UPDATED Pinoys bag coveted roles of Kim and The Engineer in Miss Saigon West End revival

Seventeen-year-old Filipino-American Eva Noblezada (left) will play the role of Kim in the West End revival of Miss Saigon, while Filipino theater actor Jon Jon Briones (right) will revive the role of The Engineer.


Isang Pinay muli ang napili para sa lead role na Kim sa West End revival ng Miss Saigon.

Una itong ginampanan ng Pilipinang si Lea Salonga noong 1989.

Ang role na Kim ay isang Vietnamese prostitute na mapapaibig sa isang American soldier noong mga huling buwan ng Vietnam War.

Ang natatanging pagganap ni Lea bilang Kim ang nagbigay-daan upang magkamit siya ng Best Actress trophies mula sa Laurence Olivier Awards sa England noong 1990 at Tony Awards sa Amerika noong 1991.

Ang Vietnam War ay ang laban ng communist-led North Vietnam sa repressive government ng South Vietnam, na nagsimula noong 1954, at matapos ng ilan pang taon ay pinasok ng Amerika upang pumanig sa South Vietnam.

Naging matagal, madugo, magastos, at kontrobersiyal ang pagpasok sa gera ng American forces, na noong 1969 ay umabot ang laki ng tropa sa 500,000.

Ayon sa history.com, tinatayang tatlong milyong katao ang namatay sa gera, na ang karamihan ay mga sibilyang Vietnamese. May 58,000 Americans naman ang sinasabing namatay sa Vietnam War, na opisyal na natapos noong 1975.

Bandang huli—dala na rin ng dami ng nabuwis na buhay sa panig ng mga Amerikano at sa kuwento ng war atrocities sa hanay ng mga sundalong Amerikano—hindi nakuha ng pamahalaang Amerika ang suporta ng sarili nitong mamamayan.

Noong 1973, bilang hudyat na rin ng pagkatalo ng Estados Unidos, winidraw ni Presidente Richard Nixon ang mga tropang Amerikano mula sa Vietnam. Noong 1975, nabuo ang Socialist Republic of Vietnam, na siyang namamayani sa kasalukuyan.

Samantala, sa mga panahong nakabase sa Vietnam ang mga sundalong Amerikano, may mga ugnayang personal ang namagitan sa kanila at sa mga Vietnamese, kahit hindi ito katanggap-tanggap sa kanilang mga gobyerno.

Ito ang pinanggagalingan ng Miss Saigon.


THE NEW KIM. Sa pagbabalik ng Miss Saigon sa West End sa 2014, ang gaganap na Kim ay ang Filipino-American na si Eva Noblezada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Eva, 17, ay ipinanganak at lumaki sa Charlotte, North Carolina.

Bagamat ito ang kauna-unahang pagkakataong sasabak si Eva sa professional theater acting, bumilib agad sa kanya ang creators ng Miss Saigon, nang mag-audition siya ilang buwan na ang nakararaan.

Ang kantang "I’d Give My Life For You," na isa sa mga sikat na production numbers sa Miss Saigon, ang ginamit na audition piece ni Eva.

Sa cast-announcement video na lumabas sa official website ng Miss Saigon, ibinahagi ng kilalang theatrical producer na si Cameron Mackintosh kung paano napili si Eva para maging Kim.

“The real first question is: Who will be Miss Saigon?

“She was discovered doing a high school concert in New York.

“Even though she hasn’t done any shows before, except the high school concert, I think she is a wonderful natural actress,” saad ni Cameron.

Para naman sa tanyag na Miss Saigon lyricist na si Alain Boublil, hindi niya akalaing makakatagpo sila ng isang lead star na bibigyang-buhay muli ang kanyang obra.

Sabi niya, “You think that the lightning doesn’t strike twice. But, in fact, sometimes it does.

“She comes into the studio and again does the trick.”

Dagdag na pahayag ng Miss Saigon composer na si Claude Michel Schönberg patungkol kay Eva, "And it’s a miracle because she sees Saigon as if she was Kim."

Sa hiwalay na panayam ng dailymail.co.uk kay Cameron, noong November 21, sinabi nitong ang Broadway casting director na si Tara Ruby ang unang nakadiskubre kay Eva.

Nakitaan daw ni Tara si Eva ng angking-talino sa pagkanta nang mapanood niya ang 17-year-old aspiring theater actress sa National Theater High School Awards na ginanap sa New York, noong Hulyo nitong taon.

Pagkatapos ay ipinadala ni Tara ang isang video ng performance ni Eva kay Cameron.

Matapos mapanood ang video, agad ipinatawag ni Cameron si Eva para mag-audition sa Miss Saigon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Cameron, sa panayam pa rin ng dailymail.co.uk, “Eva’s going to be our new Lea!”



JON JON BRIONES AS ENGINEER. Isa ring Pinoy ang gaganap sa pivotal role na The Engineer, ang European-Asian pimp sa istorya ng Miss Saigon.

Ito ay ang theater actor na si Jon Jon Briones.

Ang role na The Engineer ay unang ginampanan ng sikat na Welsh theater singer-actor na si Jonathan Pryce.

Nanalo si Jonathan bilang Best Actor sa Tony Awards, noong 1991, dahil sa pagganap niya rito.

Sabi ni Cameron tungkol kay Jonathan: “There’s no doubt that Jonathan Pryce was one of the great reasons why Miss Saigon became a worldwide success.

"His performance was quite extraordinary.

“And because of what he did to the original show, we were subsequently able to find an Asian performer to actually play the role in his own brilliant way.”

Ang tinutukoy ni Cameron ay walang iba kundi si Jon Jon.

Ikinuwento ni Cameron na parte si Jon Jon ng original production ng Miss Saigon, na unang itinanghal sa Theater Royal, Drury Lane, sa London, noong 1989.

Pagbabalik-tanaw ng kilalang musical producer, “When I first started to audition in Manila, he was working as a sort of runner in a local production outfit out there that is helping us set up the auditions.

“And he plunged his way into the rehearsal and we gave him an audition.

“And remarkably, he got into the original London cast and worked alongside Jonathan.”

Dagdag pa ni Cameron, sakto raw si Jon Jon para sa role bilang The Engineer.

“And I think now, it’s marvelous this time around, we have a perfect Asian performer to play the role for the new production in London.”


RACHELLE ANN GO AS GIGI. Nauna nang naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pasok din ang Pinay singer na si Rachelle Ann Go sa Miss Saigon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ang gaganap sa role ni Gigi, na unang ginampanan ng kapwa rin niyang Pinay na si Isay Alvarez.

Read: Rachelle Ann Go makes it to ’Miss Saigon’

Sa video ng 2014 London cast announcement ng Miss Saigon, ipinagmalaki ni Cameron na isang kilalang recording artist mula sa Pilipinas ang napabilang sa kanyang bagong produksiyon—si Rachelle Ann.

Sabi ni Cameron tungkol sa Pinay singer: “One of the most important small roles in Miss Saigon is the role Gigi, because she has the first big moment of the show.

“I am really thrilled that we have found one of the leading star talents of the moment.

“She’s a major major artist and a star of television. And she is going to come to London.

“A beautiful, beautiful girl with an amazing voice to play Gigi.”

INTERNATIONAL CAST. Mula sa iba’t ibang bansa ang iba pang mga napili sa bagong cast ng Miss Saigon.

Ang British theater actor na si Hugh Maynard ang gaganap bilang John.

Ang Australian na si Tamsin Caroll naman ang gaganap bilang Ellen.

At ang British actor na si Alistaire Brammer ang magbibigay-buhay muli sa karakter na Chris, ang American soldier na iibig kay Kim.

Nakatakdang magsimula ang West End revival ng Miss Saigon sa Prince Edward Theater sa London, simula May 3, 2014.

Ngunit ngayon pa lang ay excited na si Cameron na mapanood kung ano ang kalalabasan ng bagong Miss Saigon.

“Twenty-five years ago, when we first did Miss Saigon, we couldn’t have conceived to bring in such an extraordinary international cast together from all colors of the world.

“To do this now is one of the most exciting things for all of us in the creative team.

“To bring all these creative talents around the world and give London a great, new Miss Saigon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN