Enzo Pineda dreams of becoming a Hollywood actor; has no qualms about gay roles

Enzo Pineda on Dingdong Dantes: “Before pa, idol ko na si Kuya Dong, even before pa na hindi pa ako artista, because I see him not just as an artist but he also helps out.”


Halos lahat ng artista, baguhan man o beterano, ay may iniidolo, na kadalasan ay sinusundan nila ang mga yapak.

Ganito ang saloobin ni Enzo Pineda na gusto ring masundan ang tinatahak ng iniidolo niyang si Dingdong Dantes.

“Siguro ang idol ko in Philippine show business is Dingdong Dantes,” pag-amin ni Enzo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Before pa, idol ko na si Kuya Dong, even before pa na hindi pa ako artista, because I see him not just as an artist but he also helps out.

Si Dingdong ang tinatawag ngayong Primetime King ng GMA Network, ang tronong dating hawak ni Richard Gutierrez.


QUALITIES. Inisa-isa ni Enzo kung bakit niya gustong masundan ang mga nagawa at ginagawa ni Dingdong.

Saad niya, “He has his own foundation [Yes Pinoy Foundation] and may sarili siyang business... I want to be somebody like him someday.

“Na, alam mo yun? Seryoso sa trabaho and everything.

"He helps out. Hindi lang sa pamilya, kumbaga, sa maraming tao, sa community, parang good role model talaga.

“Tapos ngayon, every year, he keeps on improving, lalo na sa acting niya simula noong nag-boom sila ni Ate Marian [Rivera] sa Marimar and everything.

“Tapos ngayon, back-to-back award-winning actor na siya, ang dami niyang movies, so gusto ko yung career path niya.”


SELF-CONTROL. Patuloy pang nagkuwento si Enzo sa PEP noong taping ng ginagawa niyang serye na Dormitoryo ng GMA.

Dito sa Dormitoryo, magaganda ang mga kasama niyang artistang babae tulad nina Lauren Young, Joyce Ching at Winwyn Marquez.

Tinanong ng PEP kung paano nagagawa ni Enzo na hindi magkagusto sa kasama niyang female co-stars.

Sagot niya, “Siguro, there has to be like a line between, like being close and naa-attract o nate-tempt ka na manligaw or something.

“Pero honestly kasi, with Winwyn, Joyce and Lauren...

“Talagang kailangang maghanap ako ng something na maa-appreciate ko sa kanila or maa-attract ako, kasi iyon yung character ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kay Lauren, para sa akin, given na maganda siya, she’s very sweet, mahilig siya makipag-usap nang seryoso.

“I mean about life, malalim siyang makipag-usap, and she knows how to be funny, mahilig mang-asar, so madami.

“Kay Winwyn naman, Winwyn is very sweet, matagal na kaming magkakilala ni Winwyn, e.

“So parang, alam mo yung sister ko na rin siya, at the same time marami na kaming napagdaanan.

“I mean may mga problema din ako dati na na-open up ko sa kanya, tinulungan niya ako.

“Tapos we always go out, mga barkada, so marami na kaming memories na na-share, na pinagsamahan.

“With Joyce naman, honestly, ngayon ko lang nakatrabaho si Joyce, pero magaling siyang ano... for me Joyce is a good actress.

“Kasi minsan, talagang nadadala ako sa pag-akit niya. I mean when acting, magaling siya, magaling siya.

“So iyon yung isa sa mga reason kung bakit ako naa-attract kay Joyce during the scenes.

“But I don’t have to... pero minsan, hindi ko mapigilan. Alam mo yung gumagana na, so I have to control myself.”


PERSONAL CHOICE. Sa susunod niyang proyekto, kung siya ang tatanungin, ano ang pipiliin niyang papel?

Ayon kay Enzo, “Kasi yung image ko ngayon is kinda like parang jock, boy-next-door.”

Bukod pa pala kay Dingdong, mayroon ding iniidolo o role model si Enzo sa Hollywood.

Sabi niya, “Pero I always wanted to try something different, and kasi for me, idol ko si Robert Downey, Jr."

Bagamat nakilala ng isang bagong mass audience si Downey bilang Ironman, sa Ironman movie series, kilala rin ito bilang isa sa mga pinakama-talento at malalim na aktor na nagtratrabaho sa Hollywood ngayon.

“He’s older pero I like how he acts, sobrang cool lang.

“Yung mga roles niya, serious to comedy—he can shift emotions, he can do character work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katunayan nga, nakasulat sa profile niya sa Instagram na “Fan of Robert Downey, Jr.”

“So siguro, I wanted to try more on action or romcom [romantic-comedy] kasi tingin ko may funny bone ako sa personality ko.

“Pero hindi pa nata-tap iyon kasi, usually, makulit talaga ako, e.


DREAM ROLE. Ano naman ang dream role niya?

Ayon kay Enzo, “Pero siguro, dream role ko is to be a superhero—pero parang thinking big lang.

“Nakasulat pa nga sa profile ko na I want to be an actor in Hollywood, maybe someday, and be part of The Avengers.

“Medyo totoy ako, pero...”

Alin siya sa The Avengers, kung saka-sakali?

“Naghahanap nga ako ng Asian superhero, e. Meron ba?” at natawa si Enzo.

“Hinahanap ko nga, e, naghahanap ako ng peg sa sarili ko,” at muli siyang tumawa.

“Sabi ko, ‘Sino ba puwedeng makasingit dito para may superhero role ako?’

“So ayun, hopefully, di ba? Kasi I’ve done drama, maybe something romcom, or more rugged?

“Tipong makukulong ako, papakalbo ako, alam mo yung ganoon?”


GAY ROLES. Payag si Enzo na ma-deglamorize para sa isang project.

“Okay lang sa akin,” sabi niya.

Okay lang ba ang gay role?

“Okay lang,” walang pasubali niyang sagot.

“Para sa akin ayos lang, but I really need to think about it in terms of acting.

“Kailangan kong pag-aralan yun kasi medyo... hindi naman naiilang, ayoko lang magmukhang OA.

“Okay naman sa akin yun.”

Kung sakaling magkaroon ng sequel ang My Husband’s Lover na magbabalik-tanaw sa kabataan nina Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo), payag ba siyang ipareha kay Rocco Nacino?

“Okay lang, bestfriend ko naman si Rocco, e,” ang tumatawang reaksyon ni Enzo.

Hindi kaya sila magkaka-ilangan?

“Hindi! I mean pag nagwu-workshop kami, we’re trained to be partnered with guys also.

“I mean minsan, may mga workshops kami na you need to touch, feel, or smell your partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So hindi lang babae yung makaka-partner mo, lalaki din.

“So yung workshop na yun, at least magagamit ko, wala nang ilangan.

“Parang work is work naman, e. Parang iba naman yun, for me okay lang.

“I mean sa ibang bansa, like sa mga sa French people, iba yung way of pagkakaibigan ng mga lalaki doon.

“Meron pa nga sa mga Mafia, mga Mafia nagbebeso-beso.

“So ako, open naman ako sa mga bagay na ganoon,” sabi ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN