KC Concepcion wins her first acting award

Mahalaga para kay KC Concepcion ang kauna-unahan niyang acting award mula sa PMPC Star Awards for Television. Sabi niya, “Iba yung pakiramdam na parang, kahit papa’no, may sarili kaming sikap—yung mga anak ng mga sikat din o kilala sa larangan na ito. Or sa larangan ng propesyon na pinasok mo na nandoon din ang magulang mo. Mahirap siya, kasi siyempre, may mga pangalan at may napatunayan na sila."


Galing si KC Concepcion sa shooting ng pelikulang Boy Golden sa Laguna nang dumiretso siya sa 27th PMPC Star Awards For Television, na ginanap noong Linggo ng gabi, November 24, sa AFP Theater.

Read: Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV

Si KC ang nanalong Best Drama Supporting Actress para sa pagganap niya sa ABS-CBN primetime series na Huwag Ka Lang Mawawala.

First acting award ito ni KC, kaya halos hindi siya makapaniwala sa karangalang natanggap.

Kuwento niya, binibitbit lang siya ng kanyang inang si Sharon Cuneta, noong bata pa siya, sa mga shooting o taping nito.

Naging inspirasyon din daw niya ang kanyang Megastar-mom nang naengganyo siyang pumasok sa pag-aartista.

“Ngayon, may award na rin ako!” pagmamalaki ni KC sa kanyang acceptance speech.

“Siguro minsan, nasa dugo po talaga ang pag-aartista.

“But I’d like to thank everyone who helped me sa aking craft bilang isang aktres.

“Sa lahat ng mga naging director ko, ito ang pagkakataon ko na pasalamatan sila, and also my mom, my family.

“At si Ate Juday,” banggit ni KC kay Judy Ann Santos, na naging co-star niya sa Huwag Ka Lang Mawawala.

Sabi pa niya tungkol kay Judy Ann, “Na… tinuruan niya akong maging mabuting tao, mabuting artist.

“Big sister ko po siya, parte na po siya ng pamilya ko.

“Parang kahapon lang, kinakabahan ako na sampalin siya sa eksena!” tawa pa niya.

“Pero nagawa ko dahil she believed in me more than I believe in myself.”



KONTRABIDA ROLE. Abut-abot din ang pasasalamat ni KC sa ABS-CBN at sa lahat ng bumubuo ng production team ng Huwag Ka Lang Mawawala.

Ito ang unang pagganap niya na may pagka-kontrabida.

Sabi niya, “Natutuwa ako sa one hundred percent na suporta nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, thank you for creating a character na hindi ko ever iniisip na magagampanan ko sa buong buhay ko.

“Na you loved me, you hated me, and you loved me again.

"So I’m really happy that I was given the chance to portray that role.”

Patuloy pa niyang pasasalamat, “I’d like to thank din yung followers ko, sa lahat ng nagtu-tweet sa akin gabi-gabi.

“Sa bawat episodes namin, talagang sumasabay sila sa buhay ni Alexis, sumasabay sa lahat ng nangyayari sa Huwag Ka Lang Mawawala.

“Sa lahat ng nagalit, sa lahat ng nainis, at nagmahal ulit sa character ko bilang si Alexis… thank you.

“Natutuwa ako na tinanggap ako dito.

“Sa lahat ng naniniwala sa akin, maraming salamat talaga—this is so special!

“First time kong ma-nominate for an acting award, tapos nanalo ako—that’s why this is so special.”


TWO NOMINATIONS. Nominated din si KC sa kategoryang Best Talent Search Program Host para naman sa X Factor Philippines.

Hindi man siya ang nanalo rito, masaya na rin daw siya.

Sabi ni KC sa PEP.ph (Philippine Emtertainment Portal), pagkatapos ng awarding ceremony, “I mean, for those two nominations, napaka-thankful talaga—sobrang ganda ng feeling.

“Parang lahat ng hard work mo, lahat ng pagmamahal na ibinibigay mo sa trabaho mo, parang finally… di ba?

“Ipinanganak na rin ako dito, and siguro, iba yung pakiramdam na parang, kahit papa’no, may sarili kaming sikap—yung mga anak ng mga sikat din o kilala sa larangan na ito.

“Or sa larangan ng propesyon na pinasok mo na nandoon din ang magulang mo.

“Mahirap siya, kasi siyempre, may mga pangalan at may napatunayan na sila.

“And to be recognized by something like this is truly special.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN