Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV

Si Marian Rivera ang itinanghal na Best Drama Actress sa 27th Star Awards for Television para sa Temptation of Wife; samantalang si Coco Martin ang nanalong Best Drama Actor para sa Juan dela Cruz, ka-tie si Richard Yap para sa Be Careful With My Heart.


Nag-tie for Best TV Station ang rival networks na ABS-CBN at GMA sa 27th PMPC Star Awards for Television, na ginanap kagabi, November 24, sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo, sa Quezon City.

Ang Star Awards for TV ay taunang ipinamamahagi ng Philippine Movie Press Club (PMPC).



DRAMA CATEGORY. Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang itinanghal na Best Drama Actress para sa pagganap niya sa Temptation of Wife.

Tinalo ni Marian sa kategoryang ito sina Carla Abellana (My Husband’s Lover), Janice de Belen (Ina Kapatid Anak), Jodi Sta. Maria (Be Careful With My Heart)...

Judy Ann Santos (Huwag Ka Lang Mawawala), Kim Chiu (Ina Kapatid Anak), Maja Salvador (Ina Kapatid Anak), at ang Superstar na si Nora Aunor (Never Say Goodbye).

Nag-tie naman bilang Best Drama Actor ang Kapamilya stars na sina Coco Martin at Richard Yap.

Si Coco ay nanalo para sa kanyang pagganap sa Juan dela Cruz at si Richard ay para naman sa Be Careful With My Heart.

Tinalo ng dalawa sina Bong Revilla Jr. (Indio), Dennis Trillo (My Husband’s Lover), John Lloyd Cruz (A Beautiful Affair), Piolo Pascual (Apoy Sa Dagat), at Tom Rodriguez (My Husband’s Lover).

Hindi nakadalo si Richard upang personal na tanggapin ang kanyang tropeyo.

Ang Juan dela Cruz ng ABS-CBN ang napili ng PMPC bilang Best Primetime Drama Series.

Best Daytime Drama Series naman ang Be Careful With My Heart ng ABS-CBN pa rin.

Best Drama Supporting Actress si KC Concepcion para sa kanyang kontrabida role sa Huwag Ka Lang Mawawala.

Nag-tie rin sa Best Drama Supporting Actor sina Arjo Atayde (Dugong Buhay) at Arron Villaflor (Juan dela Cruz).

Ang Magpakailanman ng GMA ang nanalong Best Drama Anthology.

Sina Nikki Gil at Carlo Aquino ang nagkamit ng Best Single Performance By An Actress and Actor trophies, respectively, para sa kanilang pagganap sa magkaibang episodes ng MMK (Maalaala Mo Kaya).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nikki para sa "Ilog" at si Carlo para sa "Pulang Laso."

Naluklok na sa Hall of Fame ang MMK kaya hindi na ito nominado sa Best Drama Anthology.

Best New TV Personalities sina Ruru Madrid (Maynila: Faith In Love) at Janella Salvador (Be Careful With My Heart).

Best Child Performer naman si Andrea Brillantes para sa pagganap niya sa Annaliza.

COMEDY CATEGORY. Nag-tie sa kategoryang Best Gag Show ang Banana Split: Extra Scoop ng ABS-CBN at Bubble Gang ng GMA Network.

Best Comedy Show naman ang Pepito Manaloto ng GMA.

Sina Michael V. at Rufa Mae Quinto ang nanalong Best Comedy Actor and Actress, respectively, para sa Bubble Gang.

Best Horror/Fantasy Program naman ang Wansapantaym ng ABS-CBN.

Best Youth Oriented Program ang LUV U ng ABS-CBN.



VARIETY & REALITY. Best Musical Variety Show ang ASAP 18 ng ABS-CBN.

Best Variety Show ang It’s Showtime ng ABS-CBN din.

Hall of Famer na ang Eat Bulaga!, isang blocktimer ng GMA, sa kategoryang Best Variety Show.

Best TV Female and Male TV hosts naman sina Anne Curtis at Billy Crawford para sa It’s Showtime.

Best Reality Competition Program ang Extra Challenge ng GMA.

Si Judy Ann Santos ang nanalong Best Reality Competition Program Host para sa Master Chef Pinoy Edition ng ABS-CBN.

Best Game Show ang Celebrity Bluff ng GMA.

Best Game Show Host si Luis Manzano para sa Deal Or No Deal ng ABS-CBN.

Best Talent Search Program ang Talentadong Pinoy ng TV5.

Best Talent Search Program Hosts naman sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, at Robi Domingo para sa The Voice of the Philippines.

Best Celebrity Talk Show ang Kris TV ng ABS-CBN.

Best Celebrity Talk Show Host si Vice Ganda para sa Gandang Gabi Vice.

Best Showbiz-Oriented Talk Show ang Startalk ng GMA.

Best Showbiz-Oriented Talk Show Hosts sina Cristy Fermin (Ang Latest) at Ogie Diaz (Showbiz Inside Report).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEWS & PUBLIC AFFAIRS. Best News Program ang State of the Nation ng GMA News TV.

Best Newscasters sina Mike Enriquez ng 24 Oras at Karen Davila ng Bandila.

Best Public Service Program ang Imbestigador ng GMA.

Best Public Service Program Host si Vicky Morales ng Wish Ko Lang!

Best Educational Program ang Born To Be Wild ng GMA.

Best Educational Program Host si Kim Atienza para sa Matang Lawin ng ABS-CBN.

Best Documentary Program ang I-Witness ng GMA.

Ang mga host ng I-Witness—Sandra Aguinaldo, Kara David, Howie Severino, at Jay Taruc—ang nanalong Best Documentary Program Hosts.

Best Documentary Special ang Gusto Kong Mag-aral ng ABS-CBN.

Best Magazine Show ang I Juander ng GMA News TV.

Si Jessica Soho ang nagwaging Best Magazine Show Host para sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Best Morning Show ang Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Best Morning Show Hosts naman ang hosts ng Unang Hirit na sina: Arnold Clavio, Rhea Santos-De Guzman, Lyn Ching-Pascual, Suzi Entrata-Abrera, Danilo Federez, LharSantiago, Love Añover...

Atty. Gabby Concepcion, Drew Arellano, Winnie Monsod, Pia Archangel, Luanne Dy, Connie Sison, Monica Verallo, Nathaniel Cruz, Tonipet Gaba, Susan Enriquez, at Ivan Mayrina.

Best Public Affairs Program ang The Bottomline With Boy Abunda ng ABS-CBN.

Ang host nitong si Boy Abunda ang nanalong Best Public Affairs Program Host.

Best Children Show ang Batibot ng TV5.

Best Children Show Hosts ang cast ng Tropang Potchi: Sabrina Man, Miggy Jimenez, Lianne Valentino, Isabel "Lenlen" Frial, Nomer Limatog, Miggs Cuaderno, Kyle Danielle Ocampo, at Potchi Mascot.

Best Travel Show ang Biyahe ni Drew ng GMA News TV.

Best Travel Show Host si Richard Gutierrez para sa Pinoy Adventure.

Best Lifestyle Show ang Convergence ng Net25.

Best Lifestyle Show Host si Solenn Heussaff para sa Fashbook.

VIEW PHOTOS Marian Rivera and Coco Martin shine at 27th PMPC Star Awards for Television (Part 1)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN