Robi Domingo on Anderson Cooper’s Yolanda reports: “Hindi mo talaga siya masisisi sa mga nakikita niya.”

Robi Domingo on media’s contribution to Yolanda fundraising: “Ngayon, this run is about not just having fun, e. Pero through running, through our sponsors, kumukuha tayo ng amount para sa mga emergency funds. This one is a great, great run para ipakita na we are a great nation.”


Matapos ang delubyong humagupit sa Visayas dahil sa super typhoon Yolanda, nagkaroon ng maraming batikos ang gobyerno tungkol sa mabagal diumanong operasyon nito sa pagtulong sa mga biktima.

Nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol dito ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa SunPiology Sunset Color Run, na ginanap noong Sabado, November 23, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ayon kay Robi, “Well, siyempre, ako naman, I don’t wanna side with the government nor say I’m biased na ba’t nagtagal.

“Siguro, may mga problema talaga doon sa street-cleaning operations.

“Kasi, paano mo nga naman madadala yung mga medisina kung hindi pa naayos yung daan?

“So, ang naisip ko, yun ang pinaka-fault ng government.

“Kung may kasalanan man sila, hindi nila inasikaso yung pagsasaayos ng daan muna para makarating yung mga bisita natin mula sa iba’t ibang bansa para tumulong.”

Dagdag ng 24-year-old TV host, “Sila mismo ang nagsabi... even Anderson Cooper said, ’You’re welcome to visit the country to look at the situation here… or to visit the place to look at the situation here.’”

Si Anderson Cooper ang kilalang CNN anchor/reporter na dumating sa Pilipinas, noong November 12, para i-cover ang mga nasalantang lugar na dinaluyong ng bagyong Yolanda.

Ayon pa kay Robi, malaki ang naging ambag ni Anderson para magkaroon ng awareness ang buong mundo sa sinapit ng ilang lugar sa Pilipinas pagkatapos ng napakalakas na bagyo.

“Yes, yes naman.

“Siyempre, ano na siya… seasoned veteran reporter, so hindi mo talaga siya masisi sa mga nakikita niya.

“He is just really blunt, he’s just really straightforward—and Anderson Cooper knows the truth.”



CELEBRITY CHARITY RUN. Bukod sa mga dumagsang tulong mula sa ibang bansa at pamahalaang lokal, naglunsad din ng sari-sariling paraan ng pagtulong ang media outfits at private sector sa mga biktima ni Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na rito ang ABS-CBN at Sun Life Financial, na naglunsad ng Star Magic Gives Back at SunPiology Sunset Color Run noong Sabado, November 23, sa Bonifacio Global City.

Sabi ni Robi sa PEP, “Every year kasi, Star Magic holds a fun run.

“And for the past three years, we have coordinated with Sun Life, together with the help of Piolo Pascual, isa sa mga prime talents ng Star Magic, to join us with this venture.”

Ang Sun Life Financial ang iniendorsong insurance company ni Piolo.

Dagdag pa ni Robi, “Ngayon, this run is about not just having fun, e.

“Pero through running, through our sponsors, kumukuha tayo ng amount para sa mga emergency funds.

“Like this year, ang target ng Star Magic is Visayas, kasi nga dahil doon sa mga recent calamities, like Yolanda.

“Plus yung sa Bohol, Cebu, and other cities dun sa Visayas region."

Ang tinutukoy ni Robi na iba pang kalamidad ay ang nangyaring 7.2 magnitude earthquake na yumanig sa Bohol at Cebu noong October 15, 2013.

“So, ‘eto, this one is a great, great run para ipakita na we are a great nation,” dagdag niya.


PERSONAL SUPPORT. Sa maliit na paraan naman daw ay gumagawa ng hakbang si Robi na makatulong sa mga biktima ng Yolanda.

Saad niya, “Siguro ako, I’ve been at the Sagip Kapamilya Center for almost a week.

“Kasi, kailangang may host na mag-guide doon, kailangan may tumatawag, kailangan may magdo-donate.

“Tapos, I helped repack food and medicines doon.

“And then, I coordinated with my titas, my relatives para magbigay din sila ng tulong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN