Super typhoon Yolanda aftermath in NUMBERS

Very Pinoy, these survivors find the moment to smile after Yolanda destroyed their homes.

The number rises on the dead, injured, and otherwise affected by super typhoon Yolanda last November 8, 2013. At the same time, the number rises on the good-spirited citizens of the country and of the world who have shown great compassion and generosity during these times.

Says Weather Underground in particular about the island of Guian in Samar: "...t


Tinatayang ang bagyong Yolanda, na nanalasa sa Pilipinas noong November 8, 2013, ay nag-landfall nang may lakas ng hangin na 195 miles per hour at nagsanhi ng mga alon na may "maximum significant wave height" na 50 feet.

Ito ay ayon kay Jeff Masters—co-founder ng Weather Underground, isang commercial group na nagbibigay ng real-time weather information sa Internet—sa kanyang interbyu sa Reuters noong November 8.

Partikular sa Guiuan Island, Samar, naitala ng Weather Underground ang wind strength ng bagyo sa 165 mph over land.

Ibig sabihin nito, paliwanag ni Masters tungkol sa isla ng Guian: "...the wind damage there must have been catastrophic—perhaps the greatest wind damage any place on Earth has endured from a tropical cyclone in the past century."

Ayon sa The Washington Post: "[Haiyan is] strongest storm to ever make landfall anywhere in the world in modern records."

Halos dalawang linggo matapos nang pananalasa ng Haiyan/Yolanda sa Visayas region, lumabas ang bilang ng mga nasawi, nasira, at naapektuhan.

Kasabay nito ang pagdagsa rin ng halos hindi na mabilang na tulong mula dito sa bansa natin at mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Narito ang mga mahahalagang numerong may kinalaman sa bagyo.


HAIYAN AFTERMATH. Sa talang inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng Pilipinas kahapon, November 22, tinatayang 5,209 ang bilang na ng mga namatay, 1,611 ang nawawala, at 23,404 ang nasaktan.

Ito ay doble na sa bilang na ipinahayag ni Pangulong Benigno “Ninoy” Aquino III sa panayam nito sa CNN noong November 12, 2013.

Ayon pa sa NDRRMC, tinatayang dalawang milyong pamilya o halos 10 milyong katao ang nasalanta ng Yolanda, mula sa 100 milyong populasyon sa Pilipinas.

Tinatayang 44 probinsiya ang matinding naapektuhan at 10,716 villages/barangay ang nasalanta.

Aabot naman sa P12 bilyon ang halaga ng nasirang imprastruktura at nasirang mga pananim.

Ang bilang ng mga taong nawalan ng tahanan ay umaakyat na sa 1.9 milyon as of November 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aabot naman sa 56,000 katao ang nahaharap sa marumi at mapanganib na kondisyon sa Tacloban, Leyte, ayon sa isang United Nations humanitarian agency.

Sa datos naman na inilabas ng US-based organization na Save the Children, 4.6 milyon ang bilang ng mga batang apektado ng bagyo, as of November 21.

Kabilang dito ang mga batang personal na nasaksihan at nakaranas ng hirap sa kasagsagan at pagkatapos ng bagyo, at nangangailangan ng psychological at emotional help dahil sa pinagdaanan.

Anim na Briton ang nawawala at pinangangambahang nasawi dahil sa bagyo, ayon sa ulat ng www.express.uk, as of November 21. Kinumpirma ito ni British Foreign Secretary William Hague.

(British Foreign Secretary ang maiksing tawag sa Secretary of the State for Foreign and Commonweath Affairs ng United Kingdom.)

Limang Amerikano naman ang iniulat na namatay, samantalang 475 pang Amerikano ang na-locate na, ayon naman sa ulat ng www.world.time.com noong November 19, 2013.

Ang sabi ng International Labour Organisation, tinatayang limang milyong manggagawa ang nawalan ng kabuhayan, pansamantala at permanente.



OUTPOURING OF AID. Sa inilunsad na website ng gobyerno—na tinawag na Foreign Aid Transparency Hub o FAiTH, noong November 16, 2013—mayroon nang P14,985,032,535.20 (USD 343,626,700) pledges, as of 7 p.m., November 22.

Ang cash ay umaabot na sa P4,552,502,113.74 (USD 104,216,694), samantalang ang non-cash ay nagkakahalaga ng P10,432,530,421.46 (USD239,410,006).

Tinatayang higit sa 43 international donors ang nag-pledge ng kanilang assistance para sa relief at recovery operations.


P45 bilyon naman mula sa 2014 national budget ang ilalaan para sa reconstruction ng mga napinsalang lugar, ayon kay Budget Secretary Florencio Abad.

Dagdag pa ni Abad, kukunin ito mula sa P140 bilyon na nakalaan para sa “unprogrammed” funds.

Ang White House ng Estados Unidos ay naglaan ng P1.6 billion (USD 37 million) bilang humanitarian relief sa bansa.

Ang World Bank at Asian Development Bank ay nag-commit din nang mahigit sa P43 bilyon (USD 1 bilyon) “in grants and emergency loans” upang suportahan ang reconstruction and relief efforts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Higit sa P2 bilyon ang tulong pinansiyal ng United Kingdom sa Pilipinas.

Sa ulat ng International Business Times, $10 million ang ibinigay ng Japan, bukod sa 1,180 sundalo na ipinadala nila para tumulong sa disaster relief; $10 million mula sa Australia; $4 million mula sa Vatican City; at $1.7 million mula sa New Zealand.

Tinaasan naman ng China ang naunang donasyon nito na $100,000, na dinoble ng Taiwan. As of November 16, ayon sa mga local broadsheets, umabot na $1.64 million ang tulong pinansiyal ng pinakamalaking bansa sa buong mundo.

Ayon sa pamahalaan, may 43 foreign at 45 local medical teams ang itinalaga para sa mga biktima.

As of November 19, may 24,770 rescue at relief workers, 163 aircrafts, 1,306 vehicles, 104 ships and boats, ang nagsasagawa na ng rescue, relief, at rehabilitation work sa ibat-ibang lugar ng Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN