John Prats on possibility of not being invited to Melai Cantiveros and Jason Francisco’s wedding: “Siguro kung hindi man ako imbitahin, wala namang samaan ng loob.”

John Prats on possibility of not being invited to Melai Cantiveros and Jason Francisco’s wedding: “It’s their way of celebrating it. They want to make it private. We don’t know, it’s their wedding, sila ang dapat magdesisyon. Basta ang masasabi ko lang, masaya ako for them, kumbaga di mo kayang ibigay yung happiness na mayroon silang dalawa. Ang wish ko lang, maging successful at maging okay ang lahat sa kanila.”


Kumpirmado nang hindi imbitado si Angelica Panganiban sa nalalapit na kasal nila Melai Contiveros at Jason Francisco.

Matalik na magkaibigan sina Angelica at Melai at dating magkasama sa programang Banana Split.

Hindi na rin daw dapat pagtakhan pa kung hindi rin imbitahin nina Melai at Jason ang ilang mga mga dating kasama sa nasabing show, tulad nila Jason Gainza, Pooh, at lalo na si John Prats, na minsang naka-engkuwentro ni Jason na muntik pa ngang mauwi sa demandahan.

(Read: FIRST READ ON PEP: John Prats and Jason Francisco involved in altercation; John files complaint against Jason)

NO ISSUE. Para naman kay John, hindi isyu sa kanya kung hindi man siya maimbitahan sa kasal ng dalawa at naiintindihan niya kung ito man ang maging desisyon nila Melai at Jason.

Ayon kay John, “Siguro kung hindi man ako imbitahin, wala namang samaan ng loob. It’s their way of celebrating it.

“They want to make it private. We don’t know, it’s their wedding, sila ang dapat magdesisyon.

“Basta ang masasabi ko lang, masaya ako for them, kumbaga di mo kayang ibigay yung happiness na mayroon silang dalawa. Ang wish ko lang maging successful at maging okay ang lahat sa kanila.”

Nang tanungin naman namin kung pupunta ba siya kapag inimbita siya, umoo naman agad si John, lalo’t wala na raw talaga sa kanya kung anuman ang naging problema nila dati ni Jason.

“Oo naman, bakit naman hindi? Wala pang sinasabi sa akin.

“Sama ng loob? Wala na yun. Masyadong maraming problema na dapat harapin kaysa dun,” dagdag pa niya.

ON GIRLFRIEND ISABEL OLI. Kahit bukambibig siya sa pag-amin na nakita na niya sa girlfriend na si Isabel Oli ang babaeng gusto niyang pakasalan, idiniin ni John na ayaw niya munang masyadong magsalita tungkol dito kahit alam niyang dito naman papunta ang relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman kami, pasaya nang pasaya. No words can explain kung gaano kami kasaya.

"Sa amin na lang yun, alam naman namin na dun papunta. Siguro in time, malalaman ninyo naman,” pahayag ni John.

Dahil nalalapit na ang Pasko, agad tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor kung paano nila ito iseselebra ni Isabel.

Pakli niya, “Wala, e. She’ll be spending her Christmas sa sister niya in Singapore. I’m spending Christmas here with my family.

“Well, kasi pag Pasko, it’s a family matter, e. Siguro pag kasal na, yun naman ang magkasama na kayo.”

SYMPATHY FOR TYPHOON VICTIMS. Isa si John sa mga artistang sumuporta sa nakaraang benefit show ng ABS-CBN, ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na! na ginanap noong nakaraang Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Doon ipinaramdam ni John ang pakikisimpatiya niya sa mga naging biktima ng typhoon Yolanda at ang labis niyang pasasalamat sa lahat ng mga tumutulong.

“Privilege na makasama ka dito kasi for a cause, e.

"Lahat ng gawin mo, kahit maliit na parte ka, part ka ng team, naging bahagi ka ng pagtulong ng mga Kapamilya natin na nasalanta ng bagyong Yolanda.

“Nung araw na yun, di naman natin naramdaman dito, ambun-ambon lang, tirik pa yung araw.

“Nagulat ako nung pinalabas na. Di ko in-expect na ganun pala ang pinagdaanan nila dun, kaya sobrang walang words to describe yung nararamdaman ko, dahil bakit ganun kalakas?

“Di ako makapaniwala na may ganun at nalaman ko na ito ang pinakamalakas na bagyo na naranasan sa buong mundo, so parang ibang klase talaga.

“Siguro, kaya sa atin binigay kasi alam natin ang mga Filipino kayang bumangon. Iba, iba yung tulong na nakita ko, lalo na sa iba’t ibang bansa, kumilos, tumulong.

“Grabe yung mga donasyon, so hayun, grateful kami. Sana tuluy-tuloy ang pagtulong natin hanggang sa maging okay na, tulong pa rin tayo nang tulong,” hikayat ni John sa kanyang mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN