Yasmien Kurdi postpones contract signing with GMA for next year; wants to reunite with former screen partner Rainier Castillo

Bukod sa gusto niyang maging maganda ang simula ng kanyang bagong taon, nakiusap si Yasmien Kurdi na ipagpaliban sa 2014 ang kanyang pagpirma muli ng kontrata sa GMA dahil na rin sa nangyaring trahedya sa Visayas. Sabi niya, “With what’s happening in Visayas, magsasaya tayo ngayon, parang maging sensitive naman tayo.”


Balik-lead role si Yasmien Kurdi sa upcoming GMA primetime series na Rhodora X.

Makakasama niya rito ang mga ka-batch niya sa StarStruck na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, at ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Matatandaang may panahong nawala sa sirkulasyon si Yasmien dahil sa desisyon niyang bumalik sa pag-aaral hanggang sa nag-asawa siya.

Ang huling lead-starrer ni Yasmien ay ang SRO Cinemaserye na Suspetsa, noon pang 2009.

Panaka-naka ay nabibigyan pa rin ng acting assignments si Yasmien, ngunit puro ito supporting roles—Grazilda (2010), Amaya (2011), at ang pinakahuli ay ang Anna KareNina (2013).

Nagpapasalamat si Yasmien sa GMA Network executives sa muling pagtitiwala sa kanya.

“I’m happy,” sambit niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“I’m very thankful to GMA, to all my bosses for giving me another chance…

"For trusting me sa mga kakayahan ko and believing in my talent.

"And thankful ako kina Ma’am Lilybeth Rasonable, kina Sir [Gilberto] Duavit, Ms. Gigi [Santiago-Lara], Ma’am [Redgie] Magno... lahat sila that talked to me.

"And mas naging open ako sa kanila ngayon."



NEW BEGINNINGS. Bukod dito, pipirma nang muli ng kontrata si Yasmien bilang isang Kapuso.

“I’ll be signing a contract this January.

“Dapat kasi ngayong November, but because of what happened to [typhoon] Yolanda…

“Nakiusap ako kina Ma’am Gigi at kina Ma’am Lilybeth na kung puwede, January na lang.”

Ano ang naging koneksiyon ng bagyong Yolanda sa pagpirma niya sana ng kontrata?

“Kasi, it’s New Year, it’s a new beginning, and it’s my birthday—siyempre suwerte yun."

Sa January 25, 2014 magdiriwang ng kanyang 25th birthday si Yasmien.

Patuloy niya, “Kasi new year, bagong project, bagong contract, bago lahat.

“Unlike if end of the year mag-i-start, parang awkward.

“With what’s happening in Visayas, magsasaya tayo ngayon, parang maging sensitive naman tayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang naging epekto sa kanya ng nangyaring bagyo?

“Siyempre, sad ako.

“Noong napanood ko yung mga news, nakita ko minsan, mga bata, maliliit ang mga paa.

“Nakita ko doon na, siyempre, iisipin mo, paano kung anak mo yun?

“Paano kung ikaw ang nawalan ng family and everyone? Hindi ka ba nun mababaliw?

“I think, yung kailangan ng mga tao doon ngayon, mga spiritual advises, emotionally...

“Kasi, they are suffering from emotional crisis. More on physical, emotional, e.

"Ang physical, nasugatan ka, okay ka lang, e.

“Pero yung emotional, na nawalan ka ng mahal sa buhay, ang hirap nun, nakakabuwang.”

Wala man daw siyang mga kamag-anak na nasalanta ng bagyo, "Pero I’m really sad for what’s happening.”



STARSTRUCK REUNION. Sa kabilang banda, masaya si Yasmien dahil magkakasama silang muli nina Jennylyn at Mark sa Rhodora X.

Magkaka-batch ang tatlo sa reality-based artista search ng GMA na StarStruck (2003).

Sina Jennylyn at Mark ang naging Ultimate Survivors, habang si Yasmien naman ang First Princess o runner-up.

Kulang na lang si Rainier Castillo (First Prince), at kumpleto na silang Final Four ng StarStruck noon.

May balita ba si Yasmien tungkol kay Rainier, na dati rin niyang ka-loveteam?

Sabi ni Yasmien, “Alam ninyo po, si Rainier, wala siyang kontrata sa Singko [TV5].

“Sayang, sana bumalik siya ulit dito sa Seven [GMA].

“Si Jennylyn nga po, in-open up pa sa storycon.

“Sinabi niya na si Rainier, wala pong kontrata sa Singko.

"E, si Rainier kasi yung tipo na hindi siya nagsasalita.”

Mukhang hindi yata naging maganda ang pag-alis ni Rainier noon sa GMA?

“Lahat naman po naaayos, lahat naman napag-uusapan, di ba?” sagot ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN