Former Governor Chavit Singson kills lion and antelope on his birthday; gets flak from netizens

Marami ang nadismaya sa larawang ito ni dating Governor Chavit Singson, kasama ang isang patay na leon, na kumakalat ngayon sa Internet. Ang leon ay binaril at napatay mismo ng dating governor ng Ilocos Sur sa kanyang hunting expedition sa Kalahari Desert noong Hunyo.


Kumakalat ngayon sa Internet ang mga larawan ni dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson kasama ang isang patay na leon at isang patay na antelope.

Ang leon at ang antelope ay binaril at napatay mismo ni Singson sa isang hunting expedition sa Kalahari Desert, sa southern Africa.

Ang Kalahari Desert ay may sukat na 900,000 square kilometers (350,000 square miles). Sakop nito ang halos buong Botswana, at ilang bahagi ng Namibia at South Africa.

Ayon sa report ng ABS-CBN News online ngayong araw, November 22, unang lumabas ang mga larawang ito sa website ng Philippine Times of Southern Nevada, noong June 23, 2013.

HUNTING EXPEDITION. May artikulo si Renato A. Avenido sa Philippine Times of Southern Nevada, na may titulong "Gov. Singson celebrates 2013 birthday, South Africa, Kalahari Desert."

Sinabi ditong napagdesisyunan ni Singson na ipagdiwang ang kanyang ika-72 kaarawan, noong June 21, 2013, sa kakaibang paraan.

"He went to the Kalahari Desert, a large semi-arid sandy savannah in southern Africa, together with friends, relatives and loved ones.

"Chavit went there to hunt wild animals, a sport requiring a license. He intently waited for his shooting license for about a year, just like all other hunters visiting the Kalahari.

"This is his other favorite sport, apart from boxing."

Sabi pa sa artikulo, "Hunting in the Kalahari Desert requires a hunting license that is not easily issued. A waiting time of at least one year is needed to be able to legally hunt in the desert.

"Lots of animals are present in the savannah for the hunting.

"...His hunting rifle took down a male lion and an antelope, highly valued targets. Needless to say, he couldn’t be happier.

"His feats were celebrated in his birthday bash in Spear Safari, also in the savannah.

"An image of his prized catch is printed onto his cake, making the celebration go down in history as one of the most memorable."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakalakip din sa artikulo ang gallery ng apat na larawan ni Singson na kuha mula sa kanyang hunting expedition.

Sa unang larawan ay makikita ang dating gobernador katabi ng isang malaking leon.

May caption itong: "THE KING HAS BEEN DETHRONED! – Gov. Luis “Chavit” Singson has made this wild lion bow down to him in perpetuity. Easily the biggest trophy on his birthday."

Sa pangalawang larawan ay kasama ni Chavit ang napatay niyang antelope.

Ang caption dito ay: "Another catch by the governor."

Sa ikatlong larawan ay hawak ni Singson ang isang birthday cake, kung saan naka-print ang larawan niya, kasama ng mga napatay niyang leon at antelope.

Ang ika-apat na larawan ay close-up shot ng cake.

May caption itong: "Chavit in his birthday bash, with his prized catch printed onto the cake. Photo 4 shows a close-up view of the cake."

FLAK FROM NETIZENS. Pagkatapos ng limang buwan, kumalat sa Internet ang mga larawang ito ni Singson.

Negatibo ang reaksiyon ng nakararami sa pagpatay ng wild animals ni Singson.

Sa Twitter, may nagsabing ang ginawa raw ni Singson ay "animal cruelty."

Ang ilan ay tinawag siyang "heartless."

Kilala si Singson sa pagkakaroon ng mga tigre at iba pang wild animals, na naka-hawla, sa kanyang mala-fortress na bahay sa Ilocos Sur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN