Ryan Agoncillo on rumors linking him to other women: “Ang tsismis para sa ibang tao, hindi para sa akin.”

Ryan Agoncillo on avoiding temptations: “I don’t know, one look at my wife and that’s good. Makakita ka ng magandang babae sa daan, pag-uwi ko, mas maganda yung akin.”


Masuwerte si Ryan Agoncillo na bagamat aktibo siya sa kanyang showbiz career ay nagagampanan niyang mabuti ang kanyang papel bilang asawa at padre de pamilya.

Sa katunayan, sumisigla pa lalo si Ryan kapag napapag-usapan ang kanyang family life.

Ayon sa mister ni Judy Ann Santos, may konting pagseselos at tampo raw ang nine-year old na panganay nilang si Yohan sa bunsong kapatid na si Lucho.

Pero naiintindihan naman daw nito ang situwasyon na "Ate" na siya.

Si Lucho, na tatlong taon lamang, ay natanong na nina Ryan at Judy Ann kung gusto niyang maging "Kuya."

“Ang sabi niya, ‘Oo.’ Pero three years old siya, so hindi ko alam kung naiintindihan niya ang konsepto. Sabi niya, he wants a baby brother.

“Kami rin, we want to know ourselves more as a family—tingnan natin kung in the near future, biyayaan pa tayo ng isang baby, okay naman.

“Hindi rin natin pinipigilan ang sarili natin,” pag-amin ni Ryan.


RUMORS. Sa kabila nang maayos na marriage life nila ni Juday, nandiyan pa rin na nali-link si Ryan sa ibang babae. Ano ang reaksiyon niya rito?

Sagot niya, “Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.

“Pero sa ngayon, sabi nila, maganda yung napag-uusapan dahil kung hindi ka napag-uusapan, hindi ka napagtsi-tsismisan, doon ka magtaka.

“So, ganoon na lang ang reaksiyon ko.

“Pero kasi, hindi naman kami apektado sa bahay. So, para sa akin ang tsismis, para sa ibang tao, hindi para sa akin.”

Naa-attract pa rin ba siya sa ibang babae?

“Definitely,” nakangiting pag-amin niya.

“Hindi naman ako magsisinungaling—kasal ako, hindi ako bulag,” natawang dugtong pa niya.


TEAMWORK. Paano niya napaglalabanan ang mga temptasyon?

Pagmamalaki niya, “I don’t know, one look at my wife and that’s good.

“Makakita ka ng magandang babae sa daan, pag-uwi ko, mas maganda yung akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa rami ng billboards ni Juday, sa rami ng mukha ni Juday sa daan na nakikita ko, kapag nagtatrabaho ako…

“Yung commercials niya ang nakikita ko kapag commercial breaks, parang palaging may reminder, e.”

Ano ang sikreto ng magandang buhay mag-asawa nila ni Juday?

Saad niya, “It’s an effort, it’s really a team effort.

“Of course, it’s not all rosy. I’m not gonna pretend it’s perfect.

“But I’m happy that whatever’s there, anuman ang kakulangan ko, nandiyan ang wife ko na magpuna.

“And then, siya rin, ready rin naman akong punuan ang mga pagkukulang niya.

“Kaya nga maingat kami sa oras, kasi ano kami, tag team kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN