Ariella Arida "answers" Top 5 questions in Miss Universe 2013

Nagbalik-tanaw si Ariella Arida sa ilang mahahalagang bahagi ng Miss Universe 2013, kung saan nagwagi siya bilang third runner-up. Kabilang na rito ang pagtapat ng kamera sa mga nakapasok sa Top 16 at ang mga tanong para sa Top 5 finalists.


May kumakalat ngayon sa social networking sites tungkol sa blog diumano ng isang kandidata ng Miss Universe na nagsisiwalat ng mga anomalya at sikreto sa sinasabing pinkaprestihiyosong international beauty pageant.

Nabanggit sa blog na binibigyan diumano ng special treatment ang ibang mga kandidata, partikular na sina Miss Venezuela, Miss USA, at Miss Philippines.

Ang naturang blog ay isinulat diumano ng kandidata ng Mauritius sa Miss Universe 2013 na si Diya Beeltah.

Ngunit pinabulaanan ni Diya, sa pamamagitan ng Facebook, na siya ang author ng kumakalat na blog.

Sa Facebook post ni Diya noong November 18, sinabi niya: “Some people are writing blogs on my name ,thats really bad! I promise that person he /she will be in GREAT TROUBLE!”

Noon ding araw na iyon ay nag-post naman ang kandidata ng Mauritius sa Miss Universe 2012 na si Ameeksha Devi Dilchand sa FB wall ni Diya.

Ayon kay Ameeksha: “Di, this morning Miss Indonesia sent me a message on my LINE app and she told me someone used my confidential report to write on a blog but signed with your name. I do not know who is doing this and who is trying to ruin our reputation - my case is worst. But I just had to let you know. I know you, You will never publish such stuff. on the other hand, big kisses and stay safe! X”

Read: Miss Mauritius 2013 denies posting "not very positive" report about Miss Universe 2013

ARIELLA’S TAKE. Ang isyung ito ang isa sa itinanong ni Boy Abunda kay Ariella Arida, ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2013, nang mag-guest ang huli sa "Ikaw Na" segment ng Bandila kagabi, November 20.

Mayroon nga bang ganitong mga pangyayari sa Miss Universe?

Sagot ng Miss Universe 2013 3rd runner-up, “Paano ba? Kasi po yung sa amin, iba yung make-up room sa dressing room po namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ikaw mismo yung pupunta para magpa-makeup.

“Ako po, never akong nagpunta, kasi ako yung gumagawa ng sarili kong makeup.”

So, hindi totoo na binigyan siya ng special attention?

“I did one time na nagpa-makeup ako, kasi kailangan for the shoot, kasi may peg, may theme.

“Kasi naging ka-close ko yung make-up artist, e, saka yung hairstylist.

“Klinose ko po talaga tapos nagpi-picture-picture pa ako.

“So, feeling ko dapat i-close mo rin [yung make-up artist at hairstylist].”



REMINISCING THE TOP 16. Nagbalik-tanaw rin sina Boy at Ariella sa tagpong ina-announce na ang Top 16 sa Miss Universe 2013.

Top 15 na pero hindi pa natatawag si Ara. Ano ang iniisip niya noon?

“Ano lang po, camera lang po talaga yung iniisip ko na sana tumapat sa akin.”

Nasabi ni Ara kay Boy na pakiramdam niya ay malakas na kaagaw niya sa huling spot sa semifinals ang mga kinatawan ng Russia at Poland.

May pagdududa ba siya na baka lampasan siya ng camera?

Sagot ni Ariella, “Ayun din ang nasa isip ko, since nandiyan pa yung Russia, homecourt yun, di ba po?

“Tapos, Poland, sobrang ganda niya. So yun ang naisip ko.

“Pero sabi ko, ‘Hindi, itapat niyo sa akin yung camera, sa akin niyo itapat.’

“Si Poland po kasi, medyo doon siya sa pinaka-side nakapuwesto, si Russia dito sa may harap ko.

“Yung camera nandito, so sabi ko, medyo malapit sa akin.

“Hinintay ko po talagang tumapat sa akin.”

Kaya ganun na lang daw ang tuwa ni Ariella nang tumapat nga ang camera sa kanya, at tawagin ang "Philippines."

“Thankful talaga ako… sa boto talaga ng lahat ng mga Pinoy, nagpapasalamat po ako.”

Si Ara ang nanalo sa online voting kaya automatic ang pagkapasok niya sa Top 16.



TOP 5 QUESTIONS. Ayon kay Boy, sinabi sa kanya ni Ara na habang tinatanong ang iba pang Top 5 finalists sa final question ay sinasagot din ito ng Pinay beauty queen sa kanyang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya muling tinanong ni Boy kay Ara ang mga ito.

Tanong kay Miss Brazil (4th runner-up): What is your opinion about places that do not allow women to vote or drive cars?

Sagot dito ni Ariella: “For me kasi, each country has its own law. So, for me, I have to respect the law of each country.

“But at the same time, I do hope that in the future they will consider this opportunity for the women so they can see the effect.

“But still, for me, I do respect the law of each country.”

Ang tanong naman kay Miss Ecuador (2nd runner-up): What would happen to the world if we can no longer use the Internet?

Sagot ni Ariella: “I would like to say that if there is no Internet, I wouldn’t be in the semifinalists. But no, I’m just kidding! [laughs]

“But in reality, if I would turn back [time] during my grade school days, I have no cell phone, I have no computer, but still I’m enjoying my life.

“I don’t think that I wouldn’t be happy if there’s no Internet right now.

“So, what’s important is that I’m happy, I’m enjoying my life.”

Tanong kay Miss Spain (1st runner-up): What is the most significant thing we can do to help elect women to political offices around the world?

Tugon ni Ariella: “I know that’s hard. But I think my answer to that is… that’s why I’m here in front of everyone for them to see that women are really able… are really capable to lead or to influence people and through that maybe they can also see that we can lead the country.”

Ang tanong naman kay Miss Venezuela, ang kinoronahang Miss Universe 2013: What is your biggest fear and how do you plan to overcome it?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot dito ni Ariella: “My biggest fear is disappointment.

“And that is why I see to it that in my everyday life, in everything that I do, I see to it that I’m doing my hundred percent best, so that I may not win or I may fail, but at the end of the day, I know that I did my best and I won’t regret.”

Sa mismong pageant ay ito ang tanong kay Ariella: "What can be done about the lack of jobs for young people starting their careers around the world?"

Sagot niya dito: "For the people who have lack of jobs, I do believe that we people should invest in education—and that is my primary advocacy—because if every one of us is educated, and we’re well aware of what we are doing, we could land into jobs and could land good careers in the future. So, education is a primary source and it is a ticket for a better future."



GOD’S WILL. Samantala, naniniwala si Ariella na ibinigay ng Diyos ang third runner-up finish niya sa Miss Universe 2013 upang makabalik agad siya sa bansa at makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Saad niya, “Ngayon po talaga, napi-feel ko po talaga yung purpose ko.

“Not just about being beautiful or, you know, all the glitz and the glam, but yung you’re ready to serve the country.

“Doon ko po talaga na-feel na… after winning, doon ko na-feel na siguro kaya ibinigay ni God na third runner-up ako, para makabalik ako sa bayan ko, and then ready to serve, ready to help.

“Kung anuman po ang puwede kong itulong sa lahat gagawin ko.”

Masaya naman daw si Ara na sa Bandila niya sinalubong ang kanyang ika-25 kaarawan noong Nobyembre 20.

Ano ang birthday wish niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My birthday wish… just be happy po talaga and sa family ko rin. Basta maging masaya po lahat.”



ERVIC VIJANDRE. Hindi rin nakaiwas si Ara sa pagtatanong ni Boy tungkol sa rumored boyfriend niyang si Ervic Vijandre.

Binasa ni Boy ang ilang quotes mula kay Ervic na puring-puri si Ara dahil sa kagandahan nito at kabutihan ng puso.

Proud din daw ang aktor sa na-achieve ni Ara.

Pero sa isang quote, sinabi ni Ervic na hindi ito nag-e-expect ng pasalubong mula sa Russia dahil “kuripot” daw si Ara.

Ano ang nais niyang sabihin kay Ervic?

“Kuripot ba ako?” sabay tawa ni Ara.

“Ano lang po, thank you. Thank you kasi ano siya, parang supportive siya from the start until now.”

Is he the one?

“Ay, hindi ko alam. May ganun agad? Hindi ko alam,” sagot ng Pinay beauty queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN