Shaina Magdayao on keeping her lovelife private: "Kung wala ka namang ginagawang masama, wala ka namang dapat itago."

Shaina Magdayao on rumors linking her to Piolo Pascual: “Nakakatawa kasi mas excited pa sila na magkaroon ako ng boyfriend. Siguro, both ways kasi pareho naman kaming nagkarelasyon na taga-showbiz, di ba? Siguro excited lang ang mga tao na makita kami, na kami man or ibang tao man ang makarelasyon namin. I guess parang naiintriga lang ang mga tao, pero ako I’m just taking my time now, ’wag natin masyadong madaliin.”


Bagamat pareho nang itinanggi nina Shaina Magdayao at Piolo Pascual na may namamagitan sa kanila, bukod sa pagiging magkaibigan, hindi pa rin sila tinatantanan ng tanong tungkol dito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Shaina sa Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na All Star Benefit Concert ng ABS-CBN noong November 16, sinabi ng Kapamilya actress na hindi dapat bigyan ng kulay ang sinasabing espesyal na relasyon nila ni Piolo.

"Ilang beses ko nang kini-clear at sinasagot dahil wala naman tayong itinatago.

“Hindi ko maitatago si Papa P, hindi ko siya itatago.

"Pero hindi, hindi talaga."

Patuloy pa niya, “Hindi, kasi gentleman talaga siya, kaya inaalalayan niya ako—like ngayon, may pilay pa rin ako.

“Ever since, ganun naman talaga siya.

"Kilala ninyo naman si Papa, he’s a real gentleman. Such a good heart."

WALA KA NAMANG DAPAT ITAGO.” Sa isang interview kay Piolo ay inamin nitong ikinukunsidera niyang itago na lang ang susunod niyang relasyon para iwas-intriga.

Iba naman ang pananaw ni Shaina tungkol dito.

Aniya, “Siguro hindi lang sa relationship.

"Kaming mga artista, mayroon talaga kaming pinangangalagaan na personal life, siguro kabilang yun doon.

“Pero sa akin, ang point of view ko, kung wala ka namang ginagawang masama, wala ka namang dapat itago.

"So ayun, sana yung susunod, di naman katagu-tago.

“Puwede namang umamin but you can still do it private, di ba?

"Kesa naman deny, mas lalo na kung wala namang itatago.

"Siyempre, pag mahal mo ang isang tao, you wanna be proud of the person."

THE POSSIBILITY. Marami sa mga malalapit na kaibigan nina Shaina at Piolo ang magiging excited at masaya kung saka-sakaling magkagustuhan at maging magkarelasyon ang dalawa.

Naiintindihan naman daw ito ni Shaina.

Saad niya, “Nakakatawa, kasi mas excited pa sila na magkaroon ako ng boyfriend.

"Siguro, both ways, kasi pareho naman kaming nagkarelasyon na taga-showbiz, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Shaina ay ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz, at ang ex-girlfriend ni Piolo na si KC Concepcion.

Patuloy ni Shaina, “Siguro excited lang ang mga tao na makita kami na kami man or ibang tao man ang makarelasyon namin.

“I guess, parang naiintriga lang ang mga tao.

"Pero ako, I’m just taking my time now, huwag natin masyadong madaliin.

“Marami naman tayong blessings na natatanggap, marami naman tayong trabaho na dumarating.

"Dun muna tayo sa pangangalaga na ibinibigay na trust sa akin, especially ng mother network ko [ABS-CBN]. Ibigay muna natin sa kanila.

“Darating din ’yan in God’s time,” patungkol ni Shaina sa kanyang lovelife.

Tinanong din namin ang aktres kung personal na ba niyang nakilala ang anak ni Piolo na si Iñigo.

Sagot niya, “Hindi, hindi ko pa siya nami-meet.

"Hindi pa, kasi based siya sa States, di ba?

"Oo naman, I want to meet him, wala namang problema yun."

THANKFUL FOR RELATIVES’ SAFETY. Sa kabilang banda, ilan sa mga kamag-anak ni Shaina na nakatira sa Tacloban ang naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Ipinagpapasalamat ng aktres na kasama na nila ngayon ang kanyang lola at iba pang mga kamag-anak, bagamat may ilan pa silang mga kamang-anak na naiwan doon.

“She’s finally home kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng nagdasal para sa kanya, sa aming mga kaibigan na tumulong din. Of course, sa ABS-CBN din.

“She’s okay, nagpapasalamat, kasi na-rescue si Lola along with my uncle and my nephew.

"Pero siyempre, sa ganitong panahon, mahirap mag-celebrate kasi maraming Kapamilya na di pa nila nahahanap ang mga mahal nila sa buhay, di ba?

"Siguro idaan na lang natin sa dasal ang lahat.”

Nag-aalala rin daw si Shaina para sa kanyang mga kamag-anak dahil, bukod sa mga nawala nilang mga ari-arian, may posibleng maidulot na trauma o takot ang super typhoon Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, yun ang nakakatakot.

"Saka yung isa ko kasing pamangkin, maliit pa, e. He’s still young.

"Yun ang medyo iniingatan natin, yung trauma.

"But I guess, si Lola naman, masaya siyang makita ang lahat ng mga kamag-anak dito sa Manila, so medyo kahit papaano naaaliw siya.”

Dagdag niya, “Alam ninyo, isa sa nakakalungkot kasi, as of now, wala pang babalikan sa Tacloban.

"Sobrang talagang destroyed lahat.

“Even yung hospital na pinagtatrabahuhan ng uncle ko, yun lang, the only hospital na nagwu-work sa Tacloban, yun lang functional na hospital.

"Right now, wala kang babalikan dun.”

Bilang isa sa mga artistang sumuporta sa nakaraang benefit show ng ABS-CBN, para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, masaya si Shaina sa nakikitang suporta ng lahat para makabangong muli sa sinasabing pinakamalakas na bagyo sa buong mundo in modern times.

“Nakakatuwa na makita na ang mga kasama mo sa industriya ay nagkakaisa para sa mga nasalanta ng bagyo.

“Nakakatuwa dahil ang dami-daming nagpunta dito sa Araneta Coliseum, sold-out nga ang tickets.

"Kaya ang mga Pinoy, kahit medyo mahirap ang buhay ngayon, talagang they make it a point to exert their effort para makatulong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN