Ynna Asistio insists breakup with Mark Herras not the reason for her transfer from GMA to ABS-CBN

Ynna Asistio insists her breakup with Mark Herras had nothing to do with her moving from Kapuso to Kapamilya territory. She says everything was simply a matter of timing: “So, parang ako, sinasabi ko na siguro time na talaga para, well, para maglayo kami [ni Mark], pero time na siguro na mapunta naman ako sa iba [network], parang ganun.”


Agosto ng taong ito lumipat ang Kapuso star na si Ynna Asistio sa Kapamilya station.

Idinaan ni Ynna ang impormasyon ng kanyang paglipat-bakod sa kanyang account sa Instagram.

Ayon sa kanyang post, “If it wasn’t for GMA other doors would not have opened for me.

“In light of this, I would like to take this opportunity to express my heartfelt thanks to you for giving me the opportunity to be who I wanted to be.

“I certainly learned a lot from you and I will carry that in my heart forever.

“I wish GMA continued success. And you will always be a part of me… It’s time for me to move on and spread my wings to be able to learn even more thank you GMA.”



NOTHING TO DO WITH MARK HERRAS. Nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna noong Wednesday, November 20, sa One Esplanade, Pasay City, ipinaliwanag nitong hindi ang hiwalayan nila ni Mark Herras ang dahilan ng kanyang paglipat sa ABS-CBN.

Saad niya, “Actually, ano naman, uhm, matagal ko na po siyang desisyon, kasi matagal na rin naman ako nagkaroon ng... kumbaga, matagal na ring binuksan ng ABS yung pinto nila para sa akin.

“Pero, alam mo po yun? Nagsakto-sakto lang lahat, na sabi ko, ’Siguro this time mas maganda na i-try ko naman sa iba.’

“Uhm, hindi naman dahil hindi ako masaya sa GMA, alam mo yun? Mahal na mahal ko GMA, pero parang gusto ko lang po ma-try yung ibang klaseng style naman pagdating sa pag-aartista, na alam ko na gaano ka…

“Well, hindi ko naman po sinasabi na hindi professional or ano… ibang klaseng mag-train ang ABS, kung ngayon andun pa rin po ako sa level na nagti-train pa rin talaga.

“And thankful po ako kasi nakikita ko naman po yung importansiyang ’binibigay sa akin ABS-CBN.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa niya, “At saka gusto ko lang po i-clear yung reason ng paghihiwalay namin ni Mark yung paglipat, hindi talaga.

“Talagang nagkataon lang lahat, alam mo yun? Yung naghiwalay po kami, tapos… uhm, nagkaroon ng ABS...

“So, parang ako, sinasabi ko na siguro time na talaga para, well, para maglayo kami, pero time na siguro na mapunta naman ako sa iba, parang ganun.”

WANTS TO PROVE HERSELF. Masayang ikinuwento ng 22-year-old ang naging unang proyekto niya sa ABS-CBN, ang pag-guest niya sa long-running ABS-CBN program na Maalaala Mo Kaya, hosted by Charo Santos.


Kuwento ni Ynna, “Yun po, sobra, hindi ko po makalimutan. Sabi ko, kahit man apat o limang eksena lang yung ginawa ko dun, nakita ko po yung tatak sa tao.

"Na naging thankful ako kasi, ano e, yun din po kasi ang gusto kong mangyari...

“Yung ma-prove ko po sa tao kung bakit ako... kung bakit hindi naman sa pinipilit ko yung sarili ko, kung bakit nandito pa rin ako sa showbiz, kasi gusto ko ipakita sa kanila kung anong meron ako.

“Hindi dahil ex ako ni Mark, hindi dahil anak ako ni Nadia [Montenegro].

"Gusto ko gumawa ng pangalan para sa sarili ko, na sana mapagbigyan din po ako umarte, dahil yun din naman talaga ang gusto ko.”

Ang mga magulang ni Ynna ay sina Nadia Montenegro at Boy Asistio.



FUTURE IN A NEW STATION. May mga naka-line up na ba siyang proyekto sa Kapamilya station?

Saad ng former Kapuso rising star, “Sa totoo lang, wala pa po talaga akong idea.

"Pero natutuwa ako sa dami rin po ng guestings na na-experience ko po, halos… lalo na po nung nag-Showtime kami ng kapatid ko."

Ang kapatid ni Ynna na si Alyssa ay mina-manage na rin ng Star Magic, ang ABS-CBN talent-management arm ng pinangunguhan ni Mariole Alberto. Ang chairman emeritus nito ay si Johnny Manahan, aka Mr. M.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa bagong Kapamilya rising star, “Marami naman po silang nabibigay na guestings, pero talaga more on training pa, workshop.

"And thankful pa din ako dahil, alam mo yun, iba yung training na binibigay po nila, uhm, naka-twelve sessions na po ako ng acting workshop.

“Hindi na po ako umabot sa dance class, so ang nangyari po ngayon, medyo wala po akong ginagawa.

"So medyo bumalik ako sa school, kasi ayoko na rin pong iwan, kasi two years na lang. Dapat po two years ago, graduate na ako, so parang sayang.”

Balik-eskuwela daw muna si Ynna sa ngayon habang wala pang regular na show. Kumukuha siya ng kursong Mass Communication, major in broadcasting sa Centro Escolar University, Manila.

Gusto raw talaga niyang i-pursue ang career sa showbiz, pagkatapos ng kanyang pag-aaral, kahit daw mapa-on-cam or off-cam.

Aniya, “Opo e, gusto ko po e, ’tsaka kahit sa likod ng camera—mahilig ako mag-edit, mahilig ako gumawa ng film, mahilig ako mag-recording, mga ganun.

"So, talagang ang feeling ko, dun po mapupunta talaga yung… ako, yung future ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN