noong November 14 sa Calapan City Port, sa Mindoro, dahil sa kasong human trafficking.

Ang kaso laban sa kapatid ng 22-year-old celebrity ay isinampa mismo ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay bunsod ng suspetsang nagdadala ng mga tao si Michael Ryan mula sa Caticlan, Iloilo, patungong Enrile, Cagayan Valley para magsakada.

Ayon pa sa ulat ng Island Sentinel, nakiusap umano si Beauty na payagang lumabas ng CIDG detention cell sandali ang kanyang kapatid dahil may bibilhin lamang ito.

Nang payagan ng makalabas, mabilis umanong umandar ang sasakyan ni Beauty at dumiretso sa Calapan City Port.

Kasama ang driver, sumakay raw si Beauty at ang kanyang kapatid sa passenger ferry patungong Batangas Port.

Sa tulong ng mga tauhan ng CIDG sa Batangas, napigilan daw ang tangkang pagtakas ni Michael Ryan, sa tulong ng kanyang kapatid na Beauty.

Ang dalawa ay ibinalik sa Calapan, Mindoro matapos ang pag-aresto.

Samantala, base sa mga huling Twitter post ni Beauty, tila nakalaya na siya at bumalik na sa trabaho.

Si Beauty ay kasalukuyang bahagi ng cast ng ABS-CBN primetime soap na Maria Mercedes.



MISUNDERSTANDING. Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng statement mula sa legal counsel ni Beauty na si Atty. Charlotte Aguba Goco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Atty. Aguba Goco: "The allegations against Beauty Gonzalez are the result of pure misunderstanding. There is no case yet filed in court against her. The matter is still under investigation. We are confident that the legal process will eventually show the truth. Thank you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN