Yasmien Kurdi excited about baby girl’s first birthday celebration; looks forward to new GMA teleserye Rhodora X

Yasmien Kurdi on celebrating her baby girl’s big day today, November 24: “Hindi ko na alam, basta, nag-invite lang ako. Kung sino ang makakarating okey lang, kung sino naman ang hindi, bahala na. Basta, gusto ko lang good vibes lang ako. Pero in-invite ko yung mga Starstruck, yung mga Rhodora X family ko, lahat ng mga friends ko sa showbiz. In-invite ko lahat ng mga press na friends ko... lahat-lahat.”


Excited na si Yasmien Kurdi sa magaganap na first birthday ng anak niyang si Ayesha Zara Kurdi Soldevilla ngayong Linggo, Nov. 24.

Ang selebrasyon ay magaganap sa isang clubhouse sa Taguig City.

Malaking bagay para kay Yasmien ang ginawa niyang maagang preparasyon para sa kaarawan ng kanyang baby girl. Dahil dito’y hindi siya gaanong nag-alala sa mga detalye at di rin gaanong napagod.

Saad niya, “Handa na ang gown niya, handa na lahat. Buti na lang three months akong nag-prepare kaya hindi ako ngayon ngarag.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa kakatapos lang na benefit show ng ilan sa mga kasamahan niya sa GMA, partikular na ang grupo ni Mark Herras, sa weekend musical variety show nilang Sunday All Stars last November 20.

PREPARATIONS. Ayon kay Yasmien, sa dami ng mga inimbitahan niya sa birthday ng anak ay hindi na niya mabilang ang mga ito.

Kuwento niya, “Hindi ko na alam, basta, nag-invite lang ako. Kung sino ang makakarating okey lang, kung sino naman ang hindi, bahala na. Basta, gusto ko lang good vibes lang ako.

“Pero in-invite ko yung mga Starstruck, yung mga Rhodora X family ko, lahat ng mga friends ko sa showbiz. In-invite ko lahat ng mga press na friends ko... lahat-lahat.”

Sa nakaraang interview namin kay Yasmien, sinabi niyang gusto niyang gastusan ang kaarawan ng baby niya dahil tinipid nila ni Rey Soldevilla ang kanilang kasal.

Ayon kay Yasmien, dalawampung libong piso lang ang ginastos nila sa pagpapakasal kaya naman gusto niyang bumawi sa first birthday ng only child nila.

At ngayon nga ay natupad ang pangarap niya, kaya ganoon na lang ang kasiyahan niya sa inaasahang kaganapan sa okasyon bukas.

Umabot na sa one hundred thousand pesos ang nagagastos mo sa party?

Tumango muna si Yasmien at saka sumagot, “More pa, more pa talaga. Ganun talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero salamat sa mga sponsors, hahahahaha!

“Okey lang naman, kasi nga plano na talaga namin ito. Gusto talaga naming mag-asawa na gastusan.

“Saka lahat ng family, kamag-anak both sides invited. Kaya masaya ito!”

Bagamat ginastusan nina Yasmien at Rey ang party ng anak, nakikisimpatiya pa rin naman daw si Yasmien sa mga survivors ng super typhoon Yolanda.

“Nakaka-sad kasi nga, maraming namatay. Nakikiramay ako sa family, sa mga namatayan.

“Siyempre, unexpected naman yung nangyari. Sana lang ngayon magtulungan na lang,” panalangin niya.

NO COMMENT ON INC ISSUE IN TACLOBAN. May bali-balitang pinili lang raw umano ng Iglesia Ni Cristo ang mga kinupkop nila sa kani-kanilang mga simbahan sa Tacloban at sa iba pang karatig-bayan matapos ang pananalasa ng bagyo.

Pawang mga kapatid lang nila sa pananampalataya ang diumano’y kinandila ng simbahan.

Kilalang miyembro ng INC si Yasmien kaya inalam namin ang kanyang opinyon tungkol dito.

Tugon niya, “Hindi ko alam, no comment.

“Buhay nila yun, e. Basta ang importante huwag na lang silang mag-judge.”

Visible si Yasmien sa Facebook kung saan lagi siyang may mga updates sa mga kaganapan sa buhay niya.

DOING HER SHARE. Lagi rin siyang may mga bago niyang larawan o ng kanyang baby at asawa, na ina-upload sa nasabing social media.

Nakakapagtaka lang kung bakit hindi siya nagpu-post ng mga tulong na ginawa niya para sa mga biktima ng typhoon Haiyan.

Paliwanag niya, “Tumatawag lang ako. Like sa Kapuso Foundation nag-telethon naman ako. Pero, hindi ako yung tipong kung ano yung ibinigay mo, ipapakita mo. Okey na yun, I’ll keep to myself na lang.”

Ano ang masasabi mo doon sa mga kapwa mo artista na nagpu-post ng mga ginagawa nilang pagbabalot ng mga relief goods o kaya nagpapakita ng mga naibigay nilang tulong?

“Okey lang yun! Nakakapagpa-inspire naman sila ng ibang mga tao para sumama sa kanilang tumulong din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba-iba kasi ang mga tao, iba-iba rin yung ways nila para tumulong.

"Like ako, in a little way I go to telethon para makausap yung mga gustong mag-donate. We do shows like this para maka-raise kami ng funds.

“Wala namang masama sa gano’n. Lahat kasi sa panahon ngayon, techies na, naka-Istagram, Facebook, Twitter. So, mas mabilis yung reaksyon ng mga tao pag idinadaan mo sa mga social media.”

NEW TELESERYE. Kahit gumastos nang malaki sa party ng anak, mukha raw makakabawi naman si Yasmien sa bagong project na ibinigay sa kanya ng GMA-7—ang seryeng pagbibidahan ng kaibigan niyang si Jennylyn Mercado at Mark Herras na Rhodora X.

Pinagtatakhan nga ni Yasmien kung bakit ang tanong lagi sa kanya ng press ay kung kontrabida ang role niya dito.

“Hindi ako kontrabida,” paglinaw niya.

“Lagi nilang sinasabi na ’Ikaw yung kontrabida?’ Hindi ako kontrabida. Ako yung mabait. Yun na yun.

“Ako yung mabait, kung sino ang masama isipin na lang nila. Pero huwag agad silang mag-judge.

“Kailangan kasi sa palabas na ito, palawakin nila ang isip nila.

“’Pag nakita nila yung character namin, huwag agad silang mag-judge, mag-isip-isip muna sila.”

Lumalabas na reunion project nila ni Jennylyn ang bagong serye. Huli silang nagsama noong 2009 sa Kapuso drama anthology na SRO Cinemaserye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN