Philippine climate representative Yeb Saño continues “voluntary fasting”

When asked about his “voluntary fasting,” Philippine climate representative Nadarev “Yeb” Saño told Democracy Now, “It is of course in solidarity with the Filipinos right now who are struggling to find food in the wake of super typhoon Haiyan, and also meant as a means to rally support for climate action here in Warsaw.”

Saño’s family


Patuloy pa rin ang pag-aayuno na idineklara ni Philippine climate representative Nadarev “Yeb” Saño sa kanyang talumpati sa United Nations Climate Change Conference, o mas kilala bilang COP 19, noong November 10, sa Warsaw, Poland.

Ang nasabing pagpupulong ay bahagi ng 19th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Matatandaang naging emosyunal si Saño nang banggitin niya sa kanyang talumpati na ang Pilipinas ay biktima ng tumitinding global warming sa buong mundo.

Ang kanyang talumpati sa nasabing conference ay ginanap dalawang araw matapos manalasa ng super typhoon Yolanda (na may international name na Haiyan) sa ilang probinsiya sa Visayas region.

Mangiyak-ngiyak na lahad ni Saño: “What my country is going through as a result of this extreme climate event is madness.

“The climate crisis is madness.

“Mr. President, we can stop this madness right here in Warsaw.

“We cannot sit and stay helpless staring at this international climate stalemate.

“It is now time to raise ambition and take action.

“We need an emergency climate pathway.”

Binanggit din ni Saño na habang siya ay nasa COP19, naging biktima naman ang kanyang pamilya sa Pilipinas ng bagyong Yolanda.

Sinabi rin niya na noong araw na iyon ay wala pa siyang naririnig mula sa mga kamag-anak niya, maliban sa kanyang kapatid na halos tatlong araw na raw hindi kumakain.

Dahil dito, nagdesisyon si Saño na magsagawa ng "voluntary fasting for the climate."

Saad pa niya, “This means I will refrain from eating food during this COP until a meaningful outcome is in sight, until concrete pledges have been made to ensure mobilization of resources for the green climate fund.”



BOSS DISAPPROVES. Habang ang ilang mga Pilipino at iba’t ibang bansa ay humanga sa paninindigan ni Saño, tila nadismaya ang mas nakatataas sa kanya, si Climate Change Commission Chair and Secretary Lucille Sering.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong Martes, November 19, hindi raw naging maganda ang pagtanggap ni Sering sa naging asal ni Saño sa kanyang talumpati.

Sa e-mail na nakuha ng daily broadsheet, na ipinadala raw ni Sering kay Saño noong November 13, sinabi ni Sering na: “I hope you know what you are doing.

“I am, however, disappointed that you did not heed my request [for you] not to cry.

“I made this request a day before the opening.

“I believe you said yes.

“Kung hindi mo pala kayang di umiyak, sana hindi ka na nagsalita."

Ipinaalam din ni Sering na ipinag-utos kamakailan ni President Noynoy Aquino sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sinuman sa kanila ang haharap sa media, “must show a picture of strength to calm fears.”

Ang NDRRMC ang isa sa mga grupong tumitingin sa sitwasyon ng mga lugar na naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Bukod sa pag-iyak ni Saño, hindi rin pabor si Sering sa desisyon nitong mag-ayuno.

Katuwiran ni Sering, “I don’t mean to be insensitive but declarations like that [have their] proper place.

"We do not blackmail people to give in to our demands [especially] when you are negotiating.

“Please do not use the UNFCCC as your personal platform. May ibang lugar para diyan.

“I am not sure this is wise.

“As you go down the stretch of the negos, you need all the strength to get by.

“Hence, I would like to prevail on you to reconsider, otherwise I’ll have to make arrangements for you to go home.”

Nilinaw rin ni Sering sa isang text message na bagamat hindi siya sang-ayon sa ginawang hunger strike ni Saño, naniniwala naman siya sa adhikain nito.

Sabi pa ni Sering, “He did not inform anyone of his intention to go on hunger strike.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PHL CLIMATE REP EXPLAINS. Sa ika-siyam na araw ng kanyang pag-aayuno, November 19, nakapanayam ng “daily independent global new hour” na Democracy Now si Saño.



Dito, muling ipinaliwanag ni Saño ang “voluntary fasting” na kanyang isinasagawa.

Aniya, “It is of course in solidarity with the Filipinos right now who are struggling to find food in the wake of super typhoon Haiyan, and also meant as a means to rally support for climate action here in Warsaw.

“We have stated in the opening of this meeting that we will continue to fast until we see a meaningful outcome here in Warsaw.

“And we made specific reference to certain items on the agenda here, including, which is something that’s very obvious for the Philippines, an international mechanism for losses and damages as a result of climate change.”

Ang tinutukoy ni Saño na “loss and damage” ay ang mga nararanasan ng developing counries, tulad ng Pilipinas, na matitinding pinsala sanhi ng epekto ng global warming.

Sinasabing ang First World countries ang pinakamatindi at pinakamalaking kumunsumo ng energy sa mundo, na siya ring nagiging dahilan ng pagsira sa natural na kaayusan ng klima ng planeta.

Kabilang sa mga epektong ito ay ang pagtaas ng water levels sa karagatan, matitinding bagyo, at patuloy na tagtuyot—na isinasailalim sa tinatawag na global warming.

Ang isyung ito ay nagdulot ng matinding pagtatalo sa pagpapatuloy ng COP19 noong Miyerkules, November 20.

Read: Developing nations fight for “loss and damage” calamity aid at United Nations Climate Change Conference

Sa panayam naman kay Saño ng Democracy Now, iginiit niya ang panawagan para sa pagbibigay ng tulong pinansiyal ng developed countries sa developing countries, para sa “loss and damage” na mararanasan nila na dulot ng climate change.

Katulad ng nangyari sa huling pagpupulong sa COP19, aminado si Saño na "developed countries probably fear a discussion on liabilities."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “But that is always a difficult discussion because we probably virtually have no way of assigning liability from specific losses to certain countries.

"That is always difficult.

“Even in the context of providing financial support, that has always been a difficult thing to address here, because there is no way of knowing how the burden will be shared among countries that have spewed greenhouse gases into the atmosphere.

“So that is probably the fear of developed countries when it comes to a discussion of compensation.”

Sa ngayon ay wala pa ring malinaw na kasunduan para magkaroon ng panibagong “loss-and-damage mechanism” na magtutukoy ng karadagang pinansiyal, na kailangang ibigay ng developed countries sa developing countries na madalas na nakararanas ng epekto ng global warming.

Ang United Nations (UN) Climate Change Conference ay nakataktadang magtapos sa Biyernes, November 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN