Melai Cantiveros and Jason Francisco realize preparing a wedding is a pain

Inamin nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na napaaga ang kasal nila dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang ni Melai. Kuwento ng komedyana, “Alam naman ho natin ang mga magulang sa probinsiya. Kapag nabuntis, ‘Hoy, pakasalan mo ang anak ko!’ Ganoon talaga ang probinsiya, di ba? Parang susundan ng itak ‘yan!"


Sa December 9, Lunes, na gaganapin ang kasal ng Kapamilya comedians na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco, sa General Santos City.

Ipinakita ang mga paghahandang ginagawa nina Jason at Melai—mula sa pre-nuptial pictorial nila sa Subic hanggang sa wedding souvenirs at invitations—sa Buzz Ng Bayan kahapon, November 24.

Pagkatapos ng VTR ay live na nagpa-intervoew sina Melai at Jason sa hosts ng programa na sina Boy Abunda, Janice de Belen, at Carmina Villarroel.

Tinanong ang former Pinoy Big Brother Double Up housemates ng ilang detalye sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Beige ang motif ng kasal, at si Jason daw ang pumili nito.

“Parang sosyal,” katuwiran ni Jason sa napiling motif.

Ang tema naman daw ng kanilang kasal ay “enchanted.”

Ayon kay Melai, “Siya [Jason] ang nag-suggest noon kasi, gusto niya, parang princess daw ako paglabas ko—maganda ako.”

Parang fairy ang gown niya?

“Oo,” sagot ni Melai.

“Prinsesang buntis,” sabi naman ni Jason.

Magli-limang buwan na ngayon ang dinadala ni Melai sa kanyang sinapupunan.



MELAI’S PREGNANCY. Kumusta naman ang pagbubuntis ni Melai?

Ayon sa komedyana, “Okay naman, very happy kami.

“Healthy siya, sabi ng doctor. Okay ang weight niya.

“Wala raw siyang tubig sa ulo, sabi ng doctor.”

Pero naging mahirap daw ang first trimester niya.

Kuwento ni Melai, “May kahirapan yung aking pagbubuntis.

“Pero yung baby, okay siya. Grabe ang kapit niya.

“Nag-folic acid ako para kumapit siya.”

Ang folic acid, ayon sa Medline Plus, ay isang uri ng Vitamin B na tumutulong sa katawan upang makagawa ng "healthy new cells."

Mahalaga raw ito lalo na sa mga buntis na babae dahil, "When a woman has enough folic acid in her body, before and during pregnancy, it can prevent major birth defects of her baby’s brain or spine."

Naglihi ba si Melai?

“Yes… ngayon, siya ang naglilihi,” sabi ni Melai tungkol sa kanyang future husband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, “Alas-dose, umalis, naghanap ng steak!

“Alam niyo kung saan nagpunta? Pumunta ng Shangri-La, pangmayaman!”

Sabi naman ni Jason, “Hindi na ako babalik!

“Two thousand one hundred ang isang steak!

“Kumain na lang ako bigla.

“Pagdating ng bills… doon lang po ako nag-end up.

“Kasi, nagpunta na ako sa Rockwell, sa Greenhills.”



CHANGE OF PLANS. Binigyang-linaw rin ng dalawa ang balitang sa isang taon pa raw sana nilang planong magpakasal, pero ang mga magulang daw ni Melai ang may gusto na bago magtapos ang 2013 na sila pakasal dahil sa maselang kalagayan ngayon ng komedyana.

Pagkumpirma ni Melai, “Oho, totoo ho ‘yan.

“Alam naman ho natin ang mga magulang sa probinsiya. Kapag nabuntis, ‘Hoy, pakasalan mo ang anak ko!’

“Ganoon talaga ang probinsiya, di ba? Parang susundan ng itak ‘yan!

“So, ang parents, sinabi talaga, ‘Ano, pakakasalan mo ba ‘to?’

“Palaging nagte-text ang mama ko, tini-text siya [Jason], ‘Pakasalan mo ‘yan. Ayusin mo ‘yan.’

“Ito naman, wala siyang magawa, kunwari ready siya… ‘O, sige po, Mommy.’

“O, di ba?” natatawang kuwento pa ng PBB winner.



SIMPLE WEDDING. Pero kung si Jason ang masusunod, ayaw raw nito ng isang magarbong kasalan.

Aniya, “Gusto ko naman, simple lang.

“Kasi siyempre, gusto ko makita ng tao, simple lang.

“Para kapag nakita ng tao… kasi yung iba, baka kaya hindi nagpapakasal, akala nila, mahal.

“So, gusto ko, simple lang.

“E, kasi ang nangyari, parang masaya naman, marami ang concern, parang gusto nilang tumulong, may mga sponsors. Alangan namang tanggihan?

“Siyempre naman, so in-accept na namin.

“Hanggang sa makita namin, may mga pre-nup, ‘Uy, may mga pictorial na!’”

Dagdag ni Melai, “Pero ang gusto namin, parang probinsiya pa rin.

“Sabi nga nila, ‘Ano ang gusto niyong gift?’

“Sabi namin, ‘Gift at saka oven toaster.’ Yun nga ang sabi namin.

“At saka, gusto lang talaga namin, ma-bless yung aming relationship.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING DATE. May kuwento kung bakit December 9 ang napili nilang petsa ng kanilang kasal?

Ayon kay Jason, “Kasi, yung parents niya po, sobrang mapamahiin talaga.

“Alam niyo naman sila, mga oldies, mga old-fashioned.

“So, ako naman, respeto ko ang gusto nila. Sa kanila naman ang babae.

“Kailangan daw sa kalendaryo, may buwan [moon].

“Sa December 7 sana, kaso yung 7, walang buwan.

“So, naging December 9. Half-moon nga yun.

“E, ang full moon, malapit sa December 25.

“E, sabi namin, baka hindi makapunta pamilya niya, kasi nga, December… Christmas na yun.”

May intrigang nag-aaway raw sila sa pagpaplano ng kasal nila. Totoo ba ito?

Pag-amin ni Jason, “Meron, meron din.

“Hindi naman parang away… parang, ‘Uy, ano ba ‘yan!’

“Ang sakit pala sa ulong mag-prepare.

“Siyempre, alam mo yung parang naiisip mo, siyempre ako ang lalaki. Nasa akin ang end up kung ano ang mangyari.

“Buti na lang, may mga friends and close friends na tumutulong talaga.

“Hindi ko kaya ‘tong mag-isa. So, buti na lang.

“Parang ano na lang ako, ‘Update niyo na lang ako kung ano’ng mangyari.’

“Sobrang hirap palang mag-prepare ng kasal.”

Sabi naman ni Melai, “Mahirap talaga, pero ako, sobrang thankful naman ako sa kanya dahil kahit anong attitude ko sa kanya—siyempre buntis ako—parang okay rin naman siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN