Regine Velasquez on PNoy: "I know that he’s a good man. Pero siguro, marami pa siyang kailangang patunayan sa mga Pilipino."

Regine Velasquez speaks up about Yolanda-aftermath issues involving President Benigno Aquino. She also shares details about her fundraising activities for typhoon victims in Central Visayas.


Isa si Regine Velasquez sa mga artistang nagsagawa ng iba’t ibang fundraising activities, upang makalikom ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Isang araw matapos manalasa ang bagyong Yolanda sa Central Visayas, kaagad na nanawagan ang Asia’s Songbird sa kanyang Instagram at Twitter followers na maghatid ng tulong, kahit na simpleng dasal, para sa mga nasalanta ng bagyo.

Pinangunahan din niya ang paglunsad ng charity auction, kung saan ibinahagi niya ang sarili niyang kagamitan, tulad ng Hermes Kelly bag, Bvlgari watch, Gucci high heels, at designer gowns.

“Ang dami nilang nagbi-bid, ang daming gustong tumulong.

“Kaya naman namin ito ginagawa ay to encourage other people to help out.

“Kasi hindi lang naman ito basta tungkol sa pag-donate ng money.

“These things that I am auctioning are personal stuff na may sentimental value—yung iba, hindi mo mababayaran ng pera.

“Right now, maganda naman ang response ng tao,” masayang kwento ni Regine.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Regine sa press conference para sa bago niyang album, ang Hulog Ka Ng Langit, noong November 19.

Ibinalita rin ng 43-year-old singer/actress na bahagi ng kikitain ng naturang album ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

“The album is very inspirational. I am also thankful to Universal Records for donating part of the proceeds to the victims of Yolanda, through Philippine Red Cross.

“Aside from that, my husband [Ogie Alcasid] and I recorded a song, ‘The Lord is my Savior,’ very timely sa ngayon.

“Ma-da-download ni’yo po yun sa iTunes at 100 percent ng sales mapupunta sa typhoon victims.”

“NOT MY JOB TO DEFEND PNOY.” Sa panayam ng press kay Regine, hiningan ang singer/actress ng reaksyon kaugnay ng natatanggap na pambabatikos ni President Benigno “Noynoy” Aquino III, dahil sa kakulangan ng aksyon ng administrasyon noong mga unang araw matapos ng bagyong Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napulaan si PNoy dahil sa mabagal na pag-usad ng relief at rehabilitation efforts sa mga nasalantang lugar sa Central Visayas.

Sabi ni Regine ukol dito, “Normal na ma-criticize ang government. That’s part of the job nung nag-sign up sila sa job na ito.

“Ikri-criticize at ikri-criticize talaga sila. Kung may pagkukulang, may pagkukulang naman talaga.”

Matatandaang isa ang Asia’s Songbird sa mga celebrity endorsers na sumuporta kay PNoy noong nangangampanya ang huli bilang presidential candidate noong 2010 elections.

Ngunit iginiit ng Regine na hindi ibig sabihin ay bulag siya sa mga pagkukulang ni PNoy bilang public servant.

“It’s up to them. Hindi ko job na ipagtanggol sila.

“Ipagtanggol nila ang sarili nila at ipakita nila na meron silang nagawa.

“Sumuporta ako kay PNoy because I believed in him. I believe that he’s an honest man.

“Presidentiable talaga siya. Pero sa ngayon, natapos na yung job ko.”

Ngayon ba ay naniniwala pa rin siya sa kakayahan ni PNoy bilang pinuno?

Sagot ni Regine, “As a person, I still do believe in him. I know that he’s an honest person. I know that he’s a good man.

“Pero siguro, marami pa siyang kailangang patunayan sa mga Pilipino.

“Hanggang dun na lang yun. Like I said, it’s not part of my job na ipagtanggol siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.”

Nang usisain pa si Regine kung kuntento siya sa ginagawang effort ni PNoy kaugnay ng relief at rehabilitation operations sa Central Visayas, iginiit ng Asia’s Songbird na may mga mas mahalagang bagay kaysa sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng pangulo.

“Lahat tayo, may reklamo tayo. Maski ako, I have my own complaints. I get very frustrated.

“But right now, that will not help anymore. Kahit sino namang nakaupo diyan, lagi naman tayong hindi nakukuntento, lalo na ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sa akin, mas importante siguro to just be grateful. Madaming tumutulong sa atin.

“Kung meron tayong ine-expect na ginagawa ng gobyerno at hindi nila nagawa, huwag na muna natin isipin yun.”

Sa kabilang banda, naiintindihan daw ni Regine kung ano ang pinanggagalingan ng reklamo ng taong-bayan laban sa administrasyon ni PNoy.

“Trabaho naman talaga natin na pansinin kung meron silang hindi ginagawa. Tama yun na bantayan sila. I am all for that.

“Pero sa ngayon, isipin natin kung paano natin matutulungan ang mas nakakarami.

“Sa ngayon, walang maitutulong ang pagrereklamo.

“After, saka natin bugbugin ng bonggang-bongga,” pag-ulit niya.

KUDOS TO ANDERSON. Nagbigay-pugay naman si Regine sa batikang CNN news anchor na si Anderson Cooper, dahil sa kumpletong ulat nito tungkol sa pinsalang naidulot ng bagyong Yolanda sa Tacloban at mga karatig-probinsiya.

“I’ve always liked him even before. We should all be thankful.

“Although marami din ang nag-criticize sa kanya for supposedly reporting whatever.

“Pero siyempre, kasi siya as a reporter, alam niya yun. Ni-report niya kung anong nakita niya. So, yun lang ang trabaho niya.

“Naiyak nga ako sa video na ginawa niya, e. Nagte-thank you siya sa Philippines na, ‘You taught us how to live. You inspire us.’”

Ipinagpasalamat din ni Regine ang patuloy na pakikipagtulungan ng iba’t ibang bansa upang makabangon ang Pilipinas sa natamasang sakuna.

Sabi niya, “Siguro nga, kaya sa atin tumama ang bagyo dahil kaya natin.

“And minsan kasi, si God ina-allow niya yung mga ganitong sakuna dahil may gusto siyang ipakita sa buong mundo. May purpose yun.

“Nakita na natin ang purpose ni God. Forty countries are helping us, di ba? A lot of them are here—mga taga-States, Europeans—they’re all here helping.

“Kumbaga yung nangyari sa atin, ang liit-liit lang natin, pero pang buong-mundo [ang effect]. So, may purpose talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN