Bob Arum reveals Manny Pacquiao will still have two fights in 2014

Hindi pa magwawakas ang boxing career ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Ayon sa Top Rank promoter na si Bob Arum, dalawang laban pa ang naka-schedule para sa 34-year-old Filipino boxer sa 2014.—Spin.ph


Pagkatapos magwagi ni Manny Pacquiao sa laban nila ni Brandon Rios ngayong araw, November 24, sa Macau, marami ang gustong malaman kung magtutuluy-tuloy pa ang boxing career ni Pacman o magreretiro na siya.

Kung ang boxing promoter ni Manny ang tatanungin, malayo pang magretiro ang tinaguriang Pambansang Kamao ng Pilipinas.

Ayon sa Top Rank promotions founder na si Bob Arum, dalawang boxing matches pa ang naka-schedule para kay Manny sa 2014.

"Manny will fight two times next year, once in April and once probably in November.

"I want him to fight once in the United States and once in Macau,” pahayag ng 82-year-old boxing promoter.

Ayon sa report ni Snow Badua para sa Spin.ph, may posibilidad na ang isa sa mga laban ni Manny sa 2014 ay ang pinakahihintay ng marami na pagtutuos nila ni Floyd Mayweather Jr.

Sabi ni Arum, “We’re always amenable to the Mayweather fight.

"We’re not talking to anybody, but it can be done the same way that the Lennox Lewis-Mike Tyson fight was done when two networks was involved."

Nagkaharap sa boxing ring sina Lewis at Tyson noong 2002 sa pamamagitan ng kolaborasyon ng HBO at Showtime, kunsaan kasama rin ang paghahatian nila sa pay-per-view production at revenue.

Nakatakdang magtapos ang kontrata ni Manny sa Top Rank sa December 2014.

Pero sinabi ni Arum na mayroon nang negosasyon sa 34-year-old Pinoy boxer ng panibagong kontrata na posibleng magtagal hanggang 2016.

“We talked, and he’s going to continue for another two years. So the contract we are talking about is ’til the end of 2016,” sabi ng Top Rank founder.

Para sa iba pang mga istorya kaugnay ng pagwawagi ni Pacquiao laban kay Rios, bisitahin ang Spin.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN