Marian Rivera refers to Dingdong Dantes as her "kabiyak" in a public speech

Marian Rivera on boyfriend Dingdong Dantes: "Bilang kanyang kabiyak, ay nakikita ko po ang kanyang pagmamalasakit at pagmamahal sa kanyang kapwa, higit lalo po sa Yes Pinoy Foundation niya, na talagang ipinagmamalaki ko po siya.’


Kabilang ang magkasintahang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga personalidad na binigyan ng parangal sa 1st Gintong Palad Public Service Awards.

Ginanap ang awards night sa One Esplanade, Pasay City, noong Miyerkules, November 20.

Ang Gintong Palad Public Service Awards ay ipinamamahagi ng Movie Writers Welfare Foundation.

Ipinagkaloob ang parangal na ito sa mga indibidwal "with the purest of hearts and intentions and selfless reaching out to their fellowmen in the face of natural calamities and disasters such as the recent earthquakes and Super Typhoon Yolanda."

Bukod kina Marian at Dingdong, kabilang din sa mga pinarangalan mula sa mundo ng Entertainment sina Arnold Clavio, Ricky Reyes, Arnell Ignacio, Ara Mina, Isko Moreno, Diether Ocampo, Aga Muhlach, Robin Padilla, at Angel Locsin.

Sa mundo naman ng Politics ay kinilala sina Batangas Governor Vilma Santos at Quezon City Congressman Alfred Vargas.

Sa larangan naman ng Business ay pinarangalan sina Manny V. Pangilinan at Miguel Belmonte, habang sa kategoryang Institution naman napabilang sina Fr. Anton Pascual ng Caritas Manila at Boots Anson Roa ng Mowelfund.

Nasa kategoryang Networks naman sina Mel Tiangco (Kapuso Foundation), Gina Lopez (Bantay Bata Foundation), Menchie Silvestre (Alagang Kapatid Foundation), at Daniel Razon (Kamanggagawa Foundation).



PRICELESS. Bukod sa pagiging volunteer ng Red Cross, marami pang kawanggawang sinusuportahan ni Marian.

Kasama rin niya si Dingdong sa ilang charity events ng Philippine Red Cross, bukod pa sa sariling foundation ng aktor, ang YES Pinoy Foundation.

Sa speech ni Marian matapos matanggap ang kanyang plake, sinabi nitong “priceless” ang naturang award.

Saad niya, “Para po sa akin, ang may tunay na may ginintuang puso po, para sa akin po, priceless po yun.

“Bilang artista po, magiging makabuluhan lang po ang isang artista kapag nakaka-touch ka po ng iba’t ibang klaseng tao at minamahal ka nila bilang ikaw.”

Dagdag pa niya, “At nais ko pong ibahagi ang karangalang ito sa lahat po ng tumutulong sa kapwa nila, na walang hinihinging kapalit at lubos na nagmamahal at nagmamalasakit po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nakasama ni Marian si Dingdong sa awards night, dahil may prior commitment daw ang aktor.

Kaya si Marian na ang nagpaabot ng mensahe ng kasintahan sa nakuha rin nitong parangal.

Kinilig at nagsigawan naman ang audience nang tawagin ni Marian si Dingdong bilang kanyang “kabiyak.”

Pahayag ni Marian, “Sa ngalan po ng aking kabiyak, na si Dingdong Dantes, marami pong salamat.

“Dahil ako rin po, bilang kanyang kabiyak, ay nakikita ko po ang kanyang pagmamalasakit at pagmamahal sa kanyang kapwa, higit lalo po sa Yes Pinoy Foundation niya, na talagang ipinagmamalaki ko po siya.

“At kaya dahil sa pagmamalasakit at pagmamahal niyang tunay sa mga kapwa niya, lalo ko siyang minahal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN