Freddie Aguilar after marrying 16-year-old girlfriend under Muslim rites: "Sana tumigil na ang detractors namin."

Freddie Aguilar and his 16-year-old wife maintain that their decision to tie the knot under Muslim rites is not for the sake of convenience, but out of love for each other.


Nagsalita na ang 16-year-old wife ni Freddie Aguilar, kaugnay ng desisyon nitong magpakasal sa 60-year-old legendary singer.

Kahapon, November 22, naganap ang Muslim wedding ceremony ng kontrobersyal na magkasintahan sa isang restaurant sa Buluan, Maguindanao.

Si Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang nagsilbing solemnity officer, sa bisa ng Presidential Decree 1083 o Muslim Family Code of the Philippines.

READ: Freddie Aguilar to marry 16-year-old girlfriend in Islam rites

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News website ngayong araw, November 23, nakapanayam ng media reporters si Ka Freddie at ang 16-year-old niyang misis pagkatapos nilang maikasal kahapon.

Sabi ng bagong kasal na teenager: “Siyempre masaya ’ko, kasi hindi naman [kami] nabubuhay para sa ibang tao. Nabubuhay kami para sa sarali namin.

“Yung ginagawa namin [ay] dahil gusto namin ’to, mahal namin ang isa’t-isa at pinapatunayan lang namin ang pagmamahal namin,” maiksing pahayag ng dalagita.


TRUE LOVE, NOT MARRIAGE OF CONVENIENCE. Matatandaang nabanggit ni Ka Freddie—ang matagal nang bansag sa veteran songwriter at singer—sa isang panayam noong nakaraang buwan, na balak niyang pakasalan ang 16-year-old girlfriend pagtungtong ng huli ng 18 taong gulang.

Ngunit inamin ni Ka Freddie na isa sa mga rason kung bakit napaaga ang pagpapakasal nila ng nobya ay bunsod nang patuloy na paninira ng ibang tao sa kanilang relasyon.

Aniya sa abs-cbnnews.com: "Sana tumigil na yung paninira ng detractors namin.

"Kaya nga kami nagpakasal, kasi ayaw ngang tumigil yung mga paninira sa aming dalawa.

"So, naisipan naming dalawa na kung magpapakasal na kami ay titigil na lahat, hindi na nila iisipin na kasalanan yung ginagawa namin."

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa www.gov.ph, nakasaad sa Article 5 ng Family Code of The Philippines na isa sa mga marriage requirements ay dapat 18 taong gulang na ang babae at lalaking ikakasal:

“Any male or female of the age of eighteen years or upwards not under any impediments mentioned in Articles 37 or 38 may contract marriage.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit matapos yakapin ni Ka Freddie ang relihiyong Islam, nagbigay-daan ito upang makipag-isang-dibdib sila ng menor de edad niyang nobya.

Ayon din sa impormasyong nakalap ng PEP mula sa www.lawphil.net, nakasaad sa Article 16 ng Muslim Family Code of The Philippines na pinahihintulatan nang magpakasal ang Muslim na lalaki o babae pagtungtong nito ng 15 taong gulang:

“Any Muslim male at least fifteen years of age and any Muslim female of the age of puberty or upwards and not suffering from any impediment under the provisions of this Code may contract marriage. A female is presumed to have attained puberty upon reaching the age of fifteen.”

Patuloy na paliwanag ni Ka Freddie, sa Kapamilya network news online, tungkol sa pag-iisang-dibdib nila ng kanyang 16-year-old girlfriend:

"Hindi po namin mahintay ang dalawang taon para pahintulutan kami ng tinatawag nating sistema na umiiral dito sa atin.

"Hindi na rin po kami makapaghintay na kung anu-ano ang tinatawag sa kanya—na kesyo ganito siya, kesyo ganyan ako.

“So para matigil na po lahat ’yon at mapatunayan na mahal namin ang isa’t-isa talaga, nandito po kami... upang mag-isang-dibdib.

"At ngayon pong mag-asawa na kami ay hindi na nila kami siguro tatawaging makasalanan."




EMBRACING ISLAM. Samantala ay nilinaw ni Ka Freddie, sa abs-cbnnews.com pa rin, na matagal na niyang pinag-iisipang yakapin ang relihiyong Islam, bago pa man niya mapagdesisyunang pakasalan ang kanyang menor-de-edad na nobya.

Hindi tuwirang binanggit ni Ka Freddie ang kinagisnan niyang Roman Catholic religion, ngunit inilahad niya na noong bata pa lang siya ay may agam-agam na siya tungkol sa kanyang simbahan.

Saad ni Ka Freddie—na bininyagang Abdul Farid sa ilalim ng Muslim religion: “Yung pagbabalik-Islam ko naman ay dahil matagal ko na ring kinukwest’yon yung conversion ko.

“Kahit nung high school pa lang ako, ayaw kong pumasok at pag-aralan yung religion doon, kasi ang pagtuturo nung high school ako ay Spanish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So sabi ko, ’Bakit ko pag-aaralan ang religion, e iyang mga Espanyol na ’yan ang nagpahirap sa ating bayan no’ng araw?’

“So itong pagbabalik-Islam ko, tamang-tama, dahil dito sa Islam, tinatanggap ang pagmamahalan namin ni [girlfriend].”

Handa rin daw siyang panindigan ang mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang Muslim.

“Nandito na ako. Ako po ay kilala ninyo sa paninindigan."

"Hindi po ako gagawa ng bagay na ikasisira ng matagal ko nang inaalagaang pangalan.

“At matagal ko na rin pong hinahanap ang tunay na paniniwala sa Panginoon.

“At sa palagay ko po, sa tagal kong paghahanap, ay ito na po, natagpuan ko na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN