Developing nations fight for “loss and damage” calamity aid at United Nations Climate Change Conference

At the United Nations Climate Change Conference, a debate ensues in light of the proposed "loss-and-damage mechanism," which will require developed countries to expand the coverage of their financial aid to developing countries that suffer the brunt of disasters caused by global warming.

Seen in this photo is UN secretary general Ban Ki-moon, at the United nations Climate Change Conference, currently being held at Warsaw, Poland.


Sa gitna ng mga sunud-sunod na kalamidad na nararanasan sa iba’t ibang parte ng mundo, sumentro ang usapan ng United Nations (UN) Climate Change Conference tungkol sa kakulangan ng pinansiyal na kapasidad ng developing countries na kaagad rumesponde sa panahon ng sakuna.

Ayon sa ulat ng International New York Times website ngayong araw, November 21, isa sa matinding debate ay kung dapat bang akuin ng developed countries ang pagbayad sa mga pinsalang matatamasa ng developing countries, sanhi ng mga matitinding sakuna na epekto ng global warming.

Ilan sa mga natukoy na epekto ng global warming ay ang pagtaas ng water levels sa karagatan, matitinding bagyo, at patuloy na tagtuyot.

Ang mga ito ay nararanasan na sa iba-ibang parte ng mundo.

Ang isyung ito, na tinaguriang “loss and damage,” ay tinatalakay kaugnay ng kasalukuyang negosasyon para sa mga karagdagang prohibisyon ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), na planong ipatupad sa nakatakdang global climate agreement sa 2015.

Umapela si Harjeet Singh, international coordinator para sa advocacy group na ActionAid, na dapat ay magkaroon ng bagong mekanismo ang UNFCCC, na siyang tutugon sa mga pinsala o “loss and damage”—tulad ng mga nasawing biktima, nasirang pag-aari, at nawalang kabuhayan—na natatamo ng developing countries sa panahon ng kalamidad.

Marami raw ang naghihirap na biktima ng mga sakunang dala ng climate change.

Aniya, “Talk to someone who’s just lost their livelihood two times in the last five years, lost their cow…

“There has to be a system in place to help that poor woman.”



REFUSAL TO PUT UP NEW MECHANISM. Ayon kay Mr. Singh, tutol ang developed countries sa suhestiyon na magkaroon ng “loss-and-damage mechanism” sa nakatakdang global climate agreement ng UN, kaya’t lumikha ng protesta ang grupo ng developing countries—na kinilala bilang Group of 77 at China.

Nag-walkout umano ang naturang grupo sa gitna ng nagaganap na conference, dahil sa kakulangan ng suporta ng mayayamang bansa sa hinihingi nilang financial calamity aid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na ulat ng New York Times website, takot ang developed nations sa “unlimited future liability” na maaaring idulot kapag sumang-ayon silang magkaroon ng bagong mekanismo, na ipapaloob sa nakatakdang global climate agreement ng mga bansang kasapi ng UNFCCC.

Noong nakaraang taon, sa naganap na UN Climate Change Conference sa Doha, Qatar, nauna nang napag-usapan ang tungkol sa pagbigay ng pondo ng developed countries para sa “loss and damage from climate change” na nararanasan ng developing countries sa panahon ng kalamidad.

Bantulot daw na pumayag ang developed countries sa naturang kasunduan noon.

Saad ni Alden Meyer, director of policy sa Union of Concerned Scientists, ukol dito: “This is the issue that almost crashed the Doha talks.

“And here we are going into the last days of Warsaw, and the small island states and the less-developed countries are seeing signs that they’re not going to come out of this with what was agreed last year.”

Pinabulaanan naman ng isang Western diplomat, na tumangging magpakilala, ang insidente kung saan nag-walkout umano ang isang grupo ng delegates, sa gitna ng ginaganap na conference.

Bagamat totoong may matinding pagtatalo kaugnay ng loss and damage issue, nagkataon lang daw na panandaliang tinapos ang session upang makapagpahinga ang delegates, bandang alas-kuwatro ng umaga, noong Miyerkules (November 20).

Samantala, nabanggit din sa ulat ng New York Times na sumidhi ang panawagan ng developing countries ukol sa “loss-and-damage mechanism,” dahil sa nasaksihang pinsalang natamo ng Pilipinas sanhi ng pananalasa ng bagyong Haiyan (international code name para sa bagyong Yolanda), noong November 8.

Ito ay sa kabila ng kaalamang taon ang bibilangin bago mapatunayan ng scientists kung talaga bang may kaugnayan ang global warming sa matinding puwersang dala ng bagyong Haiyan.



VARYING OPINIONS. Sa kabila ng hidwaan sa pagitan ng developed countries at developing countries, naniniwala ang ibang delegates ng UN Climate Change Conference na magiging maayos ang resulta ng debate tungkol sa “loss and damage” issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni U.S. climate delegate Todd Stern sa isang news conference: “I don’t see this negotiation blowing up. I think we will find a resolution.”

Ipinaliwanag din ni Mr. Stern na suportado ng Estados Unidos at iba pang developed countries ang ideya na isama ang loss and damage “broadly under the pillar of adaptation” sa nakatakdang global climate agreement.

Ibig sabihin, payag silang isama ito sa existing categories for aid na nakapaloob sa framework treaty.

Taliwas ito sa suhestiyon ng negotiators ng developing countries, na nagsasabing kinakailangan pang gumawa ng panibagong mekanismo para rito.

Hindi raw kasi sapat ang resources ng developing countries sa pagresponde sa mga kalamidad, na ayon sa mga scientists ay mas lalong titindi at dadalas sanhi ng global warming.

Kaugnay nito, nagbigay ng pahayag si Saleemul Huq, isang scientist at kumakatawan sa International Institute for Environment and Development, isang organisasyon sa London na sinusuportahan ang climate change at energy projects para sa mga less-developed countries.

Aniya, malaki ang posibilidad na hindi umubra ang kasunduan tungkol sa loss and damage, kung hindi papayag ang mayayamang bansa na magkaroon ng bagong mekanismo, na siyang tutugon sa hinihinging financial support ng mga naghihirap na bansa kapag panahon ng kalamidad.

“Unless a loss-and-damage mechanism is actually agreed, we don’t see how the negotiations can continue,” pahayag ni Huq.

Ang U.N. Climate Change Conference, na kasalukuyang ginaganap sa Warsaw, Poland, ay nagsimula noong November 11 at nakatakdang magtapos sa November 22.

Ayon naman sa press release ng United Nations Climate Change Secretariat noong November 14, na inilabas sa website ng UNFCCC, 49 na bansa ang nailathala ng UN na kasapi sa grupo ng least developed countries (LDC).

Narito ang tatlong criteria upang maituring na ang isang bansa ay LDC: low income, weak human assets, at high economic vulnerability.

Tatlumpu’t tatlo sa mga natukoy na LDC ay matatagpuan sa Africa, sampu sa Asya, isa sa Carribean, at lima sa Pacific.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan, 48 out of 49 identified LDCs ang kasapi sa United Nations Framework Convention on Climate Change.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN