Alessandra de Rossi explains "walkout issue" at Cinema One Originals awards night

"Na-shock" si Alessandra de Rossi nang malaman niyang silang dalawa lang ni Angelica Panganiban ang mga nominadong Best Actress sa nakaraang Cinema One Originals Awards Night. Sabi ni Alex, "Natawa lang ako dun sa konsepto na dalawa lang kayong magkalaban, tapos isa lang yung talo."


May isyung pinag-usapan tungkol kay Alessandra de Rossi matapos ang awarding ceremonies ng Cinema One Originals Filmfest, na ginanap noong Sabado, November 16, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ang isyu diumano ay ang pagwu-walkout ni Alex (palayaw ni Alessandra) matapos tawagin ang nanalong Best Actress ng Cinema One-Plus category—si Angelica Panganiban, para sa indie film na Alamat Ni China Doll.

Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Si Alessandra ay nominated para sa Woman of the Ruins ni Keith Sicat.

Bukod sa walkout issue, naringgan pa diumano si Alex ng pagsasabing "It’s unfair!" patungkol sa naging resulta ng judging.

ALEX EXPLAINS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex matapos ang special screening ng Death March, bilang guest entry, sa Cinema One Originals Filmfest. Ang pelikula ay idinirek din ni Adolf Alix Jr.

Nang tanungin tungkol sa "isyu" sa kanya, ito ang sagot niya: "Na ano? Bakit?!"

Nagbigay-linaw ang premyadong aktres, na may halong pagtatawa sa kanyang pahayag, tungkol sa isyung pagwu-walkout diumano niya.

"Dysuko, ’Day! Actually, nagkakatawanan kami, kasi dalawa lang yung nominees!

"Alam ko naman na hindi ako mananalo, e.

"Alam ko naman ’yon. Alam ko talaga.

"[Pero] parang natawa ako na dalawa lang kaming nominees, tapos biglang..."

Nang i-announce na nga raw ang pangalan ng Best Actress winner, naringgan daw si Alex na nagsabing: "Ay, mag-isa lang akong talo? Ba’t ganun? Wala man lang akong kasamang loser?’"

Sabi naman ni Alex sa PEP. "Nagtatawanan lang kami.

"Pero para seryosohin siya? I don’t think kaya kong... hindi yata ako pinalaking ganun."

GOOD WORDS. Alessandra also pointed out that she has nothing against Angelica’s winning the award over her.

Pero hindi niya raw napanood ang pelikula ni Angelica na Alamat Ni China Doll.


Sabi pa ni Alex, "Magaling naman si Angelica. So, wala namang issue talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natawa lang ako dun sa konsepto na dalawa lang kayong magkalaban, tapos isa lang yung talo.

"Parang... it’s okay [for] myself. Yun lang."

Hindi rin daw nagkaroon ng pagkakataon si Alex na ma-congratulate nang personal ang naging katunggali niyang aktres.

"Hindi ko na siya nakita kasi, e. Hinatak na ako palabas. Tawa nga ako nang tawa.

"Si Meryll [Soriano] ang kasama ko... at saka hindi naman ako naupo buong time sa theater.

"Bilang presenter ako, nasa likod lang kami.

"So nung i-announce yung winner, nakatayo ako sa door mismo. Ganun lang.

"Hindi naman ako nakaupo ever so walang reason para tumayo ako at umalis."

Bukod dito, sinabi rin ni Alex na hindi siya kinabahan.

"Hindi. Dahil alam ko talaga—as in one hundred percent—alam kong hindi ako!

"Ang hindi ko alam, na dalawa lang kaming [nominated]... dun ako na-shock!"

Naisip pa nga raw niya that time: "Ow? Give me a chance naman... hindi niyo pa binigyan ng special award... aping-api naman ako dun sa shortlisted [nominees].

"Pero hindi talaga siya issue sa akin.

"At saka, hindi naman ako... never naman akong pumupunta [sa awards ceremonies] na nag-e-expect na manalo.

"Pumupunta ako to support our film.

"Yun lang ang dahilan kung bakit ako nandoon. Siyempre, team din kami.

"Pero para... ’wag na kayong umasa diyan. Dyusko, ’Day!"

DEBUT AS MUSICAL SCORER. Sa kabilang banda, naging masaya naman si Alessandra sa naging resulta ng Death March sa Philippine premiere nito noong gabi ng November 19, sa Trinoma Mall Cinema 1.

Sa Death March ay nabigyang-kredito si Alex sa musical scoring ng pelikula.

Pinuri si Alex sa mahusay na pagkakalapat ng musika ng pelikula.

Sabi nga, mayroon na siyang "bagong career" bukod sa pagiging artista.

"Thank you," nakangiting sambit ng aktres.

"Well, actually, parang hindi naman... Ano lang siya, ginagawa mo lang pagka bored ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Since gumawa ako ng album last year, yung co-producer ko, apat kami, we decided, ’Gawa tayo ng scoring team!’

"Tapos, nagbibiro ako kay Direk Adolf nung ginagawa namin yung Mater Dolorosa [2012], ’Ako na mag-i-scoring nito, ha?"

Sagot daw ng direktor: "Gusto mo, sa iyo na yung Death March..."

Sabi ni Alex, "Seryoso pala siya.

"Okay din, dahil since napaka-experimental ng film, meron kaming space para maging experimental din.

"Yun ang nangyari. Puwede akong maglaro..."

Tuluy-tuloy na ba ang pagiging musical scorer niya?

"E, kung may kukuha naman sa akin, bakit naman hindi?

"Masaya siyang gawin. Isang bagay na masaya ako na ginagawa siya.

"Kasi walang nag-uutos sa akin, kung anong gagawin ko, e, di ba?"

May plano rin daw si Alessandra na mag-produce ng sariling indie film.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN